Chapter 1
Si Andrea.
Panahon pa ng lola ko, narinig ko na sa kanya ang "aswang". Ang akala ko noon ay haka-haka lamang o gawa lang ng mga taong sinauna, pang-takot lamang sa mga bata upang sa ganun bago sumapit ang dilim, ang mga batang naglalaro sa lansangan ay magsi-uwi na.
Ang mga kwentong aswang ay dito nakilala sa Western Province ng Capiz, dito sa Panay Island. (Iloilo at Antique pero ang Capiz ay mas sikat kapag ang pinag-usapan ay aswang).
Ang aswang daw ay kumakain ng unborn children, kaya yong mga buntis na ina ay may mga panangga sa aswang tulad ng ilang butil ng bawang na naisuksok sa isang maliit na lalagyan at binubuhol sa kanilang baywang.
"Totoo naman kaya na may aswang?"
"Kayo ba ay naniwala?"
Alam ko ang iba sa inyo o lahat kayo ay hindi maniwala.
Pero ako! mapaniwala kaya?
Ang sabi nila, "Aswang daw ang girlfriend ko."
"Paano ko nga ba nakilala ang aking girlfriend?"
Ganito yon. Hindi ba sikat noon ang yahoo chat? wala pa kasing facebook noon at mga text messaging sa mobile phone. Oo nga may internet na noon pa kaya lang, ilan-ilan lang ang may computer.
Dito sa yahoo chat, dalawang dilag lang ang aking kinakausap. Si Amanda at Andrea. Pareho silang taga Capiz na dalawa. Hindi ko man sila nakikita pa ang kanilang hitsura pero may kutob ako na magaganda sila. Hindi pa kasi nauso ang scanner at webcam kaya hindi ko nakikita ang mga mukha nila. Ganun din ako, hindi nila alam kung guapo ako o pangit.
Pagkalipas pa ng dalawang linggo, hindi na nakipag chat sa akin si Amanda. Si Andrea na lang ang nagta-tiyaga sa akin hanggang sa magkita kami sa Capiz. Ang kanilang Nayon ay tinatawag na Sigma. maganda ang mga tanawin sa Capiz, mabundok at maraming mapapasyalan tulad ng mga kweba at mga lumang simbahan noon pang panahon ng mga kastila.
Kasama ko ang isa kong pinsan na kabisado ang Iloilo at Capiz dahil nakapangasawa siya ng Ilongga. Taga maynila kasi ako kaya hindi ko alam ang kanilang salita. ang pinsan kong si Pablo ay bihasa na sa pagsasalita ng Ilongo.
Bago pala kami nagkita ni Andrea, isang maliit na sari-sari store sa kanto mula sa highway papasok ng taniman ang aming pinagtanungan. Bumili kami ng sigarilyo at tig-isang boteng coca-cola, malayo pa kasi sa kanilang bahay mula ng highway at walang kalsada ng mga sasakyan na may motor, kundi kalabaw lang at ang hinihila nitong karang ang makadaan dahil maputik at malambot ang lupa.Pagkaraan ng kalahating oras na paglalakad. Narating namin ang bakuran ng kanilang malaking bahay na pinalibutan ng alambreng bakod.
Nagkita kami ni Andrea. Ako at si Pablo, ipinakilala ni Andrea sa mga magulang niya at dalawa niyang kapatid na tin-edyer. Napakaganda ni Andrea, mahiyain lang ng kunti.Kasama ko si Pablo, naglibot kami ni Andrea sa buong lupain nila. Mayron silang isang kubo sa likod ng kanilang malaking bahay malapit sa mainit na bukal (hot spring), hindi gaanong kalaparan na nagmistulang swimming pool . Sa kubong iyon doon kami natulog ni Pablo kinagabihan.
Nasa higaan na kami ng pinsan ko, may biglang nakarinig ako ng "WAK-WAK-WAK" na para bang dumadaan lang tangay ng hangin sa itaas, sa ibaba naman parang may naglalakad pero naka-angat sa lupa at ang naririnig ko ay "TIK-TIK-TIK" minsan ay "TIKITIK-TIKITIK"
Parang ibon ang aking pagkarinig sa wak-wak at ang tik-tik ay parang butiki, kaso walang lumilipad na ibon sa gabi kundi ang kuwago lang. Hindi ko masyado pinapansin kasi hindi familiar sa akin ang aking mga narinig, first time ko lang na makarinig ng ganyan.
Tulog na si Pablo pero ako nakiramdam pa rin sa labas. Gusto ko umihi. Kailangan ay lumabas ako ng kubo.Hindi ko alam ang comfort room kung saan, wala sa loob ng kubo, sa condo ako nakatira sa maynila kaya nanibago ako sa bagong tinutulugan, naglakad ako ng kunti sa labas ng kubo, doon ako umihi sa banda roon at biglang may dumaan sa harap ko ang isang kapre.
Maitim siya na parang gorelya. nagtaka ako, hindi niya ako nakikita pero nakikita ko siya. Nakalimutan ko na ang umihi, tumakbo ako ng mabilis pa sa alas kuwarto ngunit hindi ko na tanaw ang kubo kung saan ako galing.
Ang ginawa ko ay umakyat ako ng punong kahoy at sa itaas ng mga sangang ito palinga-linga ako para matanaw ko kung saan ang kubo. Hindi ko talaga makikita at wala akong ginawa kundi sumigaw. Sisigaw na sana ako ng maramdaman kong nawala ang aking boses.
Tarantang-taranta na ako at nangi-nginig na ang buo kong katawan sa takot. Hay! naku ang bulong ko sa aking sarili, kung nagkataong aswang si Andrea, kahit maganda siya ayaw ko na siyang ligawan, hindi ko dapat mahalin ang isang aswang. Baka ako ay maging aswang na rin. Inay ko po!
Lumipas pa ang ilang minuto nandoon lang ako sa itaas ng puno. Nag nagfi-fiesta na ang mga lamok sa pagkagat ng aking porcelanang balat, tuwang-tuwa ang mga lamok, ngayon lang sila naka-kagat ng lasang tao, ang lagi kasi nilang kinakagat ay kalabaw, kaya naiba sa kanilang panlasa ngayon.
Lumingon ako. Sa likuran ko, may natanaw akong tao, tiyak ko babae siya mahaba ang buhok at mahaba ang laylayan ng kanyang damit.
Hindi ako bumaba kundi mahigpit pa akong kumapit sa sanga ng punong kahoy na yon ng bigla kong namukhaan."Si Andrea?" ang nandidilat kong mga mata.
Pakiramdam ko ay lumakas ang hangin, lumilipad ang buhok ni Andrea pataas, wow! ang nasa isip ko, parang may malaking payong na itim akong nakikita sa kanyang likod, aba! naging paniki siya ah.
Malaking paniki nga, kasi ang lapad ng kanyang pakpak na kulay itim.
Mamaya ng kunti, lumipad papalapit sa puno kung saan ako nadoon. Ay naku po, Naging malaking ibon siya pero ang mukha niya ay parang tao na may pangil.Mukha niya ay napakapangit, hindi maipinta, matanda na at maraming kulugo, maraming kuto kaya ang kanyang buhok? para kasing hindi naliligo, tuwid na tuwid pa at parang alambre.
Mamaya pang kunti nawalan ako ng malay ng dakmain ako, sa dalawa kong braso. Nagka-malay lamang ako ng may tumulo sa aking pisngi, malamig at malansa, yon pala ay kanyang laway. Daig pa niya ang baboy na butakal, bumubula ang bunganga, may lipstik pa man din ang mga labi at kulay pula pa..
Hindi ako bini-bitawan habang lumilipad siya, syiempre parang lumilipad na rin ako dahil tangay niya. Mahigpit ang kanyang pagka-hawak sa aking mga braso, ang haba ng mga kuko, may korean design pa ang koko.
"Ernesto", ang sinabi niya at siya ay boses matanda. Sa isip ko lang kilala niya ang pangalan ko. Hindi ako sumagot dahil wala nga akong boses, nawala sa takot. Sino ba naman ang hindi matakot?
"Hindi kita papatayin, Hindi rin kita kakainin. Ang kunat mo na kasi eh, matigas na ang iyong laman. Hindi na kaya kitang ngat-ngatin"Nagkaboses ako nang marinig ko ang kanyang sinabi, nawala na ang takot ko.
"Andrea" saan mo ako dadalhin?
"Malalaman mo basta tumahimik ka na lang dyan"
"Ok Andrea, aswang ka nga! hehe"
"Ngayon nalaman mo na aswang nga ako, mahalin mo pa rin ba ako?
"Oo naman, hindi ba sinabi ko noong nag chat tayo kahit aswang ka mahalin pa rin kita. ngayon napatunayan mo na, anong say mo ngayon"
"Ang say ko? gawin kitang assistant ngayon!"
"Assistant? saan?"
"Basta gawin mo ang ipapagawa ko kung ayaw mo ihulog kita"
"Si Andrea naman, hindi mo pa nga ako natitikman, paano kung bumaksak ako sa lupa sa pagkahulog ko at namatay?"
"Eh di ilibing ka, problema ba yon? hindi ba sinabi ko na sa iyo ayaw ko dahil makunat ka na nga eh at hindi ka na katakam-takan , daig mo pa ang gulay na lanta ah.Hindi ka makayanan ng mga ngipin ko kahit matatalim pa ito sa subrang kunat mo".
"Cge na nga gawin ko na ang ipapagawa mo."
"Makinig ka Ernesto, tuwing sasabihin ko ang, wak-wak-wak, sagutin mo ng tik-tik-tik".
"Kailangan pag sinabi mo ang tik-tik-tik lakasan mo habang malayo pa tayo, pagmalapit na liitan mo ang boses mo o kaya hinaan mo, para malinlang natin ang ating mabiktima. Kunwari malayo pa tayo.
Malayo-layo na rin ang kanilang pag-lipad ng makarinig na ang manganganak na si Sonia, ang asawang si Sandro at ang Paltera ng ganito, "Wak-wak-wak....tik-tik-tik....wak-wak-wak---tik-tik-tik".
"Parating na ang mga aswang" ang nasabi ng paltera, ang tawag sa kumadrona.
"Oo nga eh! nakahanda na rin ang gulok ko, tutudasin ko sila kapag may nagyari sa asawa't anak ko"
"Huwag mo na antayin pa Sandro, tagain mo na agad, pag nakita mo, hirap na ako, ayaw pa lumabas ang anak ko dahil lang sa mga aswang na yan." ang manangis-nangis ni Sonia dahil masakit na masakit na ang kanyang tiyan.Eniwan si Ernesto ni Andrea sa puno ng mga saging, malapit lang din si bahay ni Sandro at Sonia.
Lumipad uli si Andrea at dumapo sa bubungan ng bahay.
Samantala si Ernesto nakiramdam lang sa ibaba. Habang nakakubli siya sa punong saging, bigla na lamang niya narinig ng mga yapak ng kabayo. Sa likuran na pala niya ang "Sigbin".
Matangkad ito, katawang tao pero ang ulo at mahabang leeg nito ay pangit na kabayo.
Sa takot ni Ernesto, tumakbo siya sa bahay ni Sandro at Sonia na nagsisigaw, "may demonyong kabayo....saklolo!"
Narinig ni Andrea ang sigaw ni Ernesto, agad naman niya ito tinulungan. Si Sandro naman ay bumaba ng bahay agad, hawak niya ang talibong. Sinalubong si Ernesto.
Tinaga ni Sandro si Ernesto tinamaan ang kaliwang kamay, putol. Tinaga uli, tinamaan ang kanang paa, eksaktong nahawakan ni Andrea si Ernesto at nailipad niya ng pataas. Ang kanang paa ni Ernesto ay nalaglag sa lupa.
(End of Chapter 1)... to be continued.
BINABASA MO ANG
ASWANG DAW ANG GIRLFRIEND KO
Short StorySa totoo lang may girlfriend ako dito sa Middle East. Taga Capiz siya, ang sabi ng mga kasama ko dito, aswang daw ang girlfriend ko, kaya naman madalas ko siyang mapanaginipan.