Chapter 3: Cheating Love Affair Abroad

671 0 1
                                    

CHAPTER: 3

Cheating Love Affair

Tuwing Friday ng hapon, si Nancy ay pang-gabi sa hospital hanggang madaling araw ng Sabado,

kaya si Mimi ay nandoon sa kanya matutulog para may kasama ang kanilang anak magdamag.

Si Dr. Talib, husband na egyptian ni Nancy ay pang-gabi din sa ibang hospital, magkahiwalay ang

hospital na pinapasukan nilang dalawa.

Kaya nandoon din ako sa bahay nila Dr. at Nancy para samahan si Mimi. Natatakot din kasi si

Nancy na mag-isa lang si Mimi sa Villa nila ni Dr. Talib dahil napakalaki nitong bahay at malawak

ang bakuran, mataas ang pader at wala silang security guard.

Ang dating amo ni Mimi ay hindi nagpapasahod kaya nilayasan niya ito. Naka-anim na buwan lang

siya.

Kaysa umuwi si Mimi sa Pilipinas ng walalng-wala, pumayag na siya kay Nancy na sa kanya mag

part-time paminsan-minsan.

Nakakuha si Mimi ng iba pang mapapagtrabahu-an niya sa rekomendado ni Nancy sa mga

kasama niya sa hospital, mga ibang pinay na nurse din at may mga anak, baby sitter si Mimi.

Si Mimi ay may asawa sa Pilipinas ngunit walang anak. Nagpapadala si Mimi sa asawa niya noon

sa Pilipinas upang ipapaayos ang kanilang bahay at binilhan pa siya ni Mimi ng sarili niyang

traysikol.

Sadyang ang mga tukso ay nandyan lang, hindi lumalayo. May kinasama ngayon ang asawa ni

Mimi. Napag-alaman niya ito sa kanyang kapatid na kabitbahay nila.

Galit na galit si Mimi sa asawa, hindi na niya kinakausap ito, Ibig ni Mimi kalasan na niya si

Bemboy pag-uwi niya ng Pilipinas.

Ang meses ko naman, nabuntis ng ibang lalaki. Dahil may anak ako sa kanya, hinayaan ko na lang

muna na sa bahay namin siya titira ng anak ko at ang magiging anak niya sa iba. Manganganak

nitong buwan.


Dito sa Saudi o kahit saan mang sulok ng mundo, ang mga tukso ay hindi lumalayo, nandyan lang

sila. Kahit na ang mga iniwanan sa Pilipinas mas lalo na. Mayron din, nabuntis sa ibang bansa,

umuwi sa Pilipinas para manganak, kay daming nagkahiwalay. Iba't ibang kadahilanan, mapa-

babae o lalaki, pareho lang. Tulad ko!



Sino ang nagpakatino na pinoy dito sa Middle East o sa ibang bansa?

Palagay ko ay ilan-ilan lang.


 
Kami ngayon ng girlfriend kong aswang, masayang ....




Nagsasama.




Nagkagustuhan.






Nagmamahalan.





Nagtutulungan.





Nagbibigayan.






Nagkaunawaan







at ang higit sa lahat ay







NAGTUTUKAAN




 AT





NAGSUSUBU-AN.                                          

                                                                                 > THE END <


ASWANG DAW ANG GIRLFRIEND KOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon