Chapter 2

22 3 0
                                    

Pinagmamasdan ko si Mama habang abalang-abala sa kusina. Nakakatuwa, paminsan-minsan ko lang kasi siyang nakikitang nagluluto. Hindi ako marunong magluto kaya naman hindi niya na ko pinatulong sa pagluluto. Kaya heto ako, nag-aayos ng hapagkainan.

"Bilisan mo na diyan, Lynn. Parating na sina Auntie Clara mo." Utos ni Mama habang inilalagay sa plato ang niluto niyang pasta. Hmm, ang bango. At narinig ko ang pag-ungol ng tiyan ko dahil sa gutom.

"Ma, gutom na ko. Pwedeng..." Paglalambing ko kay Mama.

"Hay nako, anak. Hintayin na natin sina Clara. Sabay-sabay tayong kakain. Nasa may highway na daw sila at may dinaanan lang."

Kaninang umaga umuwi mula sa America sina Auntie Clara. Hindi namin kamag-anak sina Auntie Clara pero pamilya ang turing ni Mama sa kanila. Si Auntie Clara ang pinakamatalik na kaibigan ni Mama. Ipinagbubuntis palang ako ni Mama ay magkaibigan na sila. Ilang kanto lang ang layo ng bahay nina Auntie Clara sa amin noon kaya naman lumaki ako na laging andyan si Auntie Clara at ang mga anak niyang sina Ate Winna at ang pinakamatalik kong kaibigan noon na si Alex, na isang taon lang ang tanda sa akin.

Ano na kayang itsura nila? It's been 12 years since they left. Napangiti ako habang inaalala ang masayang kabataan ko-ang mga masasarap na cake ni Auntie Clara, ang paglalaro naming ng mga manika ni Ate Winna, at ang mga away-bati namin ni Alex.

Habang hinuhugasan ko ang mga pinaglutuan ni Mama ay narinig naming ang tunog ng doorbell kaya naman na-excite kami ni Mama.

"Mukhang andiyan na sila!" Tuwang-tuwang naglakad papuntang sala si Mama para buksan ang pinto.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang masayang tawa ni Mama at ang pamilyar na boses ni Auntie Clara kaya naman pinunasan ko kaagad ang mga kamay ko at lumabas papuntang sala.

"Ikaw na ba yan, Lynn? Ang laki mo na!"

Napayakap sa akin nang mahigpit Auntie Clara. Halos walang ipinagbago si Auntie Clara. Siya pa rin ang Auntie Clara ko na kahit may edad na ay bagets na bagets pa rin pumorma. Mukhang nagbunga ang pagzuzumba niya dahil kitang-kita ang pagiging fit nito.

"H-hi, Auntie."

"Naku, ang ganda ng anak mo, Shiela. May boyfriend ka na, ano?"

Namula naman ako sa puri sa akin ni Auntie Clara. Hindi ako maganda, pero hindi rin ako pangit. Isa lang akong average 18-year old na medyo chubby, may mga pimples na nagtatago sa bangs, may uneven skin tone, at saktong 5'4" lang ang height. Nothing's special about me. I'm not pretty, I'm not smart, I'm not rich, I'm not popular-kaya siguro walang nagkakagusto sa akin. Kung alam lang ni Auntie Clara.. hay... I've never had a boyfriend.

Not that I want a boyfriend. Truth is, I don't need a boyfriend. My life's shitty enough already. I'm so tired of hearing stories where the guy makes a girl fall for him, then he breaks her heart. Ayoko nang dumagdag sa populasyon ng mga tanga. And in the first place, I'm already broken. No need to shatter my heart a bit more. Thanks to my father who broke my heart before any boy could.

"Nako, Clara, ayaw ngang magpaligaw niyang si Lynn eh! Asan pala ang mga bata? Si Winna? Si Alex?"

"Ay, ayun. Pinakuha ko lang ang mga bagahe sa van."

"Tita Shiela!" Nagulat naman ako nang makita ko ang isang magandang babaeng naglulundag para yakapin si Mama.

"Eto na ba si Winna?" Turo ni Mama sa babaeng magandang yakap-yakap siya.

Grabe. Ang ganda niya. Hindi ako makapaniwalang si Ate Winna nga ito. Ang laki ng ginanda niya. She was pretty 12 years ago. Pero ngayon... She's drop-dead gorgeous! Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang sundress na lalong pinapalutang ang maputi at makinis niyang kutis. Parang siya yung mga manikang pinaglalaruan namin noon. Matangkad, sexy, maganda. Wow.

"OMG! Lynn!" halos hindi ako makahinga sa pagkakayakap ni Ate Winna. Grabe, ang bango pa niya!

"Ate Winna! Grabe, I miss you!"

"I miss you, too, Lynn-lynn! So cute mo pa rin!" she said as she pinched my cheeks.

"A-aray, Ate Winna. W-wait, asan si Alex?"

Naexcite ako nang banggitin ko si Alex. Si Alex na napakakulit. Si Alex na lagi akong inaaway. Grabe, namiss ko rin ang mokong na 'yon.

"Ate, 'di mo man lang ako tinulungan? Ang bigat kaya----"

Napanganga ako nang makita ko kung sino ang nasa may pintuan namin. Eto na ba si Alex?!

"L-lynn.. Ikaw yan?"

Nauutal nitong sabi habang nakatitig sa akin.

Shit. Alex, ikaw ba 'yan? Gusto kong itanong pero magmumukha lang akong tanga kung itatanong ko pa 'yon.

This is him. This is Alex standing in front of me wearing an Arctic Monkeys shirt.

Si Alex 'yung umagaw ng libro ko kanina.

Si Alex 'yung lalaking nagbigay sa akin ng libro.

The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon