Page 3

151 4 1
                                    


"Resign?? Resign nanaman??" asik ni Mikay sa kanya, " Nako tumigil ka nga dyan, Sari. Tigil-tigilan mo na kami sa kakaganyan mo, ilang beses ko ng narinig sayo yan"

"Hindi, ngayon totoo na talaga to" wika nya sabay higop sa bulalong kinakain, ang mga mata nya ay tila pagang-paga na sa kakaiyak nya

"Nako tumigil ka" singit ni Budang, "Anim na buwan mo ng bukam-bibig yan, tigilan mo na"

"Ngayon talaga, seryoso na ko" wika nyang muli, "Mag-reresign na talaga ako. Saka dati ko pa naman gustong mag-resign, umaasa pa kasi ako dati e" she sigh "...ngayon wala na kong aasahan"

Napahinto naman si Budang sa paghigop nito sa bulalong kinakain at napalingon sa kanya "Nakayanan mo nga yung six months aftermath, anu ba naman yung konting push pa?"

Marahan syang umiling-iling na para bang hindi nya kayang tanggapin ang sinabi ng kaibigan

"Sa..." usal ni Mikay na hinawakan pa sya sa likod "...alam ko, na kung masakit noon, mas masakit ngayon lalo na ngayon alam mo na yung totoo. Pero sabi nga nito, nakayanan mo nga yung six months, anu ba naman yung another six months pa" pagpapatuloy ng kaibigan habang sya ay panay lang ang iling at iyak

"Makakayanan mo din yan" sabing muli ni Mikay sa kanya "...tiwala lang"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Tangina talaga..." wala sa loob na bulong nya sa sarili ng maalala nya ang naging pag-uusap nilang tatlo kanina lamang umaga. Kasakulyan nyang binabagtas ang byahe ng MRT at limang istasyon pa at makakarating na din sya sa Monumento, kung saan dun sya sumasakay pauwi sa kanila sa Bulacan. Since she work her in Manila, that has been her set-up; sa apartment sya umuuwi pagweekdays and then kapag weekends naman, umuuwi sya ng Bulacan. As much as gusto nyang araw-arawin ang pag-uwi, with the traffic at sa loads ng trabaho nya, it is only a hassle for her. Plus ofcourse, practicality. Naiintindihan naman to ng Lolo't Lola nya na syang nagpalaki sa kanilang magkakapatid since her parents work abroad.

And a bit more of information about her family-they were the Mendoza. Ang pangalan ng Lolo nya ay Gregorio pero Lolo Greggy ang tawag dito ng mga tao. Ang asawa naman nito ay si Lola Vangie. Parehong retiradong propesor ang mga ito sa paaralan kung saan sya nagkolehiyo. At ngayon naman ang pinagkakaabalahan ng dalawa ay ang pagnenegosyo ng baboy na syang patok na kabuhayan sa Marilao. Ilan din sa mga kasama nila sa bahay ay ang kanyang dalawang nakababatang kapatid na parehong nasa Kolehiyo ngayon, yung pinsan niyang si Rod na Sugar na ngayon at dalawang pamangkin na mga bata pa.

Sari grew up in a family na obvious yung pagmamahalan sa isa't isa. She was raised with an assurance na mahal sya ng pamilya nya. She has never doubted being loved kaya nga siguro naging mahirap sa kanyang ihandle ang sitwasyong nya ngayon. She was never accustomed in pain. Well, practically, no one is.

But Anton was her first love, her first in almost everything. And she has pictured him also to be her last. Kaya hindi na sya nagtira para sa sarili nya, buhos kung buhos. Invest kung invest. Because in her mind, she thought it's going to last. Only she thought...

"Tangina" usal nyang muli sabay hinga ng malalim.

Ang katabi naman nyang Ale ay naweweirduhan na ata sa kanya dahil panay ang tingin nito sa kanya na hindi rin naman nakakaligtas sa kanyang pagpuna. Hindi na nga lang nya ginagawang big deal ito, dahil base na din sa itsura nya ngayon, kapansin-pansin nga naman talaga sya.

Pero nung medyo nakakarami na talaga si Ate ng lingon sa kanya, ay tila nagiba na ang timpla ng mood nya. Kung kanina medyo okay lang sa kanya, ngayon naman ay medyo naiirita na sya dahil jusko naman mula R.Papa hanggang ngayon na konting sipa na lang e paMonumento na sila ay sige pa din ang tingin nitong si Ate sa kanya na tila ba parang minumukaan pa sya

"Ate, may problema po ba kayo sakin?" hindi na nya napigilang itanong, "Kanina nyo pa po kasi ako tinitignan e. Nakakailang po"

"Napanuod ko kasi yung video mo"

"Video ng?" nagtatakang tanong nya

"Yung sa Facebook"

"Anu ho yun? Baka hindi naman ho ako yun"

"Ikaw yun, yan yung suot e" sagot nito sa kanya sabay nguso pa sa damit na suot nya. Bilang hindi na sya nagpalit pa ng damit, ni hindi na din sya dumaan sa apartment, kung anu yung suot suot nya kagabi pa sa party, hanggang sa kumain sila sa bulaluhan, yun pa din yung suot nya ngayon. Katwiran nya, tutal pauwi lang naman sya, bat kailangan nya pang magpalit. Saka isa pa, ayaw na nyang makita pa sa apartment tong damit na to kaya iuuwi na lang nya. Ayaw naman nyang itapon dahil mahal yung bili nya.

Magtatanong pa sana sya kaya lang bigla namang tumayo yung Ale nung narinig nitong nasa Monumento na sila. Sya naman ay nananatiling nakaupo pa din na takang-taka sa sinabi nung Ale, "Video?"









Follow me on twitter (@OpinionShit) for updates and characters.

The Thing About LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon