Chapter 4

4 1 0
                                    


" Dom, kailan bakasyon niyo?" Tanong ni Mama habang naghuhugas ako ng pinggan.

"Etong week na to yung last. Bakit?"

"Magbabakasyon tayo kasama yung mga kasamahan ko sa call center at ung pamilya nila."

Na excite naman ako bigla! First time ko kasing magbakasyon kasama ung mga kasamahan ni Mama at mga pamilya nila. Baka ung isa sa kaibigan ni Mama may anak na gwapo. Hays, Im so kilig. Hihi, landi.

"Saan ba, Ma?"

"Sa beach resort. Private yun kaya solo natin."

Nanlaki naman ang mga mata ko. Lalo akong na excite!!

Well, ilang buwan na din ang nakalipas mula nung, (ayon kay Yumi) isinumpa ko ung relasyon nila Titus at Andy (pero hindi naman talaga, kasi nga hindi ko sinasadya! Huhu)

Hindi naman ganun kadami ung nagbago except dun sa mabait pala si Titus at masarap kasama. Nakapag bond kami nung sabay sabay kaming pumasok sa horror both noong christmas bazaar ng school. Tandang tanda ko pa ung araw na yon! Shetness.

Tatlong rooms ung okupado ng horror both. Ung sa unang room pala grabe! Nakakatakot! Kailangan mong lumusot para makapasok ka sa room! Tengene! Ung pinto ng classroom pina liit nila at doon ka papasok sa maliit na butas na yon! At pota! Gagapang ka dapat! At sa bungad na bungad may mga multo na talaga! Take note: nakadapa sila ha! Ako talaga ung unang unang pumasok sa barkada namen kasi nga nagtutulakan sila kung sino maauna, eh ako nainis (at nagtapang tapangan) kaya ako nauna. Hindi ko namang inakalang nakakatakot pala talaga. At kingina! Nung nakapasok ako mga ilang minuto pa bago pumasok ung barkada ko kasama ung aphrodite's son!

Si Titus ung unang pumasok sakanila! Nakatayo lang ako sa gilid at nakatakip ung kamay sa mata. Nakakatakot talaga! Tapos meron pang nangangalampag ng parang yero! Tekla! Nakakakilabot! Dahil nga si Titus ung unang unang pumasok, (ayokong aminin pero) nayakap ko siya.

Oo nayakap ko siya! Dala na rin siguro ng sobrang takot at kaba dahil may mga multong humahawak sa isa kong paa. Maya maya din may humawak sa isa ko pang paa. Ang lamig pa ng kamay nila, kingina! Sa sobrang inis at takot ko nun,

"Hoy! Isa isa lang! Pano kame lalakad? Pota!"

Sinabi ko yon habang nakayakap pa din kay Titus. Natawa naman si Titus at niyakap din ako habang sabay kaming naglalakad papunta sa ikalawang room. To make it short, lumabas kami ng magkayakap. Ilang beses ko siyang nasigawan at nahatak sa sobrang kaba, todo yakap pa ako sakanya. Paglabas namin pawis na pawis kami at lukot lukot ung damit ni Titus at gulo gulo ang buhok. Inaasar pa nga nila kami eh. Nirape ko daw si Titus! Mga gago eh. Wala namang masyadong memorable don bukod sa kahiya hiya kong nayakap si Titus at nawala ung isang hikaw ko. Tragic, ayt?

Dumami ang bonds namin ni Titus and friends. Madalas kasi ang colaboration ng grupo namin at ng aphrodite's sons. Ewan ko ba kung ano nang ganap kay Travis at Yumi.

Kamusta na si Titus tungkol sa break up nila ni Andy? I cant say na okay na siya. Na totally moved on na. Kasi minsan pag nakakasalubong namin si Andy kasama ung bago niyang si Jian, nakakakita ako ng lungkot sa mata niya. Teary eyed pa. Ako naman nakokonsensya ulit kaya tinatanong ko siya kung okay lang ba siya. Ngumingiti lang siya sakin at sinasabing kasalanan ko daw kase. Pero alam ko namang biro lang yon kasi bati na nga kami diba.

Sa lahat ng ng lari ng makalipas na buwan, gaya ng sabi ko, wala namang masyadong nangyari. Walang masyadong nag bago. Maliban sa closeness namin ni Titus at..





Sa feelings ko sakanya.

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon