He Stole My Heart! (Romance)

50 1 0
                                    

Galing kami sa pasyalan at kakauwi lang namin. Nakita namin siya sa tapat ng bahay namin. Isang batang lalaki na nakaupo habang umiiyak sa may pintuan. Pinalayas siya ni mama pero sa mukha niya nakita namin ang pagmamakaawa, kaya bago pa naman siya umalis, binalikan ko siya ."Bata!....anong pangalan mo?", sabi ko pero hindi siya kumibo...tinanong ko ulit "anong pangalan mo? Ako si Marie, Ikaw?", ngumiti siya kahit kaunti sabay sabing "A....ako si Raver. Bakit mo naman natanong?...Hindi ka ba nandidiri sa akin o natatakot baka kung anong magawa ko sayo?", tanong niya."Ano naman ika-didiri ko sayo? tao ka naman at tsaka pwede rin naman akong maging madungis at bakit naman ako matatakot sayo? Inosente ka naman eh", sabi ko. "Bakit mo ako kinakausap? bakit masyado mo akong pinagkakatiwalan? ano ba ang meron sa akin? may kailangan ka ba?" tanong ni Raver. "Alam mo kasi, wala kasing masyadong bata dito kaya wala rin akong kaibigan. Ikaw lang ang kauna-unahang bata na nakita ko dito. kung pwede bang maging magkaibigan tayo?" tanong ko. "Pwede naman kaso ang layo ng estado ng buhay natin. Mahirap ako, mayaman ka... hindi tayo pwede", sabi ni raver. "Kahit mayaman ako, o mahirap ka. Sa mata ng diyos, pantay pantay tayo. Bilang regalo ko sayo ito necklace na puso, araw-araw mo yang suotin bilang tanda ng pagkakaibigan natin" Inabot ko sa kanya ang kwintas sabay sinuot niya. Pagsuot niya nagsabi siya ng salamat at napaiyak.....hindi siya naiyak sa lungkot, kundi sa ligaya.

Pagkatapos ng araw na iyon, araw-araw siyang bumalik para makipaglaro sa akin. Hindi naman nagalit si Mama, naging masaya pa siya sa akin dahil sa mabuting loob ko at pagiging matulungin. Naglalaro kami, nagtatawanan at nagkwekwentuhan. Pero minsan nakwento niya sa akin na sa sobrang hirap ng buhay nila napilitansiyang magtrabaho, hanggang sa hindi na siya nakapasok araw-araw para maisalba lang ang pamilya niya. Inaamin ko na kahit parehas lang kaming 7 yrs. old ay mas marami ng pagsubok ang haharapin ni raver sa paglaki niya, halos buong araw kaming naglalaro na tila panghabang buhay na kaming magiging magkaibigan pero, dumating ang isang araw, na nagpaalam siya sa akin. Uuwi na daw sila sa probonsya nila, para dun na manirahan at magtrabaho, labis na daw na napakahirap mamuhay dito sa maynila. Kaya iyon ang napagdisisyonan nila. Pero bago pa man siya umalis, nagsabi siya "Pangako! babalik ako, para ibalik sayo ang puso mo at magiging maligaya tayo, Marie, Paalam na" sabi niya na napapaiyak na siya. Ako naman ay napaiyak sa sinabi niya at sinabing "Ipangako mo, na babalik ka.........BUMALIK KA!" sabi ko hanggang sa tuluyan na siya lumaho.

19 taon ang lumipas, tumanda man ako ay hindi ko parin makalimutan si Raver. Kahit anong gawin ko hindi siya nawawala sa isipan ko at naghihintay ako kung kailan siya babalik. Isang araw naglalakad ako sa may maynila, may nagtangkang magnakaw sa akin. Buti malakas ang hawak ko, pero napatingin ako sa mukha niya at napatingin rin siya sa akin at sabay naming sinabi "RAVER!?"- "MARIE!?"- napasigaw naming sinabi. "Bakit ka nandito? akala ko ba nasa probinsya ka pa?...walang hiya ka....nagtangka ka pang magnakaw. Anong nangyari sayo?!" Medyo galit kong sinabi pero masaya ako dahil nagbalik na siya at kita ko sa mukha niyang masaya rin siya. "Pwede bang sa liblib na lugar tayong magusap? pinagtitinginan kasi tayo" sabi ni Raver. Pumunta kami sa isang liblib na lugar, kung saan walang tao, kung saan maitatanong ko lahat sa kanya. "So?...sagutin mo na kasi lahat ng tanong ko", sabi ko. "Sorry Marie, napilitan lang kasi ako ngayon magnakaw....kahit ayaw ko, kailangan ko. Sa sobrang kahirapan, nagiging mahina ang pamilya namin. Si papa may cancer, Si mama may TB tapos ung mga kapatid ko hindi na nakakapagaral. Hindi ko na alam ang gagawin", sinabi niya habang umiiyak. "Kung gusto mo tulungan kita?...naging malapit naman tayo. Pero hindi kita mabibigyan ng pera. tutulungan kita magkapagaral para makahanap ka ng matiwasay na trabaho. Hindi ung magananakaw ka" Sabi ko. "MARAMING SALAMAT" sabi niya sabay yakap sa akin at pulit ulit niya iyon sinabi. Kahit matagal pa ang hihintayin ni Raver, ginawa niya ang lahat, nagaral siya ng mabuti, nagpursige siya at nagpakahirap maisalba lang ang pamilya niya, nagpart-time job nga siya, para ung perang sweldo niya ay ung allowance niya at pagkain na ng buong pamilya niya.

Pagkatapos ng lahat, Sa wakas nakatapos na rin siya. Agad-agad siyang naghanap ng trabahong mapapasukan niya at agad-agad rin siyang natanggap. Sa unang buwan niya, nakakuha agad siya ng malaking kita, pero kalahati nun ay hindi para sa pamilya niya, kung hindi para sa akin sabay sabing "Alam kong hindi mapapalitan ng pera ang lahat ng binigay mo sa akin. Kulang man ito para maiparamdam ko ang tuwa at ligaya ko, pero sana tanggapin mo ito bilang pagbayad sa mga utang ko", sabi ni Raver. "Ano ka ba? hindi ko iyan matatanggap, tsaka kailangan pa yan ng pamilya mo... ano pa ang silbi ng pagtra-trabaho mo kung kalahati mapupunta sa akin?", sabi ko." patay si papa, at nasa kritikal na kalagayan si mama kaya wala na ring silbi kung gagamitin ko ito sa kanila kaya kung pwede tanggapin mo na lang ito. Papagalitan rin ako ni mama dahil hindi ako marunong tumanaw ng utang naloob. Kaya tanggapin mo na at tsaka akin na ang kamay mo", sabi ni Raver ," Sige na nga" kinuha ko ang pera at sabay binigay ko ang kamay ko. Siya naman ay lumuhod at may inilabas...... Ung binigay kong kwintas pero may kasamang singsing at sabay sabing "pwede mo ba....este will you marry me?". Hindi na ako nagatubili pa at sinabi ko ang isang malaking "OO".

Pagkatapos ng ilang buwan kinasal kami at paglipas rin ng ilang taon, nagkaroon kami ng mga anak. Ang kanyang mga kapatid naman ay maayos ng nabubuhay. Kaya masasabi kong "Napakaswerte ko at napakaswerte niya rin na nagkakilala kaming dalawa."

Mini StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon