"Tama na po Mama! Tama na po! Ayoko na!" Pagmamakaawa ng limang taong gulang na batang babae. "Aray! Tama na po! Hindi ko na po uulitin. Mama, tama na po!" Hagulgol pa nito habang nakikiusap na tigilan na ang pananakit sa kanya ng kanyang Mama. Hinahaplos rin ang bawat matamaan ng kahoy na hawakan ng walis tambong ipinanghahampas sa kanya.
Araw-araw na lang, hindi pwedeng matapos ang isang araw na hindi sinasaktan ng walang-pusong babaeng ito ang kanyang anak-anakan. Wala syang nararamdaman kahit ni katiting na pagmamahal rito. Sya ang pangalawang asawa ng ama ng bata. Sa simula ay mabait sya at kuntodo ang pag-aalaga sa batang babae noong nabubuhay pa ang ama nito. Pero noong aksidente itong nasagasaan ng isang humaharurot na sasakyan at agad binawian ng buhay ay nagsimula na ang kalbaryo ng batang babae. At ngayon nga ay dumating na sa sukdulan ang galit ng kanyang ina-inahan ng makabasag sya ng pinggan na hinuhugasan. Kung tutuusin, hindi naman talaga sa pinggang nabasag sya galit na galit kundi dahil sa nagising sila ng kanyang kasamang lalaki sa kwarto o mas tamang sabihing customer, na naging dahilan ng pag-aaway nila dahil sa naistorbong pagpapahinga ng huli. At nang lumayas ang lalaki ay sya na nga itong napagbalingan ng kanyang ina-inahan ng galit nang dahil na rin sa wala syang nakuhang tip mula rito.
"Walanghiya kang bata ka! Wala ka na ngang pakinabang sa'kin, palamunin na nga kita rito, nagbabasag ka pa ng mga gamit ko! Tapos nagising pa si Buboy ng dahil sayo!" Sabay hampas na naman nito ng walis tambo sa kaawa-awang bata na kahit saan na lang nya matamaan. "Wala ka nang ginawang tama! Dapat isinama ka na ng magaling mong ina sa hukay ng hindi ka nakakabigat sa buhay ko! Put*ngin*ka! Isa kang malaking malas sa'kin! Malas! Malas!" Wala pa ring humpay ang paghampas nya sa bata na ngayon ay pinupuntirya naman nya ang paa nito. Halos gumapang na ang bata sa paglayo sa kanya, wag lang maabutang ng hawak nyang pamalo. Hindi pa sya nakuntento at nang makita ang nakasindi nyang sigarilyo ay doon naman pinatay ang sindi nito sa braso ng bata.
"Ahhhhh! Aray ko poooooo! Tama na poooo!" Palahaw ng kaawa awang bata.
Gustuhin man nyang tumayo at tumakbo palayo sa walang kasing samang taong nasa harapan nya ay hindi nya magawa ng dahil sa sakit na kanyang nararamdaman sa kanyang buong katawan dahil sa walang humpay na pananakit sa kanya. Kaya wala syang magawa kundi kumapit sa mallit na lalagyan ng luma nilang tv pero sa kasamaang palad, dahil sa kalumaan na ng cabinet ay natumba ito at nakasama ang tv nila. Basag!
Napatingin ang batang babae sa kanyang ina-inahan na halos patayin na sya sa matalim na pagtingin nito sa kanya. Lumapit agad ito at hinablot ang kanyang buhok. "Put*ngin*kang bata ka! Bakit binasag mo yang tv! Alam mo bang regalo pa sa'kin yan ni Roland?! Yan na lang ang naiwan nya sa'kin! Put*ngin*ka! Wala ka talagang magandang ginawa sa buhay ko! Hay*p kang bata ka!" At hinablot nya ng ubod lakas ang buhok ng bata na halos ikakalbo na nito sabay hagis sa murang katawan nito sa may kahoy nilang sofa at....
Tog!
Nauntog ang bata sa kanto ng upuan na ikinawalan ng malay nito.
Hindi na rin magkamayaw ang mga tsismosa nilang kapit-bahay na kanina pa palang nanonood sa kanila at hindi na nakatiis pang huwag silang pakielamanan ng makarinig ng malakas na tunog ng pagkabagok at makita rin ito ng ilan na mga nakadungaw na sa bintana. Sumigaw na ang isang kapit-bahay nila. "Hoy Martha! Tama na yan! Kawawa naman yang bata!"
"Hoy! Loisa! Wala kang pakielam! Hindi mo kami pinapalamon! Wala kang pakielam kung ano man gusto kong gawin sa walang pakinabang na batang 'to!" At wala ngang pakundangang hinablot na naman nya ang buhok ng batang babae na nakadapa sa kanilang maruming sahig na walang malay. "Hoy! Tumayo ka dyan! Hindi pa ko tapos sayong walang..."
Natulala sya ng makita ang batang hablot-hablot nya ang buhok ay wala nang malay at may dugo sa noo. Nabitawan nya ito at nanginginig na napatitig dito.
"Naku po! Yung bata! Mga kapit-bahay, tulong! Dalahin natin sa ospital! Tulong! Dali!" Sigaw ng matandang babaeng nakielam kanina sa kanila at walang anu-anong pumasok na sa tahanan ng mag-ina kahit pa alam nitong maaari din syang masaktan. Binuhat agad ni Aling Loisa ang bata palabas at iniwan ang nakatulalang si Martha.
Pagdating sa ospital ay nakuha pang buksan ng batang babae ang kanyang mga mata at nakita ang isang batang lalaking nakatingin sa kanya na awang-awa sa nakikita sa kung ano man itsura nya. May hawak itong isang kulay pulang kotseng laruan at pagkatapos nun ay wala na syang maalala.
********************
Hello loves!
I'm back with a new story. Hopefully maging successful 'to.
Hindi ko nga lang na fulfill yun sinabi ko na pagkatapos ng CGOY tsaka ko ipo-post 'to. Di makatiis eh. Sorry. Hehehe
-linct10-
BINABASA MO ANG
The Possessive Protector
RomanceNatalie is the love of my life. I never felt this way to anyone. Yes, she's battered. Yes, she's broken. And yes, she's hunted by her past. But I, Theo Saavedra Will be Natalie's Possessive Protector. Afterall, She's mine... Mine alone.