Kabanata 50 - Ang sekreto

795 24 1
                                    

Shizuka

          "Noah?"

          Talaga bang si Noah 'tong kaharap ko... o isang mapanlinlang?

          "Noah, ikaw ba 'yan?" tanong ko. Napa-atras ako nang bigla siyang humakbang palapit. "B-bakit ang putla mo, Noah? A-at saka bakit... bakit may pangil ka?"

          Ibang iba ang itsura niya. P-parang... parang hindi si Noah na lagi kong kasama. Anong nangyari sa kaniya? Bakit tila isang atrocious lamia ang itsura niya?

          Napalunok ako nang bigla niyang ibuka ang bibig niya.

          'Y-yung pangil niya...

          Tuloy lang siya sa paglapit habang ako naman atras lang ng atras.

          "A-ahaha, N-noah. B-bakit ka ba lumalapit? A-at saka bakit ang gulo ng kwarto mo?"

          Kaya mo 'yan Shizuka. Huwag kang magpadala sa takot mo. Si Noah 'yan.

          Si Noah nga ba?

          Napatigil ako sa pag-atras nang maapakan ko ang isang basag na gamit. At dahil sa pagtigil ko ay tuluyang nakalapit sa'kin si Noah. S-sobrang lapit. Halos ramdam ko na ang hininga niya.

          Nanlaki ang mata ko at iniwas ang mukha ko.

          My ghad Shizuka! Hindi ito ang oras para mamula ka! Jusme!

          "L-lumayo ka," bulong ko.

          Feeling ko lalo akong namula nang bigla siyang ngumiti.

          My Gash! B-bakit... bakit ang hot niya?

          Napalunok ako at humakbang patalikod. Nawala bigla ang ngiti niya at muling lumapit sa'kin. Muli akong umatras habang siya naman ay muling lumapit. Tuloy lang ako sa pag-atras hanggang sa maramdam ko ang likod ko sa isang malamig at matigas na pader. Na-corner na niya ko.

          Muli siyang ngumiti dahilan para biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

          Napalunok ako. H-hindi ako sanay na ganito makatingin sa'kin si Noah.... p-parang... parang gusto niya kong kagatin.

          Napatingin ako sa mata niya at napakunot ang noo. Kulay pula ang mata niya. Hindi 'yung normal na mata niya kapag kinokontrol niya ang apoy... tila, nag-aapoy ang loob ng mata niya.

          Nanatili akong nakatingin sa mata niya. A-ang ganda. Ang sarap tignan ng mata niya.

          Hindi ko iniwas ang tingin sa mata niya kahit na naramdaman kong hinimas niya ang leeg niya. Tila nahihipnotismo ako. Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya at ibinuka ang bibig niya dahilan para muling lumabas ang matulis niyang pangil.

          Napapikit na lang ako at hinintay ang gagawin niya.

          Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa may bandang leeg ko.

          Leeg?

          Teka....

          Bakit ko ba hinahayaan ang lalaking 'to na lumapit sa'kin?

          Napadilat ako at napakuyom ang kamao ko.

          Walang pwedeng lumapit sa'kin nang ganito... k-kalapit!!

NirvanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon