Chapter 2: Ako At Siya.

981 7 0
                                    

PAALA-ALA:

Kathang isip ko lamang ito, kung may naka-relate man sa inyo ang kwentong ito, hindi ko sinasadya. Ang pangalan at lugar ay gawa-gawa ko lamang. Salamat po. (rvd)

Chapter 2:

Ako At Siya

"Aray ko po, aray at aray pa! Ang kamay ko...ang paa ko! Putol na!. aYayaaaaaaaaaaaay!" ang

sigaw ko.

Malakas ang aking sigaw, hanggang sa binuhusan ako ng isang basong tubig.

Nagising ako!

PANAGINIP LAMANG PALA !!!!         \|^-_-^|/    \|^-_-^|/ 

Pinagtawanan ako ng mga kasama ko. Binatukan pa ako ng unan. Ang akala ko talaga totoo na

ang nangyari sa akin. Si Andrea. Oo nga! sino kaya ang Andrea na yon?

Hehe! baka si Andrew, yong bading namin na kusinero. Mabiro ko nga mamaya.

Siya nga pala, nandito ako sa Saudi, OFW ako. Trabaho ko ay company driver, nagmamaneho ako

ng malaking service bus sa mga nagtatrabaho. Hatid sundo ko sila. Dito sa aming compound na

tinitirhan, marami kaming Pinoy dito. Masaya naman kaya lang nanga-ibabaw ang "homesick", at

saka medyo problema ang pinapadala naming pera gawa ng paminsan-minsan delayed ang

sweldo namin.

May asawa ako at anak, dalawang lalaki. Kambal yong dalawa. Anim na taon silang pareho. Ang

asawa ko naman ay ok lang siya, maasikaso sa mga anak ko, yon ang sabi ng nanay ko tungkol

sa kanya, kasi sa bahay ng nanay ko sila nakikituloy. Wala pa kasing ipon kaya hindi pa makabili

ng sarili naming bahay.

Sa totoo lang may girlfriend ako dito sa Middle East. Taga Capiz siya, ang sabi ng mga kasama ko

dito, aswang daw ang girlfriend ko, kaya naman madalas ko siyang mapanaginipan.

"Pre, sa iyo ba itong cellphone?" ang tanong sa akin ni Jorge.

"Oo, saan mo napulot yan" doon sa may hallway palabas.

"Nahulog lang sa bulsa ko..salamat ha, Jorge"

Yong cellphone na yon ay bigay sa akin ng girlfriend kong aswang, ehe! yon ang sabi nila.

Araw ng Friday, walang trabaho dito sa Middle East, araw kasi ng pagsamba ng mga muslim o arabo.

Tulad ng dati, sa dating tagpuan sa Corniche ay may bilihan ng mga sapatos doon, tuwing mag

sala o prayer time, nagsasara ang mga tindahan at least isang oras, kaya ang mga Pinoy ay

umpukan sa labas ng mga mall o tindahan kapag nagsa-sala..

"Kumusta na?" ang tanong ko sa kanya habang papalapit ako sa grupo nila.

"Ok lang" ang sagot ni Mimi.

"Ready ka na?"ang mabilis kong sinabi sabay tawag ng kaibigan kong may kotse. Syiempre may

bayad yon. Sideline nila.

Kinakailangan ko alamin kung ready na siyang sumama dahil apat na oras lang ang overtime ko.

Kailangan maibalik ko ang mga taong sakay sa service bus na mina-maneho ko.

Hinatid ko lang si Mimi sa pinsan niya. Tuwing Friday kasi nagkikita sila, may asawang taga Egypt

ang pinsan niyang babae, nurse ito. Doctor naman ang Egyptian.

Isang taon kong girlfriend si Mimi. Kilala siya ng meses ko. Ganyan lang pag may tiwala sa iyo ang

asawa mo, huwag mo lang sirain. Actualy, nagkagustuhan kami kaya lang pareho kaming may

mga asawa.

Ganito pala ang maramdaman namin dito sa Middle East. Malungkot. Maraming klasing lungkot.

Dapat kasi paglabanan talaga dahil kung hindi kawawa naman ang naiwanan sa Pilipinas.

Kahit na ba sabihin, dito lang yan ha sa "Middle East". Mahirap na rin kasi pag nakagaanan mo na

ng loob. Lalo na iyong hinahanap mo ang isang bagay na hindi mo makikita, paano kung umibig

kayo sa isa't isa?

Malaking disgrasia, kapag nangyari.

Patay kang bata ka! Aba eh, isipin mo may isang nilalang na naghihintay sa iyo sa Pinas, umaasa,

hindi lang yan may anak ka pa doon.

Tsk.Tsk.Tsk. patapangan na lang ba ng SIKMURA?

Iniisip ko rin yon. Kaya bago ako humakbang, kailangan tingnan ko muna ang aking inaapakan.

Kailangan umiwas ako sa mga inaapakan ko na makakasugat sa aking mga paa.

Nakabalik na ako kung saan ko iniwanan ang mga pasahero ko sa aking service bus para iuwi

ko na sila sa aming compound. Ito ngayon, binalikan ko na uli si Mimi kung saan ko siya hinatid

kanina.

Magdamag ko siyang makakasama mamaya. Alam ba ng asawa ni Mimi sa Pilipinas ang

ginagawa namin tuwing Friday?

(End of Chapter 2) ... to be continued.

ASWANG DAW ANG GIRLFRIEND KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon