Nagising ako nung umaga ng may tumatapik tapik sa braso ko. Dahan dahan akong nagmulat ng mata dahil sa sobrang liwanag.
“Annie? Why did you sleep on the couch? Didn’t I give you Cal’s room?” halata sa kanya ang pagka-lito
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyaring ka-demonyohan kahapon sa kwartong iyon. Haaay. Isa pa, hindi ako pwedeng mabigla ng isang usapang Ingles, natatameme ako.
Si Trevor ang nagpaliwanag para sakin.
“I kicked her out of Cal’s room.” Kaswal niyang sinabi, habang papunta sa dining area.
Napatayo si Aunty Em. “Trevy! Why did you do that? I was the one who gave her the room, for her to sleep in. She’s had a rough day. That’s not proper.” Umiiling iling na sabi niya.
Nagkibit-balikat lang si Trevor. “She won’t have a rough day anymore. She could now sleep on the couch untroubled.”
Grabe siya! Kung ipahiya niya ako parang may nagawa akong napakalaking kasalanan! Kahit parang matutulog lang ako sa kwarto ng kapatid niya, hindi naman natuloy. Grabe grabe grabe!
Nakayuko lang ako. Pinisil ni Aunty Em yung balikat ko.
Alam kong ayaw makipagtalo ni Aunty Em sa anak niya sa harap ko, kaya napakamot nalang siya ng ulo. “I’ll take care of it. Have some breakfast.” Binulong niya sakin, tapos nagpunta na siya ng kitchen.
Hindi sa nag-iinarte ako pero, ayaw ko naman na kumain ng nandoon si Trevor. Baka kung ano na naman ang sabihin nun.
*Beep! Beep! Beep!* May bumubusina ng malakas sa tapat ng bahay nila.
“There’s my bus.” Yun ang munting paalam ni Trevor.
Bago siya lumabas, tumigil siya sa harap ng kinauupuan ko. “Don’t mess with anything in this house, especially when I’m out, or you’ll regret it.” Wow, pinagbantaan pa ako.
Naiinis ako! Hindi naman ako mukhang magnanakaw o kahit anong criminal eh. Siguro kya lang siya ganon sakin kasi masamang tao nga ang tingin niya sakin. Tch. Wala naman akong magagawa. Nakikitira lang naman ako sa kanila eh. Beggars can’t be choosers.
“I’m really sorry about Trevor’s behavior. He’s never been like this before… Anyways you should have woken me up last night.” Sabi niya habang nagpupunas ng mga plato. “Come and eat your breakfast.”
We ate in peace. Nakita kong pinapanood ako ni Aunty Em, na para bang pinapakiramdaman ako.
“I understand why Trevor’s been like that. I think he was just being cautious, and he’s right about not trusting me. He might think that I am a criminal or something. But it’s alright. Really…” Kinumbinsi ko siya, pero deep down I was angry.
Ngumiti siya. “But we think you’re not that bad.”
Ngumiti din ako. “Thank you very much...”
“So, are you through? Can we proceed to that parlor? Let’s get you earning.” Tumayo na ako at nagayos ng sarili.
Lumabas kami at itunro ni Aunty Em kung nasaan yung frozen yogurt store. Makalipas lang ito ng dalawang bahay sa kaliwa.
Isang tingin mo palang, alam mo na agad na out-of-place yung store. Sa tingin ko, nakatayo ito sa gitna ng isang residential area. Ito nga lang siguro yung store sa lugar. Pambata ang theme nito, parang candy factory ang exterior at interior designs. Prominent ang sign nito na may nakalagay na ‘Swirls and Bits’.
Mabilis lang ang application process. Parang hindi pa nga application ang ginawa ko kasi wala man lang akong resume pero may forms akong finillup-an. Since 16 na ako, pwede na magtrabaho dito. Natanggap naman ako nung manager na mukhang bored na bored sa trabaho niya. At yun, magsisimula na ako bukas.
Sa paglalakad ko pauwi, magaan ang pakiramdam ko. May trabaho na ako, at least hindi na madadagdagan ang pagtataray ni Trevor.
Speaking of the devil, nakita ko ang school bus ni Trevor. Dumating nap ala siya. Hmp.
Pagkapasok ko ng bahay, lumabas naman si Trevor nang may dalang gitarang nasa case nito.
Tinanong ko ang nanay niya pagka-alis nito. “Aunty Em, where is Trevor going with a guitar?”
“Oh. He’s working, my dear. He holds these gigs at a local lounge bar. He plays soft and relaxing music. He’s a fantastic singer, you know.” Sinabi niya, hindi matatago ang pride sa boses nito.
I nodded. “I see…”
Kinagabihan, nagdasal ako. “Lord, thank You po kasi hindi Mo ako pinabayaan. Maraming maraming salamat po. May trabaho na po ako bukas, at sana naman po, makatulong ako sa pamilyang kumupkop sakin kahit sa maliliit na bagay. At sana po, hindi na ako tarayan ni Trevor. Amen."
~~~~
August 21, 2013 | 5:52PM
Hi. My name is Ansyl Ann Coferrera. I write stories. however, I do take rests. Sana natutuloy nyo padin basahin ito. I hope I'm still making sense. :D*
Please Vote kung nagustuhan nyo :)* Try nyo din other Works ko. (Example yung nasa External Link)
Si Trevor Collins. Kamukha nya talaga si Grant Gustin. (The gif file is not my property.)
Have a great day.
BINABASA MO ANG
I Found Love by Plane
Non-FictionWhen Anna decided that she would go in search of her mother in Virginia, she didn't know that she'll find love in a guy instead.