TAKE NOTES!
1). Ang kwentong ito ay isang katatawanan, walang kinalaman sa tunay na buhay.
2). Ito'y kathang isip ko lamang. Ang mga gumanap dito ay hindi ang tunay nilang pangalan o ang lugar ay hindi din sinasadyang itinatala.
(rvd)
HAPPY READING FOLKS!
ASWANG
Ang ASWANG ay pwede lumiit o lumaki. Sila'y tulad ng tao sa araw pero naging iba't-ibang anyo tulad ng mga nakakatakot na characters o monsters at kumakain ng buhay na tao sa gabi lalong-lalo na ang mga bata na hindi pa ipinanganank..
Ang ASWANG ay pwedeng maging hayop tulad ng paniki, baboy o kaya itim na aso. Ang ibang aswang ay napakadali nilang pumalit ng ibang anyo, ang iba naman ay gumagamit muna ng mabahong langis tulad ng magikero para maging isang hugis hayop sila. Ang ASWANG ay binibiktima nila ang mga taong naglalakad sa gabi o kaya ang mga taong natutulog sa kanilang mga bahay. Kinasasabikan nilang dukutin at kainin ang atay ng sinumang tao na kanilang mabiktima sa gabi.
Ayon sa kwento ng mga matatanda, ang ASWANG daw ay sikat o kilala sa mga brobinsiya tulad ng Capiz, Antique at Iloilo.
Ang ASWANG ay nababanguhan katulad ng hinog na langka, sa mga babaeng buntis. Kapag alam nila na may buntis sa bahay na yon, sila'y naging ibon sa gabi. Lumilipad at dadapo sa tuktok ng bahay, kung yari ng pawid na nipa. Maaring paliitin ang kanilang dila at pahabain tulad ng sinulid at maitunton nila sa sahig mula sa atip kung saan nakahiga ang ina, ipinapasok nila sa bahay bata ng nanay para abutin ang sanggol.
BINABASA MO ANG
ASWANG DAW ANG GIRLFRIEND KO
ContoSa totoo lang may girlfriend ako dito sa Middle East. Taga Capiz siya, ang sabi ng mga kasama ko dito, aswang daw ang girlfriend ko, kaya naman madalas ko siyang mapanaginipan.