Shizuka
Napahilamos ako ng mukha.
Hindi.. impossible...
Hiningi ko lang ang tulong ni Jewel ngunit hindi ko sinabi sa kaniya na kontrolin niya ko.
Napalingon ako kay Noah na kasalukuyang nakahalumbaba sa mesa. Nandito kami ngayon sa terrace ng silid namin nila Honoka.
Nagising ako kanina habang nakaupo sa tabi ko si Noah na mukhang problemadong-problema.
Ngayon alam ko na kung bakit.
Huminga ako nang malalim. "Anong pinag-usapan niyo ni Jewel?" tanong ko.
Nag-angat siya ng tingin para makita ako.
"Sinabi niya na pigilan kita."
P-pigilan? A-ako?
"Pigilan ko raw ang malakas mong kapangyarihan."
Teka... seryoso ba siya? Sinabi 'yun ni Jewel.. pero... kaya naman akong pigilan ni Jewel, di'ba? Bakit kailangan niya pang utusan ni Noah?
"At ano namang sinagot mo?"
Ngumiti siya na siyang nagpakaba sa'kin.
"Masusunod."
Gagawin niya? Ang utos ni Jewel?
Nagbibiro lang siya, di'ba?
Alam kong may pagkakataon na hindi ko nakokontrol ang sarili ko pero... kaya akong pigilan ni Jewel.
"Shizuka."
At bakit sa lahat ng shin ay si Noah pa?
Oo't nagawa niya kong pigilan noon. Oo't alam niya ang ilan kong sekreto. Pero... hindi ba't mas magiging madali kung lahat ng Shindae ang pipigil sa'kin? Sa kapangyarihan ko?
"Shizuka."
Napakurap kurap ako at napatingin kay Noah. Nakakunot ang noo niya at nakasimangot na nakatingin sa'kin.
"Huh?"
"Kanina pa kita tinatawag."
"P-pasensya na," saad ko at napayuko.
Jewel, ano bang iniisip mo? Ano bang pinaplano mo?
"May itatanong ako."
Napatingin ako sa kaniya. "Ganun din ako."
Bumakas ang pagtataka sa mukha niya. "May itatanong ka? Ano naman 'yun?"
Umayos ako ng pagkakaupo. Ipinatong ko ang dalawa kong siko sa mesa at pinag-cross ang mga daliri ko.
"Bakit ka nasa silid namin kanina?"
Napakurap kurap siya. Hindi inaasahan ang tanong ko.
Kung bumulong sa kaniya si Jewel kanina ay hindi na nakakapagtaka 'yun. At kung si Gina naman ang nagsabi ay paniguradong mas darami ang tanong sa isip ko.
Napansin ko ang pag-angat ng balikat niya senyales na bumuntong hininga siya.
"Hindi ko gusto ang ideyang ikaw ang kukuha ng dyamante at hindi ko rin gusto na si Hikari ang kukuha."
BINABASA MO ANG
Nirvana
FantasiMay mga taong nagsasabi na ang mga kapangyarihan o ano mang bagay na mayroong mahika ay imposible. Hindi niyo ba alam na ang salitang "Impossible" ay nagsasabing "Im possible" Ngunit papaano kung isang araw... nang idilat mo ang iyong mga mata ay na...