Chapter 4. The Yellow Park

1 0 0
                                    


JOY'S POV

"Asan ka na ba Jer? Andito nako. Kanina pa.."

"Andito na 'ko kanina pa. Tumingin ka sa likuran mo, Joy."

Nang tumalikod ako, tanging isang dilaw na bulaklak lang ang nakita ko at bumungad sa akin habang hawak hawak ng isang lalaking matangkad, mayroong makakapal na kilay at may nangingintab na mata.

"For you." Sabay smile.

Waaaaa. ^___^ grabe. Ang pogi niya kahit ang payat niya hahaha.

"Pinitas ko yan para lang maibigay sa'yo. Ganyan ka ka-special sa'kin." He added.

Sabi ko naman, "Sus! Ikaw pa? Kahit di ka magbigay ng kahit ano, mahalaga ka pa rin sakin."

Aba tingnan mo nga naman. Hahaha. Ang corny ko!

"So? Tara? Dun tayo sa swing."

Sumunod nalang ako sakaniya.

Pero habang naglalakad kami, pinagmamasdan kong mabuti 'yung Park.

It was beautiful. Full of different yellow flowers... full of lovers... at syempre, full of bench. At sa every bench ay may ilaw na nagsisilbing liwanag kapag dumating ang gabi.

"Uy! Bili tayo ng Ice cream! Libre kita." Sabi niya sakin.

Medyo nahihiya pa ako kaya nag sign nalang ako ng yes at ngumiti.

It was my first time na i-treat ng isang lalaki.

Can I call it a date?

Isang date na patago. Malayong malayo kay Rea...

Napakaganda talaga ng park.

Feeling mo nakawala ka...

Feeling ko hindi ako 'yung kontra-bida sa aming tatlo.

Feeling ko, ako ang tunay na girlfriend ni Jer.

"Hey! Ito na oh." Inabot niya sa'kin yung Ice cream habang paupo kami sa swing.

"Alam mo, madalas namin 'tong gawin ni Rea. May pictures kami together sa tuwing pupunta kami sa park sa Baguio. Ang tawag sami  dun, 'The Yellow Park'. Binibilhan ko rin siya ng sorbetes kagaya ngayon. Alam mo Joy, namimiss ko na siya. Kung pwede nga lang umuwi na ako sa Baguio eh."

And after that, I realized something.

Napatulala ako at tanging "Ahh." Na lamang ang nasabi ko sa kaniha.

I felt, "Ouch it hurts!" bigla kong nasabi.

Bigla namang may tumugtog ng malakas galing sa Playing Fountain.

*Last christmas, I gave you my heart. But the very next day, you gave it away*

Ang sakit. Ang sakit, sakit na kinukumpara niya na naman ako kay Rea.

At bigla pang tumugtog yung background song na akmang akma sa sitwasyon naming dalawa.

"Jer, hindi ba pwedeng tungkol muna sa atin ang topic natin ngayon? Hindi ba pwedeng kahit isang araw lang mapansin mo ako? Bukang bibig mo lagi si Rea! And I just wanted you to know na nagseselos ako! Nagseselos ako sa tuwing ico-compare mo ako sakaniya. Tama na?! Hindi mo ba ko kayang pansinin kahit saglit lang? Alam mo yung katawan mo kasama ko pero yung puso't isip mo nakatuon pa rin sa babaeng pinapantasya mo!"

Hindi ko napigilan ang pag-agos ng mga luha ko.

Napatayo ako sa swing habang pinupunasan ang bawat pagpatak ng luha ko.

"Teka Joy, what do you mean?" He asked.

"Anong what do you mean?! Hindi mo ba halata? Gusto kita. Mahal kita! Oo. Mahal kita!" Ang tanging lumabas sa bibig ko.

Hindi ko alam pero, speechless siya sa mga pangyayari.

Onti-onti na rin kaming pinagtitinginan ng mga tao.

"Look, Joy, *while he was holding my hands* akala ko isang espesyal na kaibigan lang ang turing mo sa'kin kase ganun din ako sa'yo. Kaibigan lang ang turing ko sa'yo." He replied.

Pinunasan niya ang luha ko at sinabing, "Halika na, umuwi na tayo." Habang itinapon ko ang flowers na ibinigay niya, at Ice cream na binili niya for me.

I felt so neglected.

Feeling ko binagsakan ako ng langit at lupa.

Feeling ko tinakbuhan ako ng Jer na nakilala ko.

Akala ko mararamdaman niya yung mga nararamdaman ko para sa kaniya, but I was wrong.

It seems like he was longing for another girl.

And that is Rea...

Ang nag-iisang love of my life ni Jer...

The girl I wanna be.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Protagonist Behind AntagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon