Kabanata 4 - Timberland

2K 67 3
                                    

Jewel

          Napakunot ang noo ko nang makarinig ako ng huni ng ibon.

          Huni ng ibon?

          Napa-upo ako at hinawakan ang ulo ko. Errr.. ang sakit. Medyo masakit din ang katawan ko. T-teka.. anong nangyari? Wala akong maalala.

          Idinilat ko ang mata ko. Sa una'y malabo pa ang paningin ko ngunit matapos ang ilang segundo ay luminaw na-- t-teka.. nasaan ako? Anong lugar 'to?

          Para akong nasa gubat. Magandang gubat. Matatayog ang mga puno at malulusog. Mayroon pa 'tong mga bunga na magagandang bulaklak. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong kagandang lugar.

          Tumayo ako pero mabilis rin akong napakapit sa puno. Muntik na kong ma-out of balance.

          Ang sakit ng ulo ko pati na rin ang mga mata at kamay ko. Ano ba kasing nangyari sa'kin? At bakit ako nandito sa ganitong klaseng lugar?

          Sa pagkakatanda ko ay nandoon lang ako sa university ni kuya tapos biglang sumakit ang katawan ko tapos..  paano ako napunta rito eh hindi naman ako lumabas ng university?

          Umayos ako ng tayo at sinimulang maglakad. Ilang beses din akong nadapa pero kaya pa naman. Medyo?

          "Aray!"

          Huhu, nadapa nanaman ako.

          Lumingon ako sa paligid. Nagbabakasakaling na may maligaw na tao ri--- pakiramdam ko'y kumikinang ang mata ko habang nakatingin sa isang falls.

          Isang falls na sobrang linaw to the point na makikita na ang mga isda na lumalangoy. Marami ring bulaklak sa paligid ng falls, magagandang bulaklak. At sa may bandang gilid naman ay maraming bato na magaganda na tila isinadya ang pagkaka-ayos.

          Sinubukan kong tumayo pero hindi na kinaya ng katawan ko kaya gumapang na lang ako palapit doon sa falls. Pagkarating ko ay umupo ako sa isang bato at nilubog ang paa ko rito.

          Ang sarap sa pakiramdam. Ang lamig ng tubig. Parang gusto ko tuloy maligo. Kaso masakit ang katawan ko.

          Ilang minuto rin akong nanatili rito sa falls. Hindi ko kasi magawang umalis kahit na medyo kaya ko na tumayo at nabawasan na ang sakit ng katawan ko.

          Ang ganda pagmasdan ng falls pati na rin ang mga isda na lumalangoy. 'Yung iba ay tumatalon pa. Ang iba ay kumikislap ang kaliskis dahil sa sinag ng araw.

          At isa pa, tila may kung anong humihila sa'kin na mag-stay sa lugar na 'to.

          Napalingon ako nang makarinig ng kaluskos. Tumingin ako sa halaman sa bandang kanan nang mapansin na gumagalaw 'yun. Tumayo ako at lumapit.

          "Sino 'yan?" tanong ko habang lumalapit.

          Kaunti na lang ang layo ko sa halaman nang muli 'yung gumalaw.

          Naglakad ako palapit pero... napa-atras din ako nang biglang may lumitaw na ulo roon sa halaman.

          "Ahhh!" Napasigaw na lang ako. Hindi na ko nagdalawang isip pa at mabilis akong tumakbo palayo.

          Nakakatakot! Bakit may pangil ang lalaki at ang kulay niya ay parang maputla. Kulang siya sa dugo!

          Hindi kaya...

NirvanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon