PINTUAN

15 1 0
                                    

Paulit ulit kong tinatanong ang sarili ko kung bakit kita mahal...

Sa sobrang daming beses, para na kong sirang plakang walang sawa sa pagtugtog gabi at araw. Hindi napapagod, hindi humihinto. Kahit nagagasgasan, kahit nasusugatan patuloy pa din ako sa pagmamahal ko sayo. Madalas, inihahalintulad ko na lang ang sarili ko sa pinto.. Oo sa pinto..nakakatawa pero malaki ang pagkakatulad naming dalawa..

Minsan para akong pinto na basta mo na lang hahayaang nakabukas, hindi mo man lan inalintanang isara para nman may seguridad, para man lang may proteksyon ako na sa pagbalik mo ay buo pa din ako.

Madalas walang ingat kang ibinabalibag ako, walang ingat kang nagsasalita na para bang wala akong karapatang masaktan at umaray man lang..

Dinadaan daan mo lang. Sa maraming pagkakataon binabalewala mo ako. Labas masok ka sa buhay ko..aalis kung kailan gusto, walang pasabi, walang paramdam..ilang araw, minsan umaabot ng linggo at buwan. Tapos ano? Babalik ka? Babalik ka ng parang walang nangyari at papasok muli sa pintong alam mong naghihintay lang sayo..

Ang pintong alam mong hindi sasara kung hindi mo isasara. Hindi kusang bubukas kung hindi mo bubuksan..

Pero sana maisip mo na gaano man katibay ang pinto ng isang tahanan..pag napabayaan at hindi inalagaan binubukbok din yan.. pag hinayaan mong malubog sa baha, tuluyan iyang mabubulok..pag hindi mo kinumpuni ang mga bisagrang nasira ay bibigay din yan at higit sa lahat kapag nasira ang seradura at hindi mo inayos at hindi mo pinalitan, nakakatakot na baka magulat ka na lang na hindi ka na makapasok sa pinto.. NA BAKA HINDI KA NA MAKAPASOK SA BUHAY KO. NAPAGLOCKAN KA NA PALA...

-rakelsoryente
01/11/18
3:57am

BUNTONG HININGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon