The Bride

19 1 0
                                    

Sa pagtugtog ng awitin ay kusang sumilay sa aking mga labi ang matamis na ngiti,
Mga ngiting sayo at tanging sayo ko lang inilalaan,
Habang tinititigan ka sa pinakadulo ng pulang tela na nagdudugtong sa ating dalawa,
Pumatak ang masaganang luhang di na mapigil pa.

Di ko mapigilan ang paghikbing umalpas sa aking mga labi,
Sabay ng sanlaksang emosyong nasa aking dibdib,
Kailangang isantabi ang lahat ng damdamin,
At tanggaping ang realidad na nangyayari.

Palapit ng palapit sa iyong kakisigang taglay,
Bawat kislap ng iyong mga mata ay aninag na aninag ko,
Ang pagibig na umaalpas mula sa iyong mga tingin,
Mga tinging tumatagos sa pagkatao sa pagkakatitig mo,
Sa babaeng nakaputi, nakaputi sa likuran ko...

08/15/2016

BUNTONG HININGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon