March 2016
So yon may seniors day kami kailangan magsayaw ..Bale by partner yon . At dahil di kami magka size . Haha di kami magkapatner . Patner nya si aliya parehas sila payat . Haha
Syempre selos na naman ang lola mo dahil don . Soo whatever
Yon partner ko si melvin . Talagang savage . Bwiset . Walang magagawa hahaha
Ayan dahil ayaw ko talaga ng sayawan . Di ako nagpapractice madalas nakaupo lang ako . Buti na lang nasaulo ko din yong mga steps hahaha
So yon.. nong kinahapunan .. may basketball daw sila jc and friends ..
Napagdesisyunan kong manood .
Kasama namin si ela and shaina . Bago yon nag paalam muna ako samin .. then sinundo kami ng basketball players sa kanto namin napakalufet . Then sabay sabay na kami nag jeep papuntang lagalag ..So ayon sigawan lang kami . Pag kaka score sila at ganon din ako sa boypren ko. Sobrang saya ko pag naiishoot nya . Bars!
Isang kiss daw isang shoot gago. Hahaha
Tawa ng tawa lang samin si maam corpuz. Ayun kasama namin si maam kaya kami pinayagan hahahaAfter that .. ihinatid kami ni maam sa bahay namin . Isang van kami . Nandon lahat ng players then kami lang nina ela yna at ako ang babae . Haha masaya ..
Saamin na natulog sina ela at yna..
Next day
Absent si elaSo nong umag hinapit na namin ang practice kase seniors day na bukas..
Kinahapunan
May laro na naman daw sina jc and friends .
Syempre manonood nanaman si ako. Ewan ko ba . Kahit pamasahe lang dala ko wala akompake.
Kahit malayo kase lagalag pa yon kina isles . Wala akong pake maaga pa . Dahil sa kahayupan kong yon isinama ko pa si shaina hahahaMaaga pa lang nag byahe na kami ni shaina papuntang court ng lagalag . Susunod na lang daw sila boypren . Okay .
Ang masama dito palobat na cellphone ko. Then wala akong load at pampaload dahil pamasahe lang dala ko . Myghad . Wala din mga load pinagtatanungan ko . Soo . It means wala pa akong paalam sa bahay . GG well played!
So wala parin akong pake .
Tuloy lang ang ligaya. Yon na nga mamumura na din naman ako sa amin . Sagad sadarin na . Hahaha
Syempre gumawa parin ako ng paraan . Nakicharge ako saglit kina isles para makuha number ng parents ko pantext .
So ayun na nga . Wala rin nang yare kase wala load mga tropa nya . Naki insert na labg ako ng sim sa cp ni shain . In case may tumawag lam na dis . GG
At di ako nagkamali mayat maya na sila tumatawag sa cp ni shaina kung nasan daw ako . Dahil pagabi na nga .. hindi.. gabi na talaga . So ayun di ko rin naenjoy laro kase sa taranta .Nevermind . Ayon natapos ata laro nila mga 7:30pm na . Napagdesisyunan naming umuwi na. Tawag parin ng tawag di na namin sinasagot kase . Natatakot na kami .
Nag aabang na kami ng jeep sa waiting shed at sa sobrang malas naman talaga . Wala ng jeep na dumadaan .
So ayun inugat na kami . Wala paring jeep 8:00 na siguro yon . Ayon at dahil gabing gabi na . Lumakad na kami kase no choice talaga . Bale kami ni renz shain jc at ako ang lalakarin ang lagalag hanggang lalig . Wala pa po kaming kain kase walang pera . .
So ayun po ano . Bale apat na barangay pa lalakarin namin . Talisay lusacan lumingon poblacion saka pa ang lalig .
Syempre . Di ako makaramdam ng pagod kasama ko mahal ko e . Ayon . Magkaholfing hands kami . Naglalakad kaming apat sa kalsada. Para kaming tanga . Natawid kami sa mga ginagawang road widening di namin makita kung butas na ba kalsada o hindi . Jusq .
Unforgettable experience daw yon sabi ni jc . Ikukuwento daw namin yon sa anak namin . Pota .
So yun . Nakarating na kaming lusacan wala paring jeep na nadaan 9:00 na ata yon naglalakad parin kami . Hanggang sa may bakery doon . Ibinili na namin yon pamasahe sana namin dahil di pa nga kami nakain .
So yun .. tinawid namin ang nakakatakot na diversion road . Anlalaki ng truck hanggang sa makarating kami sa burol ng lumingon . Kumakain parin kami ng tinapay .
Puro kwentuhan lang kami sa daan para masaya . HahahaBale katabi ni yna si renz . Kaya happy sya kase krass nya yon . Ganda raw ng abs . Hahahaha at ako katabi ko si jc.
Hanggang sa makarating na kami ng bayan ng tiaong . Siguro 9:30 na yon . Langyaa . May sumusunod saamin na sasakyan parang si daddy yon . Pero ewan . Nawala rin yong sasakyan .
And finally narating na namin ang kanto namin . Sinamahan ako ni shaina papasok sa kanto namin . Sina jc at renz don na lang sa kanto bawal pumasok lalo kami mapapagalitan .
Di pa kami nangangalahati ng paglalakad ni shaina . Papasok . Biglang may umilaw sa likod namin .. sasakyan ni daddy
Tumigil yon sa gilid namin
Biglang bumukas ng bintana galit na galit sya ..
Pasok!! Pasok ng sasakyan !! Pati ikaw ineng . Sabi saamin ni shaina ..Si jc ba yong nasa kanto??-daddy
Tumango na lang ako pota . Wala ng takas .
Biglang humarurot paurong yon sasakyan ni daddy pabalik sa kanto .
Then dinuro sila ni renz .
Bumaba si daddy ng sasakyan then tinanong sila .Ikaw ba si jc???!!-daddy habang tinuturo si jc
Hi-hindi po ako -jc
Hahaha sa takot na laang
Biglang tumingin kay renz
Ikaw??!-daddy
Hindi po hindi po -renz
Biglang binalik yong tingin kay jc . Sabay buhat pataas si jc . Hinila yon damit.
Ohmyghad wala ankong magawa!!
Kayo ha ! Pinapayagan naman kayo e magpaalam lang ng ayos at umuwi ng maaga!!-daddy
Speechless binitawan na si jc then sumakay na si daddy ng sasakyan .
Ihinatid namin si shaina sa kanila then umuwi na kami ni daddy di kami nagiimikan sa sasakyan .
Si na jc at renz tumakbo na pauwi hahahaha
So ayon . Di pa tapos . Pagdating samin gising pa pala sina lolo at lola GGWP!!
Ayon ilang mura pa natanggap ko at nabato pa ako ng bag . Kumuha na daw sila ng pulis kakahanap sakin grabe! Simula non naghigpit na lalo sila sakin .
Potalyf!
Time!
BINABASA MO ANG
sana ako nalang :(
Ficção Adolescentenaranasan mo na bang masaktan ng paulit ulit? umasa ng paulit ulit? at maging tanga ng paulit ulit? yung tipong isusumpa mong hindi ka na muling magmamahal .. pero hindi mo mapigilang maging tanga umasa at masaktan ng paulit ulit . hayys eto po kwen...