chapter 17

1.4K 56 3
                                    

"Vice ikaw ba yan?" Napatingala si Vice at nakita ang isang pamilyar na mukha.

"Anne..." bigla nang napatayo si Vice at pasukong yumakap kay Anne at doon na tuluyang umiyak.

****

"Hey ano ba nangyari?" Sabi ni Anne habang hinihimas ang likod ni Vice to comfort him.

Walang naisagot si Vice kungdi hikbi.

"Hay nako tara nga, doon muna tayo sa house ko." Ani Anne saka inalalayan si Vice palabas ng hotel.

Di naman kalayuan ang bahay nya sa hotel na pansamantalang tirahan nila Vice. Simple lang ito, maliit pero cozy. Ipinaghanda naman ni Anne ng hot chocolate at pancake si Vice.

"Hula ko kase di ka pa nag aalmusal. Kain ka muna." Nakangiting sabi ni Anne.

"Salamat." Yan lang ang nasabi ni Vice saka kumain.

"Ano ba kasing nangyari?" Pang uusisa ni Anne.

"Hindi ba nakwento ko sayo kagabi yung bestfriend ko na nag arrange nang lahat nang to? May nangyari sa amin..." pag amin ni Vice.

"What?!?!?!?!?! For real? Pero bakit sabi mo kagabi... ano... ang gulo?" Tila naguluhang sabi ni Anne.

"Because this is the only way..." nalungkot na sabi ni Vice.

"Bakit naman?"

"Mahal ko na sya. Ngayon ko lang narealize. Habang papalapit ng papalapit yung kasal ko doon ko nalaman na siya pala... yung bestfriend ko pala... napakalaki ng kaibahan ng ugali nya kay Kaye... sobrang bait nya, ganda, at aish. Ewan ko bakit ang tanga tanga kong marealize na sya pala ang kailangan ko... ang tanga tanga ko...pinili kong panagutan nalang yung nasabi ko sakanya kaya may nangyari sa amin. Inamin nyang mahal nya rin ako dati pa. Pinili kong kamuhian nya ako kapag tinuloy ko na may mangyari sa amin. Kase in that way, magagalit sya ng sobra sa akin. Magsisisi siyang minahal nya ako... makakalimutan nya rin yung nararamdaman nya para sa akin. Aakuin ko nalang yung sakit na nararamdaman nya. Para di na sya mahirapan. For several years dinadala nya yung sakit na yun. It's time for me na akuin yung sakit na ako pala mismo ang nagbigay sakanya. " naiyak muli si Vice sa mga nasabi nya habang inaalala ang masasayang sandaling kasama niya ang pinakamamahal nyang kaibigan.

"Hays. Alam mo, confusion lang yan Vice, you know, Wedding Blues lang yan. Baka naguguluhan ka lang dahil mas lamang yung panahon na nakasama mo yung bestfriend mo kesa sa Fiancee mo. Think of it, di mo naman sya aayain ng kasal kung may iba kang mahal diba? Pero kung sa tingin mo yung nangyari sa inyo ang susi para sa problema mo, edi hayaan mo na. After all the damage has been done." Pang aalo ni Anne.

"Hay iba talaga si Karylle eh..." pasukong sabi ni Vice

"WAIT WHAT??? ANONG KARYLLE??? SINONG KARYLLE?" Gulat na tanong ni Anne.

"Karylle, my bestfriend?" Nalitong sabi ni Vice

"WAIT I HOPE IT'S NOT ANA KARYLLE TATLONGHARI, MY LONG LOST FRIEND BECAUSE IF IT'S HER MASASAMPAL TALAGA KITA." Nag papanic na sabi ni Anne.

Nagulat naman si Vice saka humingang malalim at pumikit.

"WHAT??????" Inis na sabi ni Anne.

"Go slap me." Sabi ni Vice.

"ARGHHHH!!!" Tila umakyat na ang dugo ni Anne sa ulo nya at saka sinampal at pinagpapapalo si Vice.

"Fuck what have you done to my bestfriend?!?!?!?!? I hate you!!! Get out!!!" Inis na sabi ni Anne

My Surrogate Wife • A Vicerylle FanficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon