"So ikaw nga to, Ate?" tanong sa kanya ng nakababatang kapatid na si Liza, isang nursing student na kakakolehiyo lamang ngayong taon. Si Liza ang bunso sa kanilang tatlong magkakapatid. At sya ding pinakamatalino sa kanila kung school awards lang ang paguusapan
"Hindi ko naman alam na vinivideohan ako" pangangatwiran nya na animoy kala mo naman ay mabibigyang hustisya nya ang nagawa. Kasalukuyan silang nasa kanyang silid kung saan sya ay iniintriga ng dalawa
"Ang point dun bakit mo sinapak?" ngayon naman ay si Sugar ang nanguusisa sa kanya
"E hindi ako nakapagpigil e. Biglang dumilim yung paningin ko nung nakita ko sila e"
"Kahit na, sana pinigilan mo yung sarili mo" usal mula ng kanyang pinsang si Sugar na sya namang ikinapaglit ng kanyang pandinig, "hindi nga ko nakapagpigil diba? May tao bang hindi nakapagpigil pero nakapagpigil pa din?! HB ka e. Sinabi na ngang hindi ako nakapagpigil e"
"E Ate naman kasi hindi naman basta basta lang yung sinapak mo e. Si Kuya Anton yun, Boss mo"
"--At ex ko din. Ex ko na niloko ako't ginawa akong tanga" nanggagalaiting wika nya na halos maramdaman na ng buong sistema nya ang inis at muhing nararamdaman nya sa ngayon
"E ang tagal nyo naman na ding hiwalay" hirit ni Sugar "...jusko hindi ka pa ba nakakamove-on?"
"Kung sa hiwalay lang, kaya ko pa yun e" sabi nya na nagsisimula ng mangaralgal ang kanyang boses "...pero yung makita ko silang dalawa, sampal yun e" wika nya na bakas na bakas ang sakit na nadarama
"Para kong sinampal. Na parang 'ito yun o, ito yung rason bat ka nya hiniwalayan. Kasi binalikan nya yung asawa nya" litanya nya habang ang kanyang damdamin ay nagsisimyla na ding humikbi at magdamdam "Hindi ko man lang nakita yun. Hindi ko man lang nahalata. Ni hindi ko rin inasahang mangyayari pa. Akala ko kasi wala na e, akala ko tapos na sila" pagpapatuloy nya
"Sabi nya kasi hindi na nya mahal yung ex nya e. Nagpapa-annul pa nga sila diba. Tapos, ako naman tong si tanga, naniwala naman. Kasi sabi nya e"
"Saka three years, sa ganun ba namang katagal magdududa pa ba ko na meron pa" ayan na, nagsimula na syang umiyak. Agad namang lumapit ng pagkakaupo ang kapatid nyang si Liza upang yakapin sya mula sa balikat
"Kung sa bagay. anu nga namang laban ng three years sa limang taon nila. Yun nga natapon nya, yung amin pa kaya?"
"Pero atleast yun, binalikan nya rin ulit. Tapos ako yung iniwan nya" wika nya habang ang mga luha nya ay nag-uunahang tumulo mula sa kanyang mga mata "...asa asa pa kong babalik sya. Sa iba pala bumalik"
"Shhhss..." alo ng kapatid sa kanya habang ito ay mahigpit na nakayakap sa kanya. Kung maipapasa nga lang nya sa kapatid ang nadarama, Liza would gladly take the share of it, mabawasan lang yung nadarama nya
"Ang sakit kasi" umiiyak na wika nya "...ang sakit sakit kasi talaga"
Nakiyakap na din si Sugar sa kanilang magkapatid "Tama na, Sa. Tiwala lang, magiging okay din ang lahat"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Later in the afternoon, nalaman na din ng kanyang Lolo at Lola ang balita tungkol sa kanyang video na kumakalat ngayon sa Facebook, na syang nalaman lamang din ng mga ito sa kanilang mga kapit-bahay. Wala naman kasing Facebook yung Lolo't Lola nya, at alam nyang hindi naman makakati ang bibig ng kanyang kapatid at pinsan. So talagang mga kapit-bahay lang talaga nila ang suspect
"Gusto ko na talagang sunugin yung mga bahay ng mga kapit-bahay natin, ang chichismosa e" mahinang bulong nya sa sarili na narinig din ng kanyang
"E di ikaw nga" her Lolo Greggy said, confirming the information rather than questioning it. She did not confirm nor deny it. She just bowed her head down and stays still. When she wasn't giving them any reaction, muli nanamang nagsalita ang kanyang Lolo "E bakit mo naman ginawa yun?" tanong nito sa kanya "...bakit ka naman nanapak ng tao?"
"Kaya nga, anu na lang sasabihin ng mga kapitbahay natin-baka isipin nila pinalaki ka namin ng ganun" pagsisingit ng kanyang Lola na syang
"E malilisyosa naman po talaga yung pag-iisip ng mga yun e" singit ni Sugar na agad na kinontra ng kanyang Lola, "Hindi ka kasali dito oy. Wag kang sumabat dyan"
"Hindi ko naman ho sinasadya yung nangyari, La"
"---Panung hindi mo sinasadya?!!" singit ng kanyang Lolo "...hindi mo sinasadya, e sinapak mo nga. Kitang kita dun sa video, sinapak mo, sa mukha pa"
"E san ho ba dapat, Lo?" singit muli ni Sugar na nakatuon din ang atensyon sa paghahasa ng mga kuko nito sa kanang kamay
"Ikaw ba hindi ka titigil ng kakasabat mo dyan?" wika ni Lola Vangie kay Sugar
"Teka nga sandali pala..." singit naman ngayon ng kanyang Lola "Sino ba yung sinapak mo? May atraso ba sayo yun?"
With that question, it took her silence. Pati na rin ang kapatid nyang si Liza at pinsang si Sugar ay hindi din nakaimik sa naging tanong ng kanilang Lola. How could she tell them the answer without saying his name-dahil ayaw nyang marinig ang pangalan ng taong tuwing naririnig nya ang pangalan ngayon, nakabuntot lagi yung sakit, and she doesn't wanna cry anymore. Especially sa harapan ng Lolo't Lola nya.
"Kung di mo kayang sabihin, ako na lang magsasabi, Ate" singit ng kanyang kapatid na si Liza na ikinalingon naman nya dito sa kaliwa, sa may lababo, kung saan ito nakatayo. Liza took it as a go signal when she did not say anything and just bowed her head down
"Si Kuya Anton po yun, Lola"
Bakas naman ang pagkagulat ng dalawa base na din sa panlalaki ng kanilang mga mata ng marinig nila ang sinabi ng apong si Liza, "Yung Anton mo?"
"La, matagal na ho kaming wala dinba?" mahinang usal nya kasabay ng pagpatak ng luha sa kanyang kanang pisngi. When her senses started to feel weak, she immediately wipes off the tear in her right cheek, rise up from her seat and excuses herself. Pipigilan sana sya ng kanyang Lola ngunit sinabihan naman ito ng kanyang Lolo "Hayaan na muna natin sya"
Kay Liza naman napadako ang tingin ng kanyang Lola, na syang nakuha naman ng kapatid kung anung ibig sabihin. Agad itong lumapit sa lamesang kinauupuan ng dalawa, at ito na nga ang nagpaliwanag ng nangyari sa kanilang dalawa ni Anton. How she wished na sana sya yung nakapagsabi sa kanila ng sitwasyon nya imves na ang kapatid. Pero panu nya ipapaliwanag sa kanila yung sitwasyon kung sya mismo hindi nya rin maintindihan kung panu sya umabot dito? Panu sila umabot sa ganitong pagtatapos?
Panung isang araw, isang gabi-hiniwalayan na lamang sya ni Anton at binalikan nito yung dati nyang asawa. Panung after ng three years nila, babalik pa rin pala ito dun sa asawa nya. Saan banda sa three years nila narealize bigla ni Anton na mahal pa pala nito yung asawa nya, at ito pa rin ang gusto nitong makasama at hindi sya.
At paanong pagkalipas ng anim na buwan, tumatagos pa rin lahat sa puso nya; na napapapikit pa rin sya sa sakit at napapatanong pa rin sya ng 'Bakit.
Follow me on twitter (OpinionShit) for updates and characters.
#ForJodians