Chapter 5

19 3 2
                                    

Buti nalang at nakahabol pa si Alex kahit na late enrolee siya. Kakasimula lang ng second semester kaya naman sakto lang ang dating niya. Kaya lang, may mga kulang siyang subjects kaya naman magiging irregular student siya.

Third year college na si Alex sa kursong Civil Engineering. Bata palang kami favorite subject niya na ang Math kaya naman hindi nakakapagtakang Engineering ang pinili niyang course. Ugh, kainggit talaga 'yung mga magagaling magagaling sa Math! Ba't nga ba 'di ko magets 'yung Math?

Napa-brain blast ako na mala-Jimmy Neutron nang biglang umilaw ang lightbulb sa utak ko-hindi literal, ha. Mabuti nalang pala at andiyan lang si Alex for a week kaya naman mukhang may gagawa na ng assignments ko sa Math subjects! Bingo!

Buti nalang at wala nang nagpapa-enroll kaya naman hindi na pumila si Alex nung nagpaenroll siya. After an hour, natapos na naming lahat ng kailangan asikasuhin.

"Anong section mo?" tanong ko habang binabasa ni Alex ang advising slip.

"CE 3-C tapos minor subjects sa CE 2-A"

"CE 2-A? Sakto, sila lagi ang katabi namin ng room tuwing minor subjects!"

"Really? Edi magkikita pala tayo ng madalas niyan, Lynn-lynn!" ginulo niya ang buhok ko habang tumatawa. Napansin ko lang, nagiging chinito pala siya 'pag tumatawa?

"A-ano ba, Alexis!"

"Tara na nga, Lynn-lynn! Libot mo ko dali."

He held my left wrist and pushed me along with him. Wow ha, ano ako, trolly bag?


Dumaan kami sa cafeteria at nag-order ng tacos. Not just two orders, five orders! Paano naman naming 'to mauubos? Pero 'di na ko nagreklamo, libre naman niya eh.

"Alex."

"Oh?" tinigilan naman nito ang pagkain ng pangatlong tacos niya and looked at me.

"'Yung libro."

"Oh, napano?" tuloy-tuloy lang siya sa pagkain habang nakatitig sa akin. Argh, kahit kumakain cute pa rin? What the-wait, ano ba sinasabi ko.

"Hindi pa kita nabayaran."

"Ah, 'yun lang? 'Wag na."

"Anong 'wag na? Halos P600 din 'yun ha! Porket mayaman ka na ha-"

"Hindi ako mayaman. It's just that.. think of it as a gift."

"Gift? 'Di ko naman birthday ha?"

"Pero I missed 12 of your birthdays, including your seventh and eighteenth! Damn, I've missed so many years with my bestfriend."

With my bestfriend. I felt my heart melt a little.

Pagkatapos naming sa cafeteria, nilibot naman namin ang mga rooms niya para raw hindi siya mawala kapag papasok na. Such a baby.

"What's your favorite place in your school, Lynn? I'm just curious."

"Correction, our school." I said as I put emphasis on "our".

"Our school kase. Ano nga?"

"Sa likod ng park at garden. I don't know what it's called but it's... It's my silent sanctuary."

"Take me there."

Nakarating na kami sa "silent sanctuary" ko na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang tawag. First year college ako nung madiscover ko ang secret haven na 'to. Tuwing badtrip ako, dito ako tumatambay. Ang tahimik kasi-wala ang mga high school students na maiingay, mga couples na nagdedate. It's like the other side of the mad world. In here, I find peace.

"Welcome to... Uhmm... Sorry I don't know what it's called."

Alex looked around. He must be disappointed. Paano ba naman puro puno at endless Bermuda grass lang ang makikita dito.

"Lynn, it's beautiful." Nagulat ako nang ngumiti siya sa akin at nilapitan ako.

"Weh?"

"Oo. Can you hear it?"

"Hear what?"

"The music."

"Anong music?" lumingon-lingon ako

"The sound of the wind, the sound of the leaves..."

"So poetic." Hinampas ko ang mukha niya ng panyo ko.

Nagulat naman ako nang bigla siyang humiga sa damuhan.

"Ano pa hinihintay mo? Higa ka na rin."

Humiga ako sa tabi niya. Wow, it's comfortable. Bakit nga ba 'di ko naisipang humiga dito noon?

"Wow."

"It's beautiful," rinig kong sabi ni Alex.

Napabuntong hininga ako nang makita ko sa taas namin ang langit. Halos 6 o'clock na ng gabi kaya naman lumubog na ang araw. The sky looks so surreal. Pink and purple strokes on blue skies. What a beauty.

Bigla kong naramdaman na may kamay sa tenga ko. Nilagay ni Alex ang isa sa mga earplugs niya sa tenga ko and I felt the music flow through my ears.

I want you
I'll color me blue
Anything it takes to make you stay
Only seeing myself when I'm looking up at you

Without you I am color blind
It's raining every time I open my eyes
I know you're seeing black and white
So I'll paint you a clear blue sky
Without you I am color blind
It's raining every time I open my eyes

I want you
I'll color me blue
Only seeing myself when I'm looking up at you

I faced him and I saw his beautiful face, even with eyes closed. I closed my eyes as we lay there next to each other.

The Other SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon