A Letter For You (Romance and Tragedy)

26 0 0
                                    

Dear Jayve,

Di ko alam kung san ako magsisimula, pero naisip ko na ikwento ito simula sa umpisa.

Bagong lipat tayo sa Magsaysay High school. Tayo'y Grade 7 noon.

Magkatabi tayo noon dahil sa alphabetical ang seating arrangement.

Apelyido mo'y Bautista; Ang sa akin nama'y Castillo.

Di tayo agad naging malapit, Dahil sa Silent type ako at Noisy type ka.

Naalala ko pa nung una mo akong kinausap, napatitig ako sa mukha mo.

Di ka gaanong kagwapuhan, di rin kapangitan...

Pero sa lahat-lahat ng tao pa na pede akong mahulog, sayo pa.

Kinausap mo ako, dahil sa ako lang ang katabi mo.

Pinipilit mo akong kausapin ka kahit na di ako gaanong panalita.

Di nagtagal, nakilala mo si Rey Escalona.

Siya ung naging kaklase ko at nagiisa kong kaklase na kaklase ko parin hanggang ngayon.

Ang gulo ba? Ang ibigsabihin ko na simula pa nung elementarya pa lang hanggang sa high school, kasama ko na siya.

Naging malapit kayo; Nagkaroon kayo ng tropa.

Naisip-isip ko na indi talaga ako para maging tropa niyo.

Kaya indi ko aakalain na papansinin mo parin ako kahit may mga kaibigan ka na mas mahalaga pa kaysa sa akin.

Bakit? Di ko rin alam. Ikaw lang ang makakasagot niyan.

Isang araw nga, nagkayayaan kayo mag basketbol.

Akala ko uuwi na lang ako sa bahay na magisa, pero kinausap mo ako.

"Boy! tara sama ka! Maglalaro kami ng basketbol!."

Aayaw sana ako dahil sa hindi ako kagalingan sa larangan na yan.

Pero pinilit mo ako ng buong pagkatao mo.

Bakit? ano bang meron sa akin at pinipilit mo akong isama sa bagay na hindi naman ako nababagay?

Pumayag ako dahil hindi naman kita matitiis.

Dahil sa bukod kay Rey, ikaw lang ang tinuturing kong kaibigan.

Ang saya ng araw na iyon at ang nagpasaya nun ay ang bantay kita sa paglalaro.

Nakatutok ang mga mata ko, hindi sa katawan mo, kundi sa pagmumukha mo.

Nakikita ko ang ngiting matamis sa bibig mo.

Nakikita ko ang nagniningning mong mga mata sa sobrang saya.

Nakikita ko ang kumikintab mong pawis dahil sa pagod.

Pero kahit na nakakapagod ang araw na yon, buong araw naman akong este tayong nagsaya.

Ang saya saya nang araw ko na yon, sana maibalik pa natin yun.

Lumipas ang ilang araw, buwan at taon. Grade 10 na tayo.

Oo, umuunti na tayo. may ibang lumipat.

Nagsimula ang tropa natin ng sampu, natira sa lima.

Natural andun ako, ikaw at si Rey. Di matitinag ang pagsasamahan natin.

Ngunit, bat ganun?

Sa tuwing nakikita kita, ang lungkot-lungkot mo.

Dahil ba sa konti na lang tayo?

Dahil ba hindi na tayong tropa tulad ng dati?

Dahil ba hindi ka na nakakapagbasketbol hanggang sa sobrang mapagod ka?

Mini StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon