Kabanata 7 - Fudoshin 2

1.6K 56 2
                                    

Jewel

          "Tao?!"

          Okay? Pwedeng pakisabi kung bakit sila gan'yan maka-react?

          "A-ano.. nagbibiro ka lang, di'ba?" hindi makapaniwalang tanong ni Honoka.

          "Pasensya na ngunit nagsasabi ako nang totoo. Tulad ng sabi niya ay nagising na lamang siya sa Timberland," sagot ni Noah.

          Nagtaka naman ako dahil parang hindi na makahinga sila Hikari dahil sa gulat. Anong nakakagulat doon? Ay leche plan, wag n'yong sabihing mukha talaga akong alien?

          "Jewel? Tao ka talaga?" tanong ni Diasuke.

          Eh tinatanong pa ba 'yan?

          "Tao siya, Daisuke. Maniwala kayo sa'kin."

          Si Noah na ang sumagot siguro dahil napansin niya ang pagtataka sa mukha ko. Sinong hindi magtataka kung may bigla kang nakaharap na isang tao na bigla kang tinanong kung tao ka ba?

          "S-sigurado ka ba? Kasi kung oo. Ito ang unang pagkakataon na makaharap ako ng isang tao," tuwang tuwang saad ni Honoka.

          What?

          "A-ang hirap paniwalaan. May kaharap talaga tayo na isang tao. Tama ang aking ina. Tila ba pinagbiyak na bunga ang mga shin at mga tao," sabi ni Hikari.

          Eh?

          "Matagal ko nang hinihiling na makapunta sa planetang Earth. Siguro kung sakaling nandoon tayo ay mapagkakamalan nila tayong kauri," sabi naman ni Daisuke.

          Mapagkakamalan? Hindi ba sila tao-- I mean, hindi ba sila ordinaryong tao? Katulad ba sila ni Noah na may kapangyarihan din?

          Ohhhh, ghad!

          "Matagal ko nang pinapangarap na makaharap ng isang tao. J-jewel, tinupad mo ang pangarap ko," tuwang tuwang saad ni Hikari.

          Parang mapipisa na ang utak ko kakaisip kung ano ang pinag-uusapan nila. Napalingon kaming lahat nang marinig namin si prinsipe Sheun.

          "Nakakainis ka Honoka! A-akala ko pa naman ay susunod ka," sabi ni prinsipe Sheun at hingal na hingal na naupo sa tabi ni Noah.

          "Ang swerte mo naman kung hahabulin kita," sagot ni Honoka.

          "Sandali. May nangyari bang kakaiba habang wala ako?" tanong ni prinsipe Sheun nang mapansin ang mga expression namin.

          Si Daisuke ay hindi makapaniwala ang mukha. Si Hikari ay kababakasan ng saya. Si Honoka ay nagniningning ang mga mata na tila nakakita ng mga bituin. Si Noah ay bored. Samantalang ako ay takang taka.

          "Si Jewel. Isa siyang tao," sagot ni Diasuke.

          Ano ba talagang meron? 

          "Weh? Kaya siguro wala akong maramdaman na kapangyarihan o kakaibang enerhiya mula sa kaniya," sagot ni prinsipe Sheun.

          Ano bang pinaguusapan nila? Nahihilo na talaga ako.

          Nakatanggap naman ng pagbatok si prinsipe Sheun mula kay Honoka. "Bakit hindi mo agad sinasabi sa'min kanina?!" tanong ni Honoka.

          "Hindi mo naman sinabing sabihin ko," sagot ni prinsipe Sheun.

NirvanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon