Chapter 3

16 3 0
                                    

Sa wakas at masaya na ang tiyan ko na kanina pa nagwawala! Habang busy ako sa pagkain, busy rin sa pagkukumustahan sina Mama at Auntie Clara.

They really missed each other. Kung anu-ano nalang ang mga pinag-uusapan nila. Nalaman ko rin na nagpa-part time model pala si Ate Winna sa isang kilalang brand ng jeans sa U.S. Si Auntie Clara naman ay abala pa rin sa pagbebake at nakapagtayo na ng maliit na pastry shop doon. At siyempre, si Alex...

Damn it! It took me minutes bago nagsink in sa akin na si Alex 'yung lalaking nameet ko kanina sa bookstore.

Looking at him, hindi mo kasi aakalain siya si Alexis Reyes, 'yung kababata kong patpatin at bungal na laging nahuhulog sa bike. 'Yung Alexis Reyes na nasa tabi ko ngayon (no choice, katabi ko siyang kumakain dahil occupied na ang ibang seats), matangkad, athletic ang katawan at... gwapo. Ganun ba talaga 'pag galing sa America? Gumaganda at gumagwapo?

"Ikaw, Lynn. How's life?" napatigil naman ako sa pagnguya ng kinakain ko nang biglang humarap si Ate Winna sa akin at nagtanong.

Hellish. Sad. Lonely. Walang thrill. Boring. That's my life, Ate Winna.

"Ahh, okay naman." I fake a smile and continue with my food.

Tuluy-tuloy lang ang tawanan at kwentuhan nila. Tanging kaming dalawa lang ni Alex ang hindi umiimik.

Awkward.

"Bukas pala uuwi muna kami ni Winna sa Pampanga para i-check 'yung property namin."

Habang nakikinig sa walang katapusang chikahan nila, nalaman kong kaya pala umuwi sina Auntie Clara ay dahil nagpapatayo sila ng bahay sa Pampanga, kung saan talaga galing ang pamilya ni Auntie Clara.

"At ikaw naman, Alex, maiiwan ka for one week dito kita Auntie Shiela mo."

Nabilaukan naman ako sa sinabi ni Auntie Shiela.

"What?!" sabay naming sabi ni Alex

"Mag-iinquire ka pa sa university ni Lynn, diba? Hanggang hindi ka pa nakakahanap ng dorm, dito ka muna. Auntie Shiela agreed naman. Don't cause any trouble, okay? I'll be calling you and your allowan---"

"Okay Ma, I get it. Okay."

"Good. Now Lynn, okay lang ba kung samahan mo bukas mag-inquire sa school mo si Alex?"

I thought about it for a second. One week with Alex. Not bad. Just.. awkward?

"Okay po."

Halos 11 o'clock na ng gabi nang matapos ang dinner. Nagready na kaming lahat para matulog dahil pagod sa biyahe sina Auntie Clara. Kasama ko sa kwarto ngayon si Ate Winna. Request niya na tabi daw kaming matulog dahil namiss niya raw ako. Habang naliligo siya, bumaba muna ako sa kusina para uminom ng gatas.

Pumunta akong kusina nang hindi binubuksan ang ilaw. Memorize ko kasi 'yung papunta sa ref namin! Bubuksan ko na sana ang ref nang may marinig akong mga yapak papalapit sa akin.

Shit! Shit! Shit!

Kung may isang bagay man akong kinatatakutan, multo 'yun! Ipinikit ko ang mga mata ko habang hawak-hawak sa dalawang kamay ang baso ko na dapat ay paglalagyan ko ng gatas.

"Please po, huwag kayong magpakita sa akin. Please po, ipagpe-pray ko kaluluwa ninyo. Please, huwag po..." mahinang bulong ko.

Nangilabot pa lalo ako nang marinig kong gumalaw ang mga upuan sa kusina. Gusto kong tumakbo pero nanghihina ang mga binti ko. Bakit ba kasi ako bumaba!

"Shit! Huwag kang magpakita, please."

Sa lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko na marinig ang mga bulong ko. Lalo pa kong kinabahan nang maramdaman kong mas lumalapit ang mga yapak sa akin.

"Ahhhhh----" napasigaw ako nang may pumulupot na braso sa tiyan ko at tinakpan ang bibig ko ng kamay niya.

Bakit ang init ng kamay ng multong 'to? Teka.. Multo ba talaga 'to? Baka naman akyat-bahay 'to? Shit!

"'Wag kang maingay, magigising sina Mama!"

Nagulat naman ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

"Alex?! Tae ka, tinakot mo ko!" Pinaghahampas ko ang dibdib niya.

"Please, huwag po kayong magpakita boo hoo hoo..." panggagaya nito sa akin.

Tawang-tawa pa ang mokong. Kainis!

Hindi ko siya pinansin at dali-daling kumuha ng fresh milk sa ref at uminom. Pagkatapos kong uminom ay inagaw niya ang baso ko at uminom din. Argh!

"Ano bang ginagawa mo? Diba dapat tulog ka na?" tanong ko kay Alex.

"Wala lang. Nakita kasi kitang lumabas sa room mo kaya sinundan kita. Hindi ako makatulog eh."

Hindi nalang ako umimik at umakyat na ko sa hagdan.

"Sungit naman neto. Hindi mo lang ba ako kukumustahin?"

"Alex, matulog ka na nga. Maaga pa tayo bukas."

"Oo nga pala, itu-tour mo ko sa school mo. Nice."

"Anong nice don?"

"I get to be with you. You know, like the old times..."

Nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Like the old times.

I hate to admit it but... I miss him and his silly acts and corny jokes. I miss the old times.

"Yeah, like the old times." I smile back at him.

"So, see you tomorrow. Good night, Lynn."

"Good night, Alex."

Pumasok ako sa kwarto ko at tumabi kay Ate Winna na mahimbing na ang tulog. Napangiti ako habang nakatitig sa ceiling ng kwarto ko na punung-puno ng glow-in-the-dark na stars. At unti-unting napapikit ang mga mata ko.

I guess the dull days are over. Something exciting is about to happen in my storyline.

The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon