PANGAKO..
Isang salita na nagpaikot ng mundo ko sa iyo..
Ang pangako ng panghabang buhay na pagmamahalan..
Pagmamahal na isinapuso ko na dadalhin hanggang kamatayan..
Pero ang pangako kagaya ng madalas sabihin ng ilan ay napapako, napapako at nakakalimutan..
Nakakalimutan o kinalimutan?
Tulad ba ng malalamig mong yakap at halik?
Gaya ba ng mga tingin mo sa akin na tagusan..
Tagusan na ni hindi ko makita ang alab ng pagibig sa iyong mga mata..
Matagal ko din palang nakalimutan ang sarili ko..
Mula ng nagdesisyon akong mahalin ka dahil sa bagong buhay na nasa aking katawan ay nakalimutan ko na ang sarili ko..
Hindi ako nagsisisi sa mga panahong iniaalay ko sa pamilya natin ang buhay ko..
Hindi ako nagsisisi na ipinaglaban kita sa lahat.. maging sa sarili ko..
Hindi ako nagsisisisi sa lahat ng sakripisyo dahil mahal kita..
Mahal kita at Minahal kita..
Hindi ako nagsisisi hanggang sa araw na iyon..
Noong araw na nakita kitang kayakap siya..siya na lumuluha sa mga bisig mo..siya na pinapangakuan mo ng kinabukasan..
Siya na tinitignan mo na para bang siya lang ang nakikita mo..na walang ibang tao sa paligid kundu siya lamang..
Siya na kaya mong hamakin ang lahat..
Kahit ang iwan ako at ang mga anak mo..
Ang mga anak natin..
Nanahimik ako.. sinarili ang sakit na tagusan hanggang sa kailaliman ng puso at kaluluwa ko..
Hindi kita sinumbatan..hanggang sa naging manhid na ako sa sakit..
Hanggang sa unti unti ang manhid kong puso sa sakit ay namanhid na din at nakalimutan na ang mahalin ka..
Nawala lahat..
Nasaid hanggang sa huling patak..
Kasalanan ko bang mabuhay muli ang kislap sa aking mga mata dahil sa pangako ng iba?
Kasalanan ko bang malunod sa mga tingin niya, yung mga sulyap niyang parang ako lang ang pinakamgandang babaeng nakikita niya..
Kasalanan bang maramdaman ko ang maging maligaya sa mga nakaw na tingin na kaya kong ibigay sa kanya.
Hindi kita pinagtaksilan...hindi kita pinagtataksilan..
Subalit hindi mo ako naprotektahan mula sa mapanghusgang mata ng mga tao..
Hindi mo ako prinotektahan mula sa mapanghusga mong pamilya at sa sarili mo..
Sabagay..
Sino nga ba ako..
Ako lang nman ang asawa mo...
Asawa mo na hindi mo pinahalagahan ang mga sakripisyo at pagattanggol sa iyo..
Asawa mo na hindi mo man lang nirespeto sa pangangaliwa mo..
Asawa mo na hindi mo nagawang ipagtanggol sa pamilya mo..
Sabagay Asawa mo lang naman ako..
Asawa mo lang, hindi ang babaeng mahal mo...
Ayoko na...
Pagod na ako..
Mula sa nagdurugo kong puso na nasaid na ang pagmamahal sa iyo..
Ayoko na..bibitawan na kita..
Ayoko na.. ayoko na sa pangakong napako-rakelsoryente
*inspired by true story😢 I may not feel how u feel but I'm just here my friend. Lab yu!
BINABASA MO ANG
BUNTONG HININGA
PoetryKoleksyon ng mga titik, parirala, pangungusap, saknong at DAMDAMIN