“There’s a frozen yogurt store next door.
Is that fine with you?”
“Anything’s fine with me.” I assured her.
Kahit ano pa yan, basta makatulong ako kahit sa maliliit na expenses nila.
Gusto kong magtrabaho! Kaya naman nagtanong ako kung may job opening para sa isang 16 years old.
Nararamdaman ko naman na medyo matatagalan ako sa kanila eh. Ayoko naman na masungitan na naman ni Trevor the Terror.
“But first, you need to rest. Let me show you the way to your room. Come along.” Aunty Em
I nodded, and followed her upstairs along the mahogany stairs.
Dinala niya ako sa isang kwarto na may pagka-adolescent ang interior designs. May wall cabinet kung saan naka-display ang isang toy collection, mula sa action figures hanggang sa miniature racing cars.
Isang portion ng dingding ay allocated sa posters ng iba’t ibang sikat na banda. I could make out Aerosmith, Journey, Goo Goo Dolls, Fall Out Boy, Coldplay, at Linkin Park. Iginala ko pa ang mga mata ko sa ceiling kung saan may mga nakadikit na mga glow-in-the-dark constellations.
“This used to be Calvin’s room.” Aunty Em’s misty voice said.
Kinilabutan ako sa declaration na yon. Na nahalata naman niya.
“Oh, don’t worry, Annie. We haven’t felt anything strange or scary since his death…” Pero parang mas kinukumbinsi niya yung sarili niya. Nagkibit-balikat nalang ako. Hay, bahala na. Magdadasal nalang ako kay Lord para sa guidance.
“It looks like you could do with some rest. You’ve had such a day. Go to bed now, and wake up early so you would be able to apply for the parlor at morning. Sleep well, Annie.”
Palabas na sana siya ng pinto nung nagsalita ako bigla.
“Hmmmm, Aunty Em? Thank you, so much. And Uncle George, for all the things you did, and will be doing for me. I don’t know how to show you how grateful I am to have met you.” Wow, nakapag-straight English ako, yes!
“It’s fine, Annie. Don’t worry… Now, get some sleep.” Ngumit siya sa akin.
Sinarado na niya yung pinto pagkatapos.
Pagkatapos ng ilang mga segundo, may maririnig kang mga boses na nagtatalo sa ibaba. O baka sa katabing bahay lang? Ewan.
Hindi ako makatulog kaya nag-explore muna ako sa kwarto ni Calvin.
“Calvin, alam kong hindi ka nakakaintindi ng Tagalog, pero sana wag mo akong multuhin ah. Pahiram lang ng kwarto mo, at sana wag ka magalit kung magagamit ko yung ibang gamit mo…” Sinabi ko sa hangin, iniisip ko na baka sakaling nakikinig si Calvin.
Tumingin tingin pa ako sa mga nasa paligid ko. Hindi naman sa pangangailam, baka lang may malaman ako kahit konti sa background ng pamilya nila.
Napukaw ang pansin ko ng isang red study table. Punong puno ito ng mga framed pictures. Paano nakakapag-aral si Calvin dito, walang natirang space… Anyway, dalawa sa mga frames ay family pictures. Tatlo sa mga ito ay solo pictures, merong isang shot na toddler palang siya. Anim naman ay shots nilang dalawa ni Trevor. Sobrang malapit sila sa isa’t isa. Pinapakita ito sa mga pictures. Meron isang shot na pareho silang tumutugtog ng instruments, swimming, magka-akbay, camping, graduation at parehong umiiyak.
At may isang nag-stand out. Ang pinakamalaking frame. Picture ng isang girl na may magandang mata at ngiti…
“What are you doing here?” ginulat ako ng isang malamig na boses
Napaharap ako bigla, sa pagkabigla ay parang may pumutok na cartilage or muscle sa leeg ko. Ang sakit, ipinatong ko yung kamay ko.
“I, uh… I was just looking around…” Nakakatakot talagang tumingin si Trevor.
“How did you get here?” tanong niya sa isang flat na boses
“Your mom lent me this room, Calvin’s room, for the time being…” Hindi ko alam kung tama bang sinabi ko sa kanya yun, baka magalit lalo to. Oh my..
“So, you’re telling me that you’re sleeping in here? No way. Get out.” Nakaturo yung thumb niya sa direksyon ng pinto. Cool na cool niyang sinabi ito, yung isang kamay niya na sa bulsa pa.
“Huh? But—“
“Get out, I said. Do you need telling twice? Or will I make it thrice?” tinaasan niya ako ng kilay
Nanginginig akong lumakad palabas ng kwarto. Iniyuko ko rin ang ulo ko, iniiwasan kong makita niya akong malapit nang umiyak. Nakakahiya, na nakakainis. Nakakababa ng tingin sa sarili. Wala naman akong magawa, hindi naman ako pwedeng makipag-arguento sa kanya. Baka palayasin ako ng tuluyan nito.
Sa takot ko, hindi na ako nag-ilusyon na makabalik sa kwartong yon. Bumaba nalang ako sa living room nila, at nag-desisyong matulog nalang sa couch. Mabuti nalang kasya ang buong katawan ko, ang sakit pa naman ng leeg ko.
Nagdasal ako, nagpapasalamat sa kakaibang swerteng naranasan ko sa pagkakakilala kina Aunty Em at Uncle George. Mabilis naman akong nakatulog pagkatapos.
~~~
Hi! RedBrains here :)* It's been so long since I last posted an update. Hope you enjoy reading my stories.
BINABASA MO ANG
I Found Love by Plane
Non-FictionWhen Anna decided that she would go in search of her mother in Virginia, she didn't know that she'll find love in a guy instead.