HUNI NG DAHON

66 2 0
                                    

Tinatakpan ng ulap
Ang kanina'y nakakalat na liwanag
Bumibini ang ihip ng hangin
Pumapagaspas ang huni ng mga ibon.

Mula sa aking kinaroroona'y
Natanaw ko ang iyong ngiti
Nagpapagaan sa damdaming
Nakayukayok sa kalungkutan

Tulad ka kaya ng ulap?
Na tumatakip sa liwanag?
O tulad ng hanging
Magpapahuni sa mga dahon

Nais ipikit ang mga mata
Nais damhin ang tamis ng pagkagiliw
Nawa'y mapawi ang takot na damdamin
Nawa'y tangayin ang pagod na kaisipan
At takot sa naguumapaw na dalityapi

BUNTONG HININGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon