DAPITHAPON

43 1 0
                                    

Namaalam na ang liwanag
Kasabay ng malungkot na pagkalagas ng mga talulot ng bulaklak
Oras na ng pamamahinga
Ng pagal na puso at nalilitong isipan

Gunitain ang ligayang hatid ng magandang maghapon
Kasabay ng halakhak ni bunso
Kasabay ng pighati ng iyong pinakamamahal na kabiyak

Bakit isinisiksik sa pagod na isip ang isang malungkot na takipsilim?
Hindi ba't ito ang panahon ng pamamahinga?

Upang ipagpatuloy ang pakikipagbaka..
Upang magipon ng lakas ng damdamin
At makatarungang desisyon para bukas?

HINDI LAGING PUSO
HINDI LAGING ISIP
SUBUKAN MO KAIBIGAN
NGAYON..
NGAYONG...
DAPITHAPON

BUNTONG HININGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon