"Destiny? Uhh kumain ka na ba? Tara sabay na tayo" pangalawang beses ko palang siya nakita ni hindi ko siya kilala sasama ba ako?
Sabi ni Faith a lot could happen. Baka pagsumama ako katapusan na ng buhay ko ni hindi pa ko nagsisimula sa mga missions ko.
Pero nakita ko siya nung hinawakan niya kamay ko. Baka misyon ko siya?
"Ok. San tayo?"
Naglakad kami papunta sa malapit na Fastfood chain. Walking distance lang naman sa hospital. At Siya na ang umorder ng pagkain namin.
"Sorry pala agad kitang iniwan dun sa mall ha? Nagmamadali din kasi ako." I felt like I needed to say sorry. Sa nakita ko sa visions ko mukhang kailangan niya ng kausap. Then again what if sa future ang nakita ko?
"It's ok. Sorry din at nabungo kita" he smiled. Maybe the cutest thing ever. Siya na ba ang lalaking tutulungan ako maexperience ang love? Ano ba tong iniisip ko. Destiny! Focus!
"Ano nga pala ginagawa mo sa Hospital?"
"Nurse yung Ate ko dun. Aayain ko sana maglunch kaso busy siya e."
"So kaya mo ako inaya dahil wala kang kasama maglunch?" Binuksan niya yung gravy at nilagay na sa kanin niya. He stopped and looked at me for a second
"Well yes, ayoko kasi kumakain magisa. Isa pa I needed company hihintayin ko matapos shift niya para sabay na din kami umuwi"
"Which means hindi mo lang ako inaya para maglunch. May iba ka pang motibo magpapasama ka sakin?" Ayos din to ha! Pero bakit kailangan pa niya hintayin ang ate niya?
"Right! "
"Hindi ka pa nagpapaalam sakin ah?"
"I bought you lunch wala kang karapatan tumangi" ok he got me there. Kumain na lang ako gusto ko pa sana magtanong kaso gutom na talaga ako. After eating I asked him
"Hey. Ano oras lalabas ate mo?"
"9pm. I hope you don't mind. Samahan mo lang ako kahit hanggang 5 lang. May pagka possessive kasi yung ex niya. Sinasaktan kasi siya nun kaya nakipaghiwalay na ang ate ko. Ang kaso tinetext pa rin siya at kung ano anong threats ang natatanggap ni ate from the guy. Alam kong mahal niya si ate but who knows kung ano kaya niyang gawin? Ibang klase rin kasi pag tinatamaan ng love"
Hearing that kahit ako natakot sa kalagayan ng ate niya. Maybe my mission is to keep them safe.
"Ok lang sakin"
"How bout you? Bakit nasa hospital ka?"
"May binisita lang"
"Your boyfriend?" Kung hindi lang ako taong anghel siguro iisipin ko na gusto lang niya malaman kung may boyfriend ako o wala. Boyfriend ba ang una mong maiisip na bibisitahin sa hospital? Hindi ba kamaganak muna?
"Wala akong boyfriend. I was visiting a friend"
"Must be a very special friend then?"
"He is. Special but not in romantic kind of way. Gusto siya ng bestfriend ko"
"I see. Love triangle?"
"Hayy. Mark. Ang gulo mong kausap. Friend. Ok?"
"Ok bat highblood ka?" Tumawa nanaman siya. Kahit inis na inis na ko sakanya.
"Mark, pwede mo ba akong tulungan?" Di naman siguro masama humingi ng tulong I needed answers too.
"Sure. Ano ba yun?"
--
I figured since marami pa naman kaming time. He could help me find out something about me. Hanggang ngayon clueless pa rin ako kung sino ako. How do I help others kung pakiramdam ko kulang ako.
"To tell you the truth. Nagkaamnesia ako I don't know everyone ang kasama ko lang ngayon ay yung bestfriend ko. Busy kasi siya kaya hindi na ako nagtanong tanong about sakin. And Honestly di ko alam kung pano ako magsisimula" I know masama magsinungaling pero paniniwalaan niya ba ako kung sinabi kong nabuhay ako ulit?
"Hmm. Mahirap yan. Naalala mo ba ang pangalan mo?"
"Destiny Louisse Ricafort"
"Sesearch kita sa Facebook baka sakaling may makita tayo" nilabas niya ang phone niya
"She looks like you. Baka ikaw to" tinignan ko ang phone niya and I saw a picture of me. Wait I actually remembered that photo! Yun yung picture na nakadisplay sa dorm
"I saw that picture already nasa kwarto ko yan"
"Good news for you.
You live in Manila,Philippines
You are from Paris,France
Works at Edi sa Puso mo" what?!"Seriously?" Tumawa siya ng tumawa. Hayy hindi nakakatulong to
"That info did not helped me at all"
"I'm pretty sure may tatawag din sayo from your family."
"It's been weeks Mark and I haven't heard anything walang binanggit si Jes sakin tungkol sa family ko." Sorry for lying but I have to do this
"Well maybe we could get information from your school records. I'm sure puro facts ang nakalagay di katulad ng nasa profile mo. Ang corny sa totoo lang"
"Very funny Mark!" Ang sakit sa ulo ng lalaking ito -___-
BINABASA MO ANG
100 Days to Life
SpiritualI was given a chance .. A chance to see the past, the future and A Chance to find Love in 100 Days