Papasok ako sa school ng may makitang mga taong kay aga aga eh nagchichismisan. Di na nahiya! Sa tapat pa ng principal's office nag chikahan."Break na daw si Andy at Titus. I was like woah." Rinig kong sabi ng babae.
Nagchismisan nalang sila sa dinadaanan ko, sana naman kilala ko no? Hays.
"Oh? Bakit daw?"
"Ewan ko ba. Basta ang alam ko lang, isu-surprise daw ata ni Titus si Andy tapos ayun, bago a day bago siya isurprise, nakipag break si Andy."
Wow. Usong uso surprise ngayon ha. Pati sa classroom namin, surprise dito at surprise dyan ang nangyayari. Ako naman eh hindi ko maimagine na isusurprise ako, iniisip ko palang kinikilabutan na ako. Pano pa kaya pag may nag surprise sakin? Baka walk out-an ko lang yun. Ay, hindi pala baka. Wo-walk out-an ko talaga!
Ano ba yang iniisip mo, Gail!
Dahil maaga akong pumasok at wala pa yung mga squad ko tumayo muna ako sa tapat ng Building C. Sa gym lang kasi kami nag kaklase pag first period namin. Kulang sa rooms eh.
Nai-spot-an ng mata ko ang isa kong kaibigang si Yumi. Tinawag ko siya at agad naman siyang lumapit sakin. Pumapalakpak pa habang tawa ng tawa. Mukang tanga.
"Aray ko!!" Hinampas ba naman ako sa braso pagkalapit na pagkalapit.
"Alam mo ba break na si Andy at Titus?" Sabi niya sabay hampas nanaman sa braso ko.
"Isa pa, tamo! Tatamaan ka sakin." Inirapan ko siya ng pabiro,"Sino ba yang Titus na yan at Andy na yan? Kanina ko pa yan na ririnig ha! Pag pasok ko palang yan na yung una kong narinig."
"Hindi mo kilala si Titus?" Gulat niyang tanong with matching takip ng bibig. Mukang tanga talaga.
"Ay, kilala ko! Kaya ko nga tinatanong eh! Kilala ko!" Hinihila ko siya pabalik ng main gate.
"Teka, san tayo pupunta?"
"Hahanapin ung common sense mo, san mo ba naiwala?"
Binatukan ako ng gaga! Muntik na kong masubsob to be honest. Sinamaan ko siya ng tingin, habang pinipigilan ang sarili kong paulanan siya ng mura.
"Oh. Umayos na. Sino si Titus at Andy?" Mas mahinahon kong tanong habang umuupo sa plant box.
"Ung drummer ng aphrodite's sons!"
"Ahh"
Silence.
"Sino yun?" Akmang babatukan niya ako pero itinaas ko yung kamao ko.
"Shunga! Sang lumalop ka galing? By the way, mamaya pag nakasalubong natin tuturo ko sayo."
"Kay"
--
"Tara dali!" Hinila hila pa ko ni Yumi.
"Saan nanaman?"
"Sa building nila Titus!"
"Hindi kapa ba napapagod? Kanina pa tayo ikot ng ikot" natatawang sabi ni Kyla, isa sa mga kaibigan namin.
"Hindi. Kaya tara na"
Wala kaming nagawa kundi ang sumama sakanya. Dadaan lang naman daw kami. Ka banda kasi ni Titus ung crush niya, si Travis ung basist, lol.
Umakyat kami ng building nila Titus daw. Ang lakas pala ng hangin dito. Nag cross arms na ako. Naiinis ako sa hangin, masyadong malakas ung buhok ko tinatangay! Argh.
Hindi ko talaga alam kung saan ung room nila Titus kaya dirediretso lang ako. Hanggang sa may narinig akong tumawag.
"Yumi!" All of us looked to the voice's owner.
"David!" Tumingin pa sakin si Yumi nun at pinanlakihan pa ko ng mata, ganun siya pag kinikilig. Dont get me wrong, hindi si David ang crush niya. Ganun lang talaga yun, kapag andun si David sure na un na nandun si Travis. Lagi silang magkasama kapag nakakasalubong namin sa hallway eh.
Inirapan ko si Yumi. Tinanguan naman kami ni David.
"Yumi!" Speaking of the handsome devil.
"Travis!" Nag fist bumps pa sila! Deep inside kilig na kilig ang bruha!
Gaya ng ginawa ni David, Travis nodded samin. Magkakakilala naman kami. Thanks to Yumi. Pero hindi ganun ka close. Ewan ko nga kung bakit hindi ko kilala si Titus. Pero naririnig rinig ko na ung pangalan niya before.
"Teka, andito ba si Titus? Nabalitaan ko ung nangyari ah."
"Ah oo teka..TITUS! SI YUMI OH!"
Seconds later I saw a guy na naglalakad papunta samin. Nanliit ung mga mata ko kasi parang pamilyar siya.
"He looks kinda familiar--" natigilan ako sa pagbulong kay Kyla ng mag angat siya ng tingin at nag tama ang mga mata namin. Bakas sa muka niya ang gulat so as mine.
"WHAT THE HELL??/ WHAT THE FUCK??" We both said in unison.
BINABASA MO ANG
Untitled
Romance"Ang buhay parang pagsakay sa jeep. Yes, we can chose where to sit but we can't chose who is going to sit beside us. Ang buhay ay isang bagay na mas magulo pa sa kabinet ko. Unpredictable no? Expect the unexpected talaga. Good things and bad things...