Realisation

135 7 0
                                    

"Tita Jeng. Kung aalis po ba ako, papayagan nyo ako?" tanong ko.

"Kailan ba? Ngayon? Saan ka nanaman pupuntang bata ka?" bumalik namna sya ng tanong, hindi sya tumitingin sakin kasi nagpi-prito pa sya ng tilapia

"Tita naman eh.. O sige, mamaya nalang po." tumalikod nalang ako

Napakamot nalang sya ng ulo.

Mabait naman si Tita Jeng, minsan lang kasi.. halu-halo ang mga problema nya. Katulad ngayon. Siguro, marami syang iniisip. Sumasali pa yung 'fishy' smell ng ulam namin mamayang tanghali.

Sabihin ko kaya? Oh wag nalang? Baka kasi pagalitan lang ako. Tsk!

Alam mo yon? Yung may gusto ka talagang isang 'bagay', tapos hindi mo masabi o mapa-alam sa iba. Kailangan ipaalam para matuloy yon.

Aww. Badtrip.

Ganito kasi yon. Nakatira ako kina Tita Jeng, pinag-aaral pa nya ako. Plus, may dalawa pa syang anak. Mga mas bata sakin. 16 na ako eh, pre-schooler si Janice at toddler si Jordan. 

Parang ang simple non no? Pero hindi. Wala kasi akong parents na nakilala eh, ever since magka-malay ko, sina Tito Freddy at Tita Jeng ang mga nag-aalaga na sakin. Si Tita Jeng ay kapatid ni 'mommy' ko daw.

Eh, sa hindi ko sya nakita man lang eh. Sa 16 years na yon? Hay nako.

Anyways, sabi nila Tito Freddy, nung ipinanganak daw ako, ipinaalagaan 'daw' muna ako sa kanila ni 'mommy'. Nangibang bansa 'daw'. Sa USA nagpunta.

Eh kung ganon lang yung reason? Bakit hindi man lang sya nag-effort na makita ko? Kahit sa webcam man lang? O kahit simpleng package ng mga chocolates o damit galing sa America? Haaaay. 

Tapos daw, yung 'daddy' ko naman ay isang Frenchman. Ayon, the usual, iniwan ang aking madir. Ano bang meron sa mga foreign daddies at iniiwan nila ang kanilang mga asawa at anak? That's bullsh-t. Honestly.

Pero ibahin mo naman ako sa mga typical OFW/orphan kids out there. Hindi ko nami-miss ko naiisip palagi ang mga 'biological parents' ko. Matagal ko nang tinanggap ang katotohang hindi ko sila kapiling. Kuntento na rin ako sa Tito't Tita ko. Napaka-buti nila.

Pero may napanood kasi akong soap opera, na yung bida, hinanap yung mga kapatid nya kaya nag-aply siya bilang isang flight attendant.

Doon ako nakaramdam na dapat kong makita o makilala man lang ang kahit isa sa mga magulang ko. Pero hindi ako magsi-stewardess, masyado pa akong bata.

So, ayun nga. Gusto ko ipagpa-alam sa kanila kung...

"ANNA! HANDA NA YUNG PAG-KAIN. BABA KA NA DITO!" 

SI Tita Jeng talaga, nabibitiin ako lagi eh! Hay nako...

~_~

"NARIYAN NA PO!" sigaw ko pabalik

Mali ata yung sagot ko? Di ba dapat "PAPUNTA NA PO"? Hehehe! :D Understood na naman yun.

So, nabasa nyo naman na 'bumaba' na raw ako? Medyo malaki n\kasi yung bahay namen, ay nila pala. Seaman si Tito eh, housewife naman si Tita pero nagne-networking siya. Sossy! :D

Pababa palang ako ng hagdan, sumasalubong na si Jordan, yung toddler na pinsan ko. Ang cute cute nga nya eh. Para siyang si Russell dun sa movie na Up. O diba?

"Ate! Ate! Ate!" napaka-cheerful na bati ni Jordan

"Hello, baby Dan-dan-dan..." habang pinipisil ko yung cheeks nya. lambot!

Ngiting-ngiti pa si Jordan. Haha! Kakatuwa talaga siya!

"Tara na, Dan-dan. Kain na tayo." kinarga ko na sya. ambigat!

I Found Love by PlaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon