"E bakit naman kasi ginawa mo yun?!!" asik sa kanya ng kaibigan si Budang, "Bat mo naman sinapak si Sir Anton?"
"Tama lang yun no" bwelta nya, "Kulang pa nga yun e"
"Anung tama lang yun??" singit ni Mikay na punong-puno pa ng ensaymada ang bibig "Kailan pa naging tamang manapak ng tao? And take note, Boss mo--"
"---ex!!" pangongorek nya. "Boss mo pa din" kontra muli ni Mikay sa kanya, "And to think sa birthday celebration pa nung tao"
"Hindi ako nakapagpigil e" usal nya "...nanginig talaga lahat ng parte ng katawan ko nung nakita ko silang dalawa, letche sila, magsama silang dalawa, mga hayup!!!". She momentarily stops to wipe off her tears that slowly falling to her cheeks, "Asa asa pa ko na kapag nahimasmasan sya, babalik sya sakin. Dun pala sya sa ex nya babalik. May pa-annul annul pa silang dalawa, magbabalikan din naman sila. Dinamay pa nila ko sa kagaguhan nila"
Both of her friends went near her side "Shhhsss..." usal ni Mikay habang inaalo nito ang kanyang likuran
"Kaya pala, kaya pala nung tinatanong ko sya..Bakit, hindi nya ko masagot. Yun pala kasi binalikan nya yung asawa nya. Nagbalikan pala silang dalawa, letche talaga". Her tears are now falling uncontrollably "Punyeta, hindi ko man lang nahalata yun. Hindi ko man lang naiisip, hindi ko man lang naexpect. Akala ko kasi wala na sila e. Nagpapa-annul na nga diba. Tapos....tangina lang. Tangina talaga"
"Sana man lang sinabi nya rin sakin. Sana sinabi nya lang yung totoo, hindi yung ganito. Yung mabibigla na lang ako, yung makikita ko na lang na 'ay nagkabalikan na pala sila, letche sila"
"Shsss..." usal muli ni Mikay na ngayon ay nakayakap na sa kanyang balikat. Si Budang naman ay hawak-hawak ang kanyang kanang kamay
"Letche kasi talaga e" she said, still crying "...ang sakit sakit kasi talaga e. Sobrang sakit"
"Lilipas din yan" wika ni Budang "...diba nga walang forever"
"Walang forever, e nagkabalikan nga sila" wika nya sabay punas ng parehong pisnging basang basa na ng kanyang luha. "Tangina nyo rin e, dapat hindi nyo ko inawat e. Kung hindi nyo ko inawat, hindi lang sapak ang aabutin nun sakin e"
"Kaya nga inawat ka na namin e, para hanggang sapak ka lang" kontra ni Budang
"Hindi lang dapat sapak ang binibigay sa mga taong gago at ugok. Dapat sa mga yun binabaon ng buhay, pinapalapa sa pating o kaya naman hinihulog sa building"
"Ang morbid mo naman, Friend" wika ni Mikay mula sa kanyang likuran "...kulang na lang sabihing mong mamatay na sana sya"
"Talaga!! Dahil walang karapatang mabuhay yung mga manlolokong tulad nya, bwisit sya!!" she said with gritted teeth then continues, "Teka, asan na ba yung order natin?"
"---ay oo nga pala" sang-ayon ng dalawa sa kanya
"---nakapagemote na ko't lahat, wala pa din"
"I-follow up mo nga, Budang"
"Ikaw ang tamad mo din e" usal ni Budang kay Mikay, "Itataas mo lang yung kamay mo, palibasa ang bigat ng braso mo e kaya---"
"---oh ako na, tangina mo nanglait ka pa e. Kala mo ganda mo e"
"Ako na lang kaya, nag-away pa kayo e" pagsisingit nya sa dalawa
"Ikaw na din magbayad ng bill mamaya a" hirit ni Budang na siya namang ikipaglit nya "...dali na, sinamahan ka naman namin. Saka ang bigat mo kaya, napagod akong hilahin ka palabas a"
"Kailangan talaga may kapalit?"
"Wala na kayang libre ngayon. Kahit kabutihang loob, sinusuklian na ngayon no"
"Bat mabuti ka ba?" singit ni Mikay
"May sinabi ba kong ganun?? Mukha kang si Barney, nakaviolet ka pa" he said into which totoo naman talaga. Mikay is wearing a violet fitted dress with pink two-inch heels. Si Budang naman ay naka-orange blazer and polka dots blue polo sa loob. At sya, very simple; just plain red-above-the-knee-dress. But I must say, the dress speaks volume, para bang may hidden agenda yung damit. Parang may gustong akitin, pabalikin. E kaso, sa iba nga kasi bumalik.
At kung nagtataka ka bakit sila nakapustura ngayon sa isang bulaluhan malapit sa Manila Hotel ng ganitong oras, well apparently, they just came from a party na idinaos nga sa Manila Hotel. It was actually a birthday celebration of their Boss-si Mr. Anton Chua. Na actually ay ang lalaking pinaguusapan nilang tatlo, yeah, her ex.
Ex ni Sari.
They were been together for almost 3 years. E kaso yun nga, nagkabalikan si Mr. Chua at ang kanyang former wife-a jewerly owner, si Ms. Cathy Ledesma. Kung paano at bakit, nobody knows. Kahit sya, hindi nya alam. Ang alam nya lang, 3 years is 3 years at tinapon lang lahat ni Anton yun para sa asawa nya. E anu nga naman ba ang laban nya sa asawa, e di hamak na isa lang syang staff sa Department nito. Na kinalaunan niligawan nya, napasagot at naging girlfriend ng halos tatlong taon, tas yun...hiniwalayan din sa dulo.
"Huy, tumulala ka nanaman dyan" sita sa kanya ni Budang, "ayan na yung bulalo o. Kumain ka na, tama na yang emote mo. Uuwi ka pa sa inyo"
"Hoy agahan mo yung pasok sa Lunes a, papatulong ako sayo dun sa ginagawa kong report" dagdag bilin ni Mikay sa kanya
Without a warn, she said "Mag-reresign na ko sa Lunes"
Follow me on twitter (@OpinionShit) to know the characters. Aswell as for the latest update.
Don't forget to vote and comment