Chapter 4

13 3 0
                                    


4 minutes.

Sinilip ko ang relo ko para ipagpatuloy ang pagcocountdown ko. 4 minutes until dismissal. Argh. Bakit nga ba ang bagal ng oras kapag nasa klase? Antok na antok na ko sa pagdidiscuss ng prof naming sa Calculus. Hindi lang sobrang boring ng subject, sobrang boring din ng prof namin.

"Sir, wala na po bang mas madaling solution diyan?" tanong ng kaklase kong kunwari curious pero nagpapapansin lang naman talaga kay Sir.

"Alam niyo class, ang pag-aaral parang 3-in-1 coffee lang 'yan. Mabilis nga naman, instant e. Pero iba pa rin kapag kape talaga diba? 'Yung ikaw mismo ang magtitipla?"

What? Seriously, that's the vaguest comparison I've ever heard. Almost pointless. Such a nerd.

Bigla namang natawa si Sir na para bang nawawalan ng hangin na para bang hangang-hanga ito sa sarili niya for being "witty". 'Yung isa ko namang sipsip na kaklase nagpeke ng tawa na para bang havey ang sinabi ni Sir. Tsk.

Tinignan ko ulit 'yung relo ko... 1 minute! Nagising ang diwa ko! Sa wakas dismissal na! Sakto namang maaga ang uwian ko ngayon kaya naman masasamahan ko si Alex without skipping my classes.

"Okay, class. Last problem. Copy this."

"Sir, time na po."

"Ay, sayang!" sabi ng papansin kong kaklase with sarcasm.

Chineck ni Mr. Marasigan ang relo niya at nagsimula nang magligpit ng gamit niya.

"So for your homework, answer pages 23 and 25. That's all for today. Class dismissed."

Nilagay ko ang calculator at notebook ko sa bag. Tatayo na sana ako nang lumapit sa upuan ko si Vienne.

"Oy, Lynn! Pupunta kami sa mall. Sama ka? Tara, videoke!" pagpipilit niya.

"Pass muna ko, guys. Sasamahan ko kasi 'yung friend ko sa admissions eh."

"Ganon? Sayang naman. Minsan-minsan nalang nga tayong nakakalabas eh."

Si Vienne na siguro ang masasabi kong pinakamatalik kong kaibigan dito sa school. Noong una hindi ko expect na magiging kaclose ko si Vienne. Paano ba naman, we're complete opposites. I wear black, she wears pink. I like jeans, she likes skirts. Magkaiba man kami ng style sa damit at music, 'pag usapang utak na, we click. We have the same way of thinking kaya naman kami lang ang nagkakaintindihan sa isa't isa.

We have a small circle of friends. Lima lang kami sa barkada pero quality over quantity, right? Three years of friendship and still growing strong!

"Ano ba 'yan, manlilibre pa naman sana ako."

"Seryoso manlilibre ka, Kylie?! For the first tim---"

"Gaga! Joke lang! Asa naman kayo!"

Si Kylie naman ang bangko ng barkada. Rich kid nga, kuripot naman.

Bumaba kami mula sa third floor ng Guillermo Building kung nasaan ang room namin. Puno ang elevator kaya nag-stairs nalang kami.

"Isipin niyo nalang workout 'to. Nakakapayat 'to!" biro ni Kylie.

"So sino nga pala 'yung friend na sinasabi mo, Lynn? Parang wala kang nababanggit ha?"

"Ah, wala. Kababata ko lang galing U.S. Lilipat siya dito."

"Naks! Spokening dollars!"

"Kylie, tigilan mo nga. Ang jologs mo!"

"Jologs kaagad, Vienne? 'Di pa pwedeng nagbibiro lang?"

"Edi wow, Kylie."

Sinamahan ako nina Vienne at Kylie dahil pupuntahan pa nila sa cafeteria sina Claire at Jake, ang magjowa sa barkada namin na wala tuwing Math subject dahil bagsak last sem. Napag-ibig siguro.

Nakarating na kami sa admissions at nakita kong nakatayo sa may hagdan si Alex. Natawa naman ako kasi mukhang lost kid ang mokong.

"Sige, guys. Andito na siya. Bye-"

"Gosh, Lynn! Sino diyan? 'Yung naka-gray polo shirt?" tanong ni Vienne.

"Yup!"

"Bakit naman 'di mo sinabing gwapo? Ang yummy, grabe! Papalicious-"

"Sira!"

Sinapok ko si Kylie. Gaga 'to, anu-anong pinagsasabi.

"Tara! Pakilala mo kami dali!" yaya ni Vienne

"Ugh, may choice pa ba ko?"

Lumingon ako kung nasaan si Alex. Sakto namang nakatingin siya sa amin. He smiled and he waved at us kaya naman nagtitili ang mga kaibigan kong loka-loka.

"Alex, mga kaibigan ko nga pala-"

"Hi, I'm Kylie!" atat na atat na sabi naman ni Kylie at kaagad na inaabot ang kamay niya para makapagkamay kay Alex. Grabe, hindi man lang ako pinatapos magsalita.

"I'm Vienne!"

"Hi, I'm Alex."

Konti nalang talaga magiging heart na 'yung mga mata ng mga kaibigan ko habang tinititigan si Alex. Ganun ba talaga kagwapo 'tong kababata ko?

"Sige, bye. Nice meeting you guys!"

After some minutes of chit-chatting with Alex, napagdesisyunan na ding umalis nina Vienne at Kylie dahil tumawag na sina Claire at Jake.

"Bye, Alex!" sabay na bati nila.

"Lynn, grabe! Ang lambot ng kamay niya! OMG!" aalis na lang sina Kylie nang bumulong pa ito sa akin. Gaga talaga 'tong kaibigan ko. Kinurot ko naman siya sa tagiliran kaya naman napaalis ito.

"You've got fun friends, Lynn."

"Yeah, they're crazy."

Pinagmasdan ko naman sina Vienne at Kylie na palundag-lundag pa habang naglalakad palayo. Sakto namang humarap sa direksyon ko si Vienne and she gave me a smirk. Baliw, isip ko. I know exactly what she meant by that.

She likes Alex... for me.

The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon