Matapos ng lahat ng naganap ay kumain muna sila Karylle, Vice at Kaye bago umuwi. Bagamat lugmok na lugmok na si Karylle ay kailangan parin nyang magpanggap na masaya para sa dalawa. (a/n: BEST SUPPORTING ACTRESS NA YAN. AY IBA PALA YON)
Nang matapos ay inihatid muna nila si Kaye. At nang makauwi ay agad na din silang pumasok at nagbihis saka tumambay muna sa sala.
"Kaykayyyyy" tila batang sabi ni Vice saka gumapang at humiga sa may leeg ni Karylle at doon sumiksik.
"Ano ba yan Vice nakikiliti ako!" Natatawang sabi ni Vice.
Parehas na silang nakahiga sa sofa at sobrang magkalapit ang mukha. Tila naman may kung anong naramdaman si Vice. Na biglang nag iba ang tibok ng puso nya ng makita nya ang kagandahan ni Karylle ng mas malapitan.
"Ang ganda ganda mo po talaga!" Nakangiting sabi ni Vice
"Sussssss. May Kaye ka na, wag mo na akong landiin!" Natatawang sabi ni Karylle.
"Ngek. Tayong dalawa nalang kaya sa Bachelor's party ko. Para safe ako hihihi. Katakot sa ibang babae eh." Nakangising sabi ni Vice.
"Are you fucking kidding me????" Gulat na sabi ni Karylle kaya naitulak nya si Vice ngunit mas malala dahil napaibabaw sya kay Vice.
"Abaaaaa. Atat ka ha, tara na simulan na natin party ko" sabi ni Vice at kumindat pa.
"Uror Vice. Never in your wildest dreams" pag irap ni Karylle sa kanya saka tumayo at sinipa si Vice.
"Fuck you my pretty bestfriend." Inis na sabi ni Vice at napahawak sa tiyan dahil sa pagsipa ni Karylle.
****
Mabilis namang lumipas ang araw na lagi nanamang magkasama si Karylle at Vice. Hiniling kasi ni Kaye na siya na ang bahala sa lahat ng aayusin para sa kanilang kasal. Bagamat ayaw pumayag ni Vice ay wala na syang nagawa. Tiga bayad nalang sya.
"Babe... pwede mag request?" Sabi ni Kaye at sumiksik sa leeg ni Vice.
"Sure babe ano yun?" Seryosong sabi ni Vice habang nanood ng TV
"Kasi, nalalapit na yung kasal natin, and my friends are making kulit me about my bridal shower..." paglalahad ni Kaye habang pinapaikot ikot ang daliri sa dibdib ni Vice.
"Ay oo nga pala no, ano ba plano mo for your bridal shower? You know, Karylle knows many destina---" bigla naman siyang pinigil ni Kaye
"Karylle? Sorry but if you mind? I just want my close friends with me on my bridal shower." Mataray na sabi ni Vice
"But Karylle is our bestfriend!" Parang medyo nainis na sabi ni Vice
"Correction! YOUR bestfriend." Sabi ni Kaye at biglang nag pout na tila ba nagtatampo.
"Hayyy. Fine. Sige na i plano mo na kung saan ka mag babridal shower. Sabihin mo nalang sakin yung details at kung magkano gagastusin mo." Sabi ni Vice na tila disappointed kay Kaye.
"Thanks babe!" Tila batang sabi ni Kaye at yumakap kay Vice.
****
Napag pasyahan ni Kaye na sa Maldives mag pa bridal shower. Wala namang nagawa si Vice kaya kahit na inabot ng magkano ang gagastusin ay pumayag nalang siya. 5 araw na lamang bago ang kanilang kasal kaya't lumipad na si Kaye at ang mga kaibigan patungong Maldives. Samantala, si Karylle naman ay nagbalak na i-treat si Vice ng kanyang Bachelor's Party sa France. Tuwang tuwa naman si Vice sa ginawang effort ni Karylle para sa kanya. Hindi siya pinagastos nito maski singkong duling. Ngunit kung tuwang tuwa si Vice at mas tuwang tuwa sila Vhong, Billy, at Jhong na mga mabuti ring katrabaho ni Vice dahil sabit sila sa libre.Huwebes na ngayon at sa Linggo na naitakdang ikasal sila Kaye kaya umalis narin sila Vice papuntang France.
"AHHHHHHHH AT LAST!!! NAKARATING DIN AKO DITO!!!" Tuwang tuwang sabi ni Vice ng makalapag ang eroplano nila sa France.
"Grabe pre bestfriend goals talaga tong si Karylle!" Sabi ni Billy
"Uy K, malapit na ako ikasal, sa Japan naman tayo!" Nakangiting usal ni Vhong.
"Oo nga, tapos ako pag kinasal ang party ko gusto ko sa---" naputol sa pagsasalita si Jhong nang sumabat na si Karylle
"Aba! Abuso na kayo ahh!!" Natatawang sabi ni Karylle.
"Nako K hayaan mo yang mga yan, tara na nga ayan na yung sasakyan oh!" Sabi ni Vice saka sila umalis at nagtungo sa hotel na kanilang tutuluyan.
Kinagabihan ay nagready na si Vice para sa kanilang "GoodBye Binata Dinner" na paandar ni K. Syempre di siya pwedeng sumama sa Bachelor's Party kaya nag arrange nalang sya ng dinner for her and Vice.
Simpleng dinner lang sa hotel room ni Karylle ang naganap, doon sila sa balcony kung saan tanaw na tanaw ang napakagandang Eiffel Tower.
"Dinner is served!" Nakangiting sabi ni Karylle na naka apron pa ngunit nakaayos na.
"Hmmm, ang bangoooo! Mas nakakagutom!!!" Sabi naman ni Vice.
"At dahil GoodBye Binata Dinner ito, ipinagluto kita ng pagkaing malabo mo nang makain kapag kinasal ka na. I prepared your all time favorite, ADOBO!!!" Sabi ni Karylle saka inihain ang kanyang niluto.
"Tama ka, mukhang malabo ko na nga tong matikman pag kinasal na ako." Nakangiting sabi ni Vice.
Tila nag slow motion naman ang mga pangyayari nang makita nya ang ginagawa ni Karylle para sakanya. Naghahain ito, nilagyan ng pagkain ang kanyang plato, at nilagyan ng juice ang kanyang baso. Ngayon tuloy ay may narealize siya. Na bigla nalang nakapag pa gulo ng isip nya.
"Hey okay ka lang? Tara kain na tayo at baka nag aantay na sila sayo!" Sabi ni K na nakangiti.
"I seriously made the wrong decision." Bulong ni Vice sa sarili niya.
Habang magkasama ay nagkukwentuhan lang silang dalawa. Sinasamantala ni Vice ang oras na kasama nya si Karylle. Ilang beses nyang pinuri ang luto ni Karylle at dinalangin na sana daw ay kaya itong lutuin ni Karylle.
"Hayyy I had a great dinner with you Kaykay! Parang ayoko nang mag party, solve na ko sayo eh." Nakangiting sabi ni Vice.
"Nakooo, your besties will make tampo sige ka. Tara na, hatid na kita sakanila." Tumayo na sila ngunit bago lumabas ay niyakap ni Vice si Karylle.
"Oh, yakap nanaman?" Nagtatakang sabi ni Karylle kahit deep inside ay kilig na kilig na sya.
"Salamat. Salamat sa lahat." Sincere na sabi ni Vice.
"Eto naman, wala yun. Basta ikaw. Eh mahal na mahal kaya kita." Nadulas man ngunit di pinahalata ni Karylle.
Bumilis naman bigla ang tibok ng puso ni Vice. At kasabay ng pagtulo ng luha nya.
"Mas mahal na mahal kita higit sa lahat." Sabi ni Vice saka hinalikan sa noo si Karylle.
****
WHAT EZ DE MEANING OF DEZ?? HAHAHAHAHAHAHAHA
VOTE.COMMENT.SHARE
BINABASA MO ANG
My Surrogate Wife • A Vicerylle Fanfic
أدب الهواةWhat will happen if the wife turns into an ordinary girl and the bestfriend turns into a surrogate and the wife?