III

102 3 0
                                    

Gusto ko ulit mabuhay. Yun ang sabi ko sa isip ko nang makita kong muli ang lalaking binabantayan ni Faith

Gusto ko ulit maranasan masaktan, alam kong puro pasakit lang ang dadanasin ko sa mundo. Pero handa akong maramdaman yun ulit. Handa na akong tanggapin iyon dahil yun ang realidad ng buhay. Lord, please naman oh? Kahit 100 days lang. The more na natututunan ko ang mga bagay bagay the more na gusto kong mabuhay. As far as I can remember walang akong pinatay or whatsoever pero alam ko nagkasala ako. And I want to make things right.

"Nasa perpektong lugar ka na. " Bakit gusto mo pa ring umalis?"

"Ayy! Bat bigla ka nalang dumadating?!"

"Kahit gano ako kalayo naririnig kita."

"Bakit?"

"Para alam ko kung kailangan mo ako. "

"Ibig sabihin kahit nandito ka sa taas naririnig mo ko sa baba?"

"Yes"

"Edi nung buhay pa ko kasama na kita?"

"Naalala mo ba nung muntik ka nahulog sa stage? Natatandaan mo ba nung sinalo ka ni Gian? Tinulak ko siya noon para masalo ka"

"Eh diba dapat ikaw ang sasalo sakin?"

"Kung ako ang sasalo sayo mahuhulog ka pa rin kasi ang kaya ko lang gawin ay bawasan ang injuries. May mga bagay na kahit anong gawin mo mangyayari at mangyayari pa rin ang diperensya lang ay kung paano ito mangyayari. Kung nahulog ka sa stage at ako ang sumalo malamang sa Clinic ka nagising. Pero nung si Gian ang sumalo sayo hindi ka nahulog. Sa iba ka nahulog.."

Double meaning ba yung last part? Sino ba yung Gian na yun!? At bakit wala naman akong naaalalang hulog hulog sa stage effect?

"Hindi mo ba naalala si Gian? Wala ka bang naalala sa nangyari dati?" Ngayong nabanggit niya na. Oo nga wala akong naalala ang alam ko lang namatay ako bago ang 20th birthday ko pati na ang Pangalan ko bukod dun di ko na alam ang iba pang pangyayari sa buhay ko. Kung sino ang magulang ko, mga kaibigan ko. Lahat. Wala na akong alam

"He has a plan. Halika sumama ka sakin" Ngumiti siya at inilahad ang kamay niya kahit nagaalangan ako kinuha ko ito. Nagliwanag sa buong paligid pakiramdam ko mabubulag ako kung hindi ako pipikit.

I closed my eyes.. And the moment I opened them I came back to reality.

100 Days to LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon