The Greedy Man (Tragedy)

8 0 0
                                    

Kabilin-bilinan ni Tatay na parati ko daw pahalagahan ang mga bagay na pagmamay-ari ko. Na pagnawala yan, saka ko lang malalaman ang halaga ng bagay na iyon at labis kong pagsisisihan ang ginawa ko.

Bata pa lamang ako, Iniwan na ako ni Ina. Hindi ko alam ang rason, Basta umalis siya ng walang paalam. Alam kong kaya niya ako iniwan dahil sa hindi na ako importante sa kaniya, at may mga bagay na mas mahalaga pa sa akin. Dahil sa kaniya naging rebelde ko ngunit kahit naging rebelde ako, hindi ako tinakwil ni tatay. Siya ang kaisa-isang sumusuporta sa akin.

Napuno ang kabataan ko ng lungkot at poot. Kahit ng naging binata na ako, wala paring nangyari. Mas lalo lang akong nalagom ng kasamaan.

Napariwara ako, umaasa ako na may tumulong sa akin. Kahit sino, basta matutulungan ako. Kahit alam kong wala naman.

Lumipas ang panahon. Wala paring nagbago. Tumangkad lang at mas naging maskulado ako. Wala paring katuturan ang buhay ko.

Sa sobrang lubog ko sa poot. Di ko namamalayan na may isang bagay na mahalaga sa akin ang unti unti ng kinukuha ng iba. Ang tatay, may karamdaman na. Nakalatay sa higaan na waring piraso ng kahoy sa sobrang payat at hindi makakilos sa sibrang hina.

"Tay! Wag niyo akong iwan! Tay!"

"Anak, may mga bagay na kailangan mong tanggapin, kundi hindi ka makakapunta sa pinaroroonan mo. Ang mga bagay, tulad ng kamatayan, ay hindi maiiwasan. Lahat ng tao ay mararanasan yan. Alam kong hindi ako naging matinong tatay sayo, kaya ipapaubaya ko sayo ang kayamanan ng ating pamilya. Anak, bago ako mawala. Hanapin mo ang bagay na makakapagpaligaya sayo, habang buhay."

"Tay! Tay! Sige po. "

Naglakbay siya dala-dala ang mga mamahaling kayamanan na timago ng kanyang tatay. Bilang pagsunod sa tagubilin ng kanyang itay.

Sa paglalakbay niya, May nakita siyang marikit na babae, maganda ang hubog ng katawan at nakasuot ng manipis na damit na halos makita na ang makinis niyang balat sa loob, May hawak rin ang babae na mansanas at kinakain niya ito.

"lalaki~ maaari bang malaman kung anong pangalan mo?"

Inaakit ng babae ang lalaki. Sinusubukan naman ng lalaki na iwasana ang temptasyon.

"Pagpasensyahan mo na binibini ngunit ako'y naglalakbay para hanap ang bagay na makakapagpaligaya sa akin, habang buhay."

"Oh~  Wag kana masyadong magpakalayo. Malay mo, ako na pala ang bagay na hinahanap mo?~"

Nahulog na siya sa patibong ng babae. Ng walang alinlangan. Sumama siya sa babae.

"Ang pangalan ko ay Renardo, kinatutuwa ko ang makilala ka."

"Hm. Renardo, napakagandang pangalan..."

Lumapit ang babae sa lalaki at nagharap ang kanilang mukha.

"Ang pangalan ko ay Arizonia. Siguro pagod ka na sa inyo paglalakbay. Gusto mo bang maligo muna sa may palikuran namin?"

"Sige, kung maari. Salamat"

Pagtapos maligo ni Renardo. Agad-agad siyang umupo sa upuan at napansin ito ni Arizonia.

"mukhang hindi napawi ng tubig ang pagod mo. Kung gusto mo, pede kitang masahiin."

"Kung iyong gugustuhin. Salamat"

Sinunod ni Arizonia ang kagustuhan ni Renardo. Sa sobrang sarap ng hilod at kampas ng kamay ni Arizonia sa balat niya. Hindi niya namalayang nakulog siya.

Sa paggising niya, Nagulat siya dahil nawawala si Arizonia. Nawawala rin ang mga kayamanan niya. Saka lang niya nalaman na nakawan siya. Napaluhod siya sa sobrang pagsisisi.

Sinubukan niyang balikan ang tatay niya, nagbabasakaling meron pa siyang makukuhang tulong mula sa kaniya ngunit pagdating niya sa bahay nila. Nakita niya ang nakaratay niyang ama sa loob ng isang kabaong.

Mini StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon