Chapter 6

16 2 3
                                    

I must have an obsession with the wonders of time. Ewan ko ba. I just find it amazing how time runs so slow yet so fast-how 60 seconds turn into a minute; how 60 minutes turn into an hour; and without you noticing it, the minutes turn into hours; and hours turn into days, weeks, years; the present turns into past; the moments turn into memories.



Hindi ko alam ba't ang aga kong nagising ngayon-o hindi lang talaga ako nakatulog. 5 o'clock palang ng umaga. Usually 6 o'clock palang ang gising ko, kadalasan nga 6:30 o'clock pa kapag nag-eextend ako ng tulog. Alam kong inaantok na ang katawan ko pero ayaw akong patulugin ng utak ko simula kagabi. It feels like I'm finally feeling something, and it doesn't feel... normal. It doesn't feel right. I've spent the whole night trying to sleep but I just ended up overthinking. Pagulong-gulong lang ako sa kama ko at hindi makahanap ng kumportableng pwesto. Dati naman kaagad akong nakakatulog ah? Ano bang nangyayari sa akin? Hay, I barely slept! Siguradong bangag at malalim na naman eyebags ko nito.



At dahil 'di na rin ako makakatulog, tumayo nalang ako at inayos ang kama at mga gamit ko. Nakapatong sa study table ko ang The Trials of Apollo by Rick Riordan, ang librong inagaw este binigay sa akin ni Alex. Sayang, 'di ko pa nababasa. Excited pa naman ako! Tinanggal ko 'yun sa plastic at inamoy-amoy ang mga pahina. Yup, I sniff books as if they are my source of oxygen. Who doesn't like the smell of new books, anyway? Nilagay ko 'yung libro, binder, at calculator ko sa bag ko at dali-dali nagshower.



Pagkapasok ko naman sa kusina ay nadatnan ko si Alex. Oo nga pala, dito siya magstestay hanggang Friday. Bigla naman akong namula nang maalala ko ang mga nangyari kahapon sa may secret place ko habang nakahiga kami ni Alex sa damuhan. Okay na sana eh.. kaso...



"Oy!"



Parehas kaming nagising ni Alex nang marinig ang malakas na sigaw mula sa park na nasa harapan ng secret place ko kaya naman kaagad akong napaupo. Lumakas naman ang kabog ng dibdib ko nang makita kong papalapit sa amin ang isang... babae? Lalaki? Ewan ko! Basta may hawak na flashlight tapos siga maglakad.



Napaupo si Alex at tinanong ako, "Lynn, bawal ba dito?"



"Hindi naman. Anong oras na ba?"



Chineck ni Alex ang phone niya, "7:28 p.m."



"Shit."



Nasa harapan na namin ngayon ang isang security guard na hawig ni Charice at tinutok ang flashlight sa mga mukha namin.

"Excuse me, Ser, Ma'am. Bawal magpakalat-kalat sa school premises ng ganitong oras. Buti walang ibang nakakita ng ginagawa niyo kundi-"



"Anong ginagawa?!" Nareact naman ako kaagad sa mga narinig kong sinabi ni Ate/Kuya Guard. Seriously?! Ginagawang ano?!



"Hahahahahahahahahaha!" Hinarap ko si Alex at tinaasan ng kilay. Ewan ko ba ba't tawa siya ng tawa. Hindi ba dapat mainis din siya? Wala naman kaming ginagawa eh?



"Ser, Ma'am... Bawal kasi 'yan dito. Papalampasin ko kayo. 'Di ko na irereport sa office pero 'wag na kayong papahuli ulit ha?"



"Ah, sige po, Kuya Guard! 'Wag kayong mag-alala, iuuwi ko na 'to..." sabi ni Alex kay Ate/Kuya Guard nang bigla naman niya kong inakbayan kaya naman nanigas ang katawan ko at hindi alam kung anong irereact. Ano bang pinagsasabi niya? Tama ba pagkakaintindi ko?!



"...para walang istorbo. Diba, Lynn?" Inilapit ni Alex ang mukha niya sa akin. Grabe! Ang lapit! Ramdam ko 'yung hininga niya sa mukha ko! Gusto kong ilayo ang sarili ko pero hindi ko magawa! Waaah!

The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon