I Miss You Already (A Letter For You: Part 2)

10 0 0
                                    

Dear Jerry,

Hello. kumusta ka na?

Tagal na nating di nag-uusap. Tagal na rin nating di nagkikita.

Nasan ka na kaya?

Namimiss na kita.

Naalala ko pa nung una tayong nagkita.

Katabi kita sa upuan sa eskwela.

Baguhan lang ako dun kaya ikaw una kong kinausap.

Di ka masyadong panalita.

Di ka ata masyadong sanay sa makulit at madaldal na katulad ko.

Pero kahit na di tayo magkasundo minsan, tinanggap mo ako bilang kaibigan mo.

Matalino ka at magaling ka sa bawat asignatura.

Nakakainggit ka.

Masaya nga ako sa tuwing nagkokopyahan tayo dahil sa ako lang talaga ang kumokopya sayo.

Nagawa mo ngang maging top 5.

Dun ako nahulog sayo.

Pero alam ko naman na hindi tayo pwede.

Dahil sa lalaki tayong pareha.

Masaya pa nung Grade 7 pa tayo.

Marami akong nakilalang bago.

Isa na dun si Rey Escalona na dati mo pang kaklase.

Basketbol player siya.

Kaya minsan nagkayayaan maglaro.

Nakakapaglaro pa tayo ng basketbol.

Masaya ako tuwing naglalaro tayo nito.

At mas lalo akong naging masaya nang sumama ka sa amin maglaro.

Di ko alam at bigla na lang kitang nayaya.

Siguro dahil sa kailangan pa namin ng kakampi nun.

Siyam lang kami, kulang pa kami ng isa.

Sumama ka dahil sa pinilit kita.

Buong maghapon tayong naglaro.

Sobrang saya diba?

Kita kita ko sa pagmumukha mo ang kasiyahan.

Siguro ngayon ka lang nakalaro ng basketbol ng todong-todo.

Naalala ko rin nang pagkatapos natin maglaro.

Hinatid kita sa bahay mo.

Nagkwentuhan tayo sa mga pangarap natin sa buhay.

Gusto mong maging Civil Engineering.

Gusto ko naman maging Seaman.

Nalungkot ako nang sinabi mo iyon...

Dahil sa hindi na kita makakasama sa college.

Nagdalawang isip ako na mag-Civil Engineering o magsi-Seaman ba ako.

Gusto pa kasi kitang makasama eh, habang buhay...

Dumating na tayo sa bahay ninyo.

Nagpaalam tayo sa isa't isa.

"bukas na lang uli!" Sabi mo.

Sabay pumasok ka sa bahay niyo.

Ako naman balik na naman sa pagiging malungkutin.

Sa eskwela lang ako nagiging sobrang masaya.

Mini StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon