Kailangan ko pala ng birth certificate para sa application ko ng passport at US Visa... Meron kaya kaming kopya non? Aba, ngayon ko lang ipagtatanong ang tungkol dun.
"Tito Freds, meron po ba tayong kopya ng Birth Cert ko? Requirement po kasi yon..." ako
"Teka, sandali... JENG! ASAN DAW YUNG NSO NI ANNA?!" isinigaw nya kay Tita Jeng, na nasa kusina
"NASA FILE CASE! SA KWARTO!" sagot ni Tita Jeng
"KANINONG KWARTO?!" si Tito Freddy naman
"SA ATIN, MALAMANG!" pamimilosopo ni Tita Jeng
"O, Anna.. Ikaw nalang ang kumuha sa kwarto namin ni Tiya Jeng mo. May lakad pa kasi ako.." sabi ni Tito
"Sige Tito. Salamat po." ako
Pinuntahan ko yung kwarto nila. Hinanap ko yung file case na sinasabi ni Tita Jeng. Ano pala sya.. isang black na attache case...
Abaaa.. Jennifer Rosita Marquez Abad pala ang full name ni Tita Jeng. Ambantot! Hehehehe!
Jennifer Hernandez na sya ngayon..
At eto yung NSO ko..
Name: Ansyl Ann Abad Coferrera
Date: June 11, 1990
Time: 4:48 AM
Nationality: Filipino
Weight: 4.5 lbs
Mother: Rosemarie Anastacia Abad
Occupation: Employee
Father: Luciano Coferrera
Occupation: --
[etc.]
"Tita Rosita..." ako
"Anung itinawag mo saken?" si Tita Jeng, nakakunot ang noo.. May suot pa siyang checkered na apron with ruffles
^_^
"Tita Rosita... Hehehehehe!" ako
"Nabasa mo pa pala yon... O ano, nakita mo ba yung hinahanap mo?" patuloy parin sya ginagawa nya
"Opo... 'Ta Jeng, pareho po pala kayong may 'ROSE' sa pangalan ni mommy ko... Rosemarie pala siya...." ako
"Anong 'Rowsmarie'? 'Roh-seh-marie' yan..." pangongo-korek ni Tita Jeng
"Ahhhh... Tita, pwede na po ba akong mag-apply para sa passport?" ako
"Bahala ka... Pati ba visa?" tanong nya
"Opo sana eh..."
"O sige. Ikaw ang bahala... Basta sa bakasyon ka aalis ha.. Grumaduate ka muna ng highschool..." pa-alala ni Tita Jeng
"Opo naman. Sayang lang kung hindi ko pa tatapusin.. 4 months nalang naman...." panga-assure ko pa
~ After Four Months... ~
Grabe! Ang hirap sa US Embassy! Terror yung Consul na napunta saken...
Pero worth it naman. Pasado daw ako! May magandang ibabalita na ako kina Tito at Tita pag-uwi...
Ang idinahilan ko kasi sa kanya ay; "I would search for my mother in the United States.. I haven't seen her since I was born. There's a lead that says she's currently residing in Virginia.."
Oha! Buti at kinagat ni Sir Amerikano. Pero totoo naman yung rason ko. So, malalaman ko daw yung kung anong type ng visa at number of entries ako pwede. Kinuha nila yung passport ko. Idedeliver daw nila after a week, na nakadikit na yung US Visa...
BINABASA MO ANG
I Found Love by Plane
Non-FictionWhen Anna decided that she would go in search of her mother in Virginia, she didn't know that she'll find love in a guy instead.