Chapter 5

6 1 0
                                    


"Dom! Dalian mo jan. Baba na!" Rinig kong sigaw ni kuya Dale.

"Eto na!"

Sigh. Tinext ko si Titus ng Good morning tapos may GM sa dulo, pero sakanya ko lang naman sinend. Sad to say, hindi siya nag reply. Sabagay 4am palang. Aalis kasi kami, beach here we comeee!!

At oo na! Crush ko na si Titus! Happy? Happy? Eh kasi naman! Hindi ko mapigilan! Gwapo kasi. Mabait pa! Happy go lucky. At Nakaka inlove pag nagda drums siya, grabe!

Hoy Gail! Anong inlove ka dyan!

Nasa baba na ata ung mga katabraho ni Mama. Naka sweatshirt lang ako na loose at bikini sa loob and shorts.

"Kuya, pakyat naman ng gamit ko sa sasakyan, salamat." Inabot naman agad ni kuya ung mga gamit ko at nilagay sa likod ng sasakyan.

Lumapit ako kay Mama na kasama ung mga katarbaho niya. Patakbo pa kong lumapit non at hindi ko alam kung bakit bigla akong muntik masubsob eh naka stinelas lang naman ako. Pag angat ko ng mata ko, nagulat ako. Oh.my.gahd!

"Titus??!!"

"Good morning din, Gail" ngiting ngiti pa siya sakin nun. Dont tell me..

"Oh Gail. Mag kakilala na pala kayo netong si Titus. Anak siya ng Tita Anya mo" wow. Small world. Besties si Mama at si Tita Anya sa trabaho niya. Nagbless ako kay Tita Anya at kay Tito Dan. Kay Tita Rose at Tito Chris at sa iba pang katabraho ni Mama.

"Schoolmate po kami." Sagot ko nalang.

Dahil ang dami naming teenagers na mga anak ng katrabaho ni Mama, pinagsama sama kami sa iisang van. Iniiwasan ko kasi si Titus. Kinikilig ako eh! Bakit ba?

Habang pinapauna ko ung iba sa pag akyat sa van naramdaman kong may tumabi sakin. Si Titus lang pala. Na crush ko. Na nagpapatibok ng puso ko. Na nagpakawala ng sandamukal na paru paro sa tyan ko. Na bumubuo ng araw ko. Si Titus lang naman, no biggies. Lol

"Akalain mo nga namang anak ka pala ni Tita Ten at Tito Car. Mababait ung magulang mo ha. Ampon ka no?" Siniko ko siya sa tyan.

"Sama neto."

Tinulak niya ako papasok ng van at naupo sa tabi ko pagkatapos. Okay, heart. Kalma.

Mababait naman ung mga anak ng katarbaho ni Mama kaya siguro kumportable na akong makipag halubilo sakanila. Si Titus naman tahimik. Well, di ko siya masisisi. Nangangapa pa siguro sya sa mga kasama namin ngayon.

"Daldal mo." Bulong sakin ni Titus. Kwento kasi ako ng kwento sa mga anak ng katarbaho ni Mama tungkol sa mga nang yayari sa school namin.

Mga 4:30am nang mag simula nang tumahimik ung buong van. Nakatulog na ata sila. Yung katabi ko naman ewan ko ba kung tulog o ano. Tahimik kasi. Tumingin ako sakanya. Hindinko maaninaw kung nakapikit ba siya, madilim kasi.

Nagulat nalang ako ng lumingon siya sakin at nilagay sa tenga ko ung isang earphone niya. Okay, kinilig ako.

"Matulog ka muna. Maaga pa." Ang cute niya!!

Dahil di ko mapigilan ang sarili ko, kinurot ko siya sa pisngi. He groaned. Tinignan niya ko ng masama. Kinuha niya ung kamay ko at hinawakan niya. Interwining our fingers together, tengene. Kinikilig ako!!

"Labot ng kamay mo. Tamad ka siguro sainyo."

"Kapal neto."

"Sshh tulog na." Hinawakan niya ung ulo ko at isinandal sa balikat niya at sinandal niya naman ung ulo niya sa ulo ko. Tignan mo tong lalaking to! Napaka sweet! Pafall! Langya!

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon