A walk to Remember (Romance)

36 1 0
                                    

Naalala ko pa nung una tayong magkita. Bata patayo noon at ikaw unang-unang lumapit sa akin nung araw na iyon. Umiiyak ako sa gitna ng ulan. Pinayungan mo ako sabay sabing "bakit ka umiiyak?". Ang sabi ko naman "kasi nilipad ung payong ko". Ang sabi niya "ohhh.... sayo na itong payong na ito". Nagulat ako sa kabaitan niya kaya tinanong ko "bakit naman? paano ka?". Napangiti siya sabay sabi "ok lang, malapit lang ang bahay ko kaya kunin mo na". Hindi na ako na ako nagatubili pang kunin dahil ako rin naman ang mapapahamak. Pagkatapos ng lahat naghiwalay kami ng daan, pero habang palayo siya ng palayo sa akin, hindi ko maiwasan na hindi tumingin sa kanya. Napaibig ako sa taong hindi ko nakilala

Naalala ko pa kung paano tayo naging magkaibigan. Ilang taon na rinang lumilipas, pero hindi ka mawala sa isipan ko. Nakatungtong ako sa high school na siya ang inspiration ko at pinapangarap ko na magkita ulit kami sa hinaharap. Isang araw sa canteen, May nakita akong lalaki na kamukhang kamukha niya. hindi ako nagdalawang isip na tanungin ang pangalan niya. "Hi, pwede bang matanong kung anong pangalan mo?" tanong ko. "hmm...Ako si Kal. bakit mo naman natanong ang pangalan ko?" sabi niya. "wala! akala ko kasi ikaw ung dati kong kaibigan...sorry", sabi ko sabay alis dahil sa sobrang hiya, pero kinuha niya ang kamay ko sabay sabing "ganun ba. kamukha ko lang ung dati mong kaibigan, pero pwede ba kitang maging kaibigan ngayon?", kinilig ako sa sinabi niya pero hindi ko naman matatanggihan ang hiling niya kaya tinanggap ko siya bilang kaibigan.

Naalala ko rin noong naging sobra tayong magkalapit, na tila wala ng makakapigil sa atin. Naging sobra kami nagkalapit na hindi na namin napapansin ang ibang taong kaalyado namin. Mas tinutugunan namin ang pangangailangan ng bawat isa. Pero, bigla-bigla ko na lang naalala na ito bang lalaking ito ang batang tumulong sa akin. Hindi ko alam.

Naalala ko pa nung sinubukan kong ibigay sa yo ung payong. Kabado ako, pero sinubukan ko. Pagbigay ko, sumimangot siya at sinabi niya na "Kuya ko iyon, kaso matagal na siyang patay". Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inaakala na ganun ang nangyari

Naalala ko nung pumunta tayo sa libingan ng kapatid mo na si Kit at sinabi mo ang buhay niya. "Nung bata pa kami simula ng makita ka niya, ikaw ang bukambibig niya. Araw-araw ikaw ang paksa namin. Hindi ko nga inaakala na magiging bestfriend ko. Pero, sa totoo lang, inis na inis ako sa babaing tinutukoy ni kuya"."bakit?" tanong ko. "Dahil sa sobrang kakaisip niya sayo, namatay siya. Ang kakaisip sayo ang dahilan ng pagkamatay niya. Pero ok na ang lahat, dahil nakilala ko na ang babaeng minamahal niya at mukhang ako magpapatuloy ng pagmamahal niya sayo". "huh" sabi ko. "aria, mahal kita", nagtapat na siya sa akin at ang sagot ko naman ay "Mahal rin kita".

Mini StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon