Pag pasok ko sa school muka agad niya ang bumungad sakin. Sinong 'niya'?Titus Lopez, ugh!!
Napaatras ako at lalabas sana ulit ng gate kaso nga lang, hinarangan ako ng guard. Yea, sabi ko nga bawal nang lumabas. Di ko na pinagpilitan pa, sungit kaya nun! Kinabog ung principal eh!
Nagdirediretso ako sa pag pasok habang nakayuko. Pero napatigil ako kasi may narealize ako..muka kang tanga Gail.
I lift my head up and nag tama agad ung mga mata namin as if he is already looking at me bago pa ako mag angat ng tingin. He nodded at me biglang pag bati. I nodded at him too and smiled.
Ang awkward shet. Pero thankful na din ako kasi totoo nga na bati na kami. Hays.
"Sino ba ung Andy, Yumi?"
"Yung Ex ni Titus ba?"
"Oo"
"Bakit mo naman naitangong?" Napatigil siya sa pagsusulat at tumingin ng nakakaloko sakin."Interesado siyaaa! Uyyy!"
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Interesado agad? Di ba pwedeng curious muna? Tsk!"
"Whatever you say. Si Andy San Pedro yung Ex niya. Second year pa lang yon, ahead tayo sakanya."
"Oh? Eh pano siya nakilala ni Titus?"
"Magka building kasi sila."
"Speaking of Titus, bati na nga pala kami?"
Nagulat siya at napatingin sakin.
"What?! Hindi siya nagalit sayo?" Gulat na gulat niyang tanong.
"Siguro nagalit siya. Pero in-add niya kasi ako sa facebook kagabi at nag sorry ako sakanya nung nag chat sya." Paliwanag ko.
"Pinatawad ka niya ng basta basta? Pagkatapos mong isumpa ung relasyon nila?!!" Kinilabutan naman ako sa 'sinumpa' term.
"Grabe ka. Hindi ko nga sinasadya diba?"
"Pero..mahal na mahal na mahal na mahal kasi ni Titus si Andy. As in. Sobra. Kahit ilang beses niyang nahuling may kalandian si Andy, pinapatawad niya pa din. Naniniwala siya sa second chance." Sabi niya. Close na close kasi sila ng banda nila Titus kaya hindi na ko nagtataka kung bakit ang dami niyang alam.
Ang tanga pala ni Titus. Dapat sakaniya binabaril sa luneta at pinagpapatayo ng rebulto sa tabi ni Rizal. Haay.
Kung siya naniniwala sa second chance. Ako hindi. One of our biggest difference.
--
Andy San Pedro
360 mutual friends including Kiyumi Marquez, Titus Lopez, Mellisa Mendoza...
Shet. May karapatan naman palang lumandi. MAGANDA BE!
Maganda siya! At para sa isang sophomore at bago sa aming eskwelahan, umabot na ng 1k ung profile picture niya! Grabe! Ako ngang 3rd year na, hanggang 200+ likes lang ung inaabot ng mga pictures ko, tapos sya, 1k agad?? Huwaw.
Stalker mode ako ngayon.
To: Kiyumi Marquez
Gail Dominique: GAGA KA! BAKIT DI MO SINABING PEYMUS SI EX NI TITUS??? LOL
Dahil hindi siya online, kinlose ko muna ung chat box namin at patuloy sa pangi-stalk. Hay. Napaka gandang bata.
Titus Lopez
254 mutual friends including David Torendo, Travis Motalño, Kiyumi Marquez...
Gwapo pala talaga ang ungas no? But, he's not my type. He's way better than my type.
Ano ba tong sinasabi ko? Geez, kakilabot!
Madami ding likers si drummer boy ha. Sabagay, sikat ung band nila sa school.
Tinignan ko ung cover photo niya, may kasama siyang babaeng maganda. Mahaba buhok, maputi, makinis, maganda mata, ang puti ng ngipin pantay pantay pa, at omygahd! Nakakainsecure ung kilay!
Nakaakbay siya sa babae at ganun din ung babae sakanya. Naka peace sign ung babae at naka belat. Si Titus naman naka rock and roll sign (ano daw? Haha) tapos naka belat at naka duling dulingan eyes. Ang cute nilang tignan. Bagay sila.
Tignan mo nga tong si Titus! Nangangaliwa din pala! Kawawa naman si Andy. Hays.
Napatingin ako sa caption.
Titus Lopez
Meet the craziest. Best couz in the whole wide world. Allyson Lopez, baka maiyak kapa. Lol
Allyson..Lopez? Couz? Pinsan niya? Ano ba yan Gail.
Teka!! Allyson Lopez? Allyson Lopez? San ko ba narinig yun? Her name is kinda familiar.
In-open ko ung FB account niya. O.MY.GAHD!! Allyson Lopez!! Nabasa ko siya sa instagram! Ayun! Nabasa ko, hindi ko na rinig! Siya daw ung rumored girlfriend ng artistang si Maki Alvarez. Wow. Pinsan ni Titus yon?
Nakita kong nag online si Titus. Agad akong nag log out. Baka i chat nanaman ako nun. Teka, bat ba ako apektado. Tsk.
I lay on my bed. Staring at my room's ceiling, before darkness,again, took over me.
BINABASA MO ANG
Untitled
Romance"Ang buhay parang pagsakay sa jeep. Yes, we can chose where to sit but we can't chose who is going to sit beside us. Ang buhay ay isang bagay na mas magulo pa sa kabinet ko. Unpredictable no? Expect the unexpected talaga. Good things and bad things...