VI Isidra

9 0 0
                                    

Si Isidra ay isang engkantada ng pag-ibig, emosyon, at damdamin. Kaya damang-dama rin niya ang lahat ng sakit na nararamdaman ng mga taong nasasaktan sa mundong ibabaw.

Siya na yata ng pinakamalungkot na nilalang sa buong kalawakan dahil bukod sa nag-iisa siya ay hindi na rin niya kapiling ang kanyang minamahal na mga anak. Maging ang kanyang iniibig na ngayon rin ay palagi nang mas abala sa lahat ng mga gawain sa DDE. Wala na siyang nababalitaan kung ano na nga ba ang nangyayari sa kanyang pamilya. Minsan, upang ilibang niya ang kanyang sarili ay sumasama siya sa diyosa ng pag-ibig na kanyang inaalagaan. Ilang beses na siyang hindi mapakali sa isang tabi, habang nag-aantay sa pagbabalik ng kanyang asawa't mga anak. Ngunit maraming taon na ang nakakalipas ay wala pa ring nagparamdam sa kanya ni isa. Wala nang magawa sa buhay itong si Isidra kundi ang umiyak na lang ng umiyak.

"Isidra, wala na akong nakikitang ngiti mula sa iyong mga mata... kundi 'yang mga diyamante na siya mong mga luha! Umaasa ka pa ba na makikita mong muli ang iyong pamilya?" tanong ng kaibigan niya na isa ring engkantada.

Habang kinakausap siya ng engkantada ay tumulo ang isa niyang luha at naging diyamante. "Oo, umaasa pa rin ako... Matatalino ang mga anak ko. Madidiskarte sila, may mga pag-asang makaalis at makaligtas mula sa lupit ng mga kalaban."

"Isidra, kung hindi na sila magpakita, ano na lang ang gagawin mo?"

"Huwag kang magsalita ng ganyan! Ang kambal kong anak na itinakas ko noon ay nasa..."

"Ano Isidra? Saan?"

Sumabog ang iyak ni Isidra. "B-Basta! May pag-asa pa akong makakapiling kong muli ang aking pamilya."

"Palagay mo, kelan pa?"

"Hindi ko alam... Oh diyos ko..." at bumulung-bulong. "Reinhardt... pinakamatanda ka sa magkakapatid... Alam kong magkakasama na kayong lahat ngayon."

"Isidra, matanong nga kita, noon bang nasa ibaba ka't napangasawa mo si Alex ay nalaman ba niya na isa kang engkantada? Aminin mo!"

"Bakit naman?"

"Aba, baka nalilimutan mo na Isidra... pinagbabawalan tayo ng panginoon natin na ipaalam sa mga tao ang tungkol sa atin!"

"Pasensya ka na... N-Nalaman na nila ang lahat... Ngayon mo lang ba nalaman?"

"P-Paanong nangyari iyon, Isidra? Mananagot ka!"

"Dahil nu'ng magsilang ako ng anak, lahat ng mga anak namin ni Alex ay may tumubo na dalawang hikaw sa kanilang katawan na galing sa akin. Tulad na lang nitong dalawang hikaw na nasa dibdib ko..." at ipinakita ni Isidra ang dalawa niyang hikaw sa kanyang dibdib. "Nu'ng mapansin iyon ni Alex, nagsinungaling muna ako. Ngunit habang tumatagal, lumabas naman sa noo ng iba kong mga anak ang markang ito na katulad rin sa akin... Hindi na ako tinigilan ni Alex hanggang sa napaamin na niya ako. Ang totoo nga eh... Alam na rin ng lahat dito ang buong pangyayari. Pero ikaw ay hindi."

"Palagay mo Isidra, iyon bang namana nila sa iyo eh hanggang ngayo'y nasa kanila pa rin?"

"Marahil... ang markang ito na naiwan sa kanilang mga noo ay maaari pang maitago, gayundin ang kanilang mga hikaw. Gayunpamang alam nating lahat na permanente na ang mga iyon..."

"Noong nasa ibaba ka pa Isidra, naitago mo ba ang mga 'yan sa katawan mo nang hindi ka nila mahalata?"

"Oo naman, kaya ang ginagawa ko noon kapag nasa ibaba ako ay nagsusuot ako ng mahahabang damit na hindi litaw ang dibdib."

"Pero, wala rin!"

"Oo, nahalata na nga ako nang makita ng Explorers ang mga anak namin ni Alex..."

"Nagsisisi ka ba nang malaman ng lahat ang tunay mong pagkatao?"

"Hindi naman, naging maligaya pa rin ako dahil naintindihan naman ako ng lahat. Sabi pa nga ng isang Explorer ay mapalad raw si Alex dahil nagkaasawa pa raw siya ng isang engkantada... Pero hindi ko na ipinagtapat sa kanila noon na marami tayong nasa ibaba noon."

"Nang malaman ni panginoong Zalan ang ganoong balita, anong ginawa niya sa iyo?"

"Talaga palang hindi mo pa nalalaman ang lahat Skuld... Noong nalaman ni panginoong Zalan ang lahat, pinagbawalan na niya akong bumaba pa sa mundo ng mga tao at makisalamuha sa kanila kahit kailan. Hanggat hindi pa niya sinasabi..."

"Kaya pala noong naghahanap kami ng mga sagradong bagay sa ibaba ay hindi ka na nakasama. Hindi ka na pala maaring bumaba hanggat walang pahintulot ang ating panginoon. Sa katunayan nga Isidra, marami na ngang Magic Stones ang nakukuha ng mga Explorers pero may ilan sa kanila ang nahihirapang i-transform muli ang mga ito bilang pure magics."

"Gusto ko nang ibalik ang mga bagay na nakuha ko noong nasa ibaba pa ako."

"A-Ano Isidra? May nakuha ka na palang mga Sacred Items noong nasa ibaba ka pa?"

"Oo, tatlong Magic Stones lang ang nakuha ko! Pero hindi ko pa naibigay kasi... Galit si panginoong Zalan sa akin..."

"Ilang taon na palang nasa iyo ang mga iyan! Baka mamaya'y, ninakaw mo na ang mga iyan."

"Ba't ko naman gagawin ang magnakaw?"

"Kung ganoon ay ibigay mo na!"

"Natatakot ako... Baka mapagbintangan naman niya ako dahil matagal na ang mga batong ito sa akin."

"Mabait si panginoong Zalan, Isidra. Tara, sasamahan kita."

"Ayoko!"

"Bakit naman ayaw mo? Magsisinungaling ka?!"

"Hindi, ako na lang ang magsasabi..."

"Eh... kailan pa?"

"Bahala na."

"Aalis na ako Isidra, napansin ko ngayon na hindi kita makausap ng maayos dahil 'yang mukha mo ay hindi maipinta."

"S-Sige, pasensya na. Matagal na kasi akong nalulungkot."

"Paalam."

Umalis na ang isang engkantada. Nanatili pa rin si Isidra ng mag-isa niya sa iisang kuwarto. Nag-iisip na naman siya. Mula nang mawala sa piling niya ang kanyang pamilya ay hindi na siya naging maligaya kailanman.

"Marami na akong sakit na naiipon sa damdamin ko... Kung hindi ko na lang sinabi ang katotohanan, marahil hanggang ngayon ay maligaya pa rin ako. Kulang pa naman sa kalinga ang aking mga anak. Matatago kaya nila ang kanilang 'fairy earrings' kahit hindi ko nasabi? Kahit... buhay pa sila? Sana naman..."

Tumayo si Isidra, at pagkatapos ay tiningnan ang mga ulap.

"Hindi ako maaaring tumakas at magtaksil sa aking diyos at sa aking sarili. Pero kung gagawin ko naman ang tumakas, marahil ay tuluyan nang alisin ng aming panginoon ang aking kapangyarihan bilang isang engkantada ng pag-ibig!"

Para siyang may kausap na duwende. Walang ginawa kundi ang kausapin lang ng kausapin ang kanyang sarili.

"Teka, ang kambal nga palang itinakas ko noon ay... Ano na nga kaya? Oo! Sina Maximillian at Denver ko. Alam ko... buhay pa ang aking kambal! Si Reinhardt... Oo! Matalino si Reinhardt at madasalin ang batang iyon. 'Yung iba pa? T-Teka, sino pa nga ba 'yung iba kong mga anak? Ahh! Ang dalawa kong bunsong babae... na sina Diana at Rebecca, oo! Magagaling rin sila, tama... Kaya na rin nilang buhayin ang kanilang mga sarili... Ah, hindi! Nahuli na nga pala sila ng mga masasama!!! Uhuhuhu... bakit ganoon? Si Rohrer, ang pangalawa... Si Zoroaster ko pa pala, 'yung pangatlo ko namang anak, huhuhu... AHHH! 'Asan na nga ba ngayon ang walo kong mga anak, huhuhu! Mamamatay na ako sa sobrang pag-aalala at nalulunod na rin 'ko sa sobrang kalungkutan!"

Narinig ng ibang engkantada ang sigaw ni Isidra mula sa loob ng kuwarto. Mabilis silang pumasok sa kuwarto at kinausap si Isidra, ngunit agad nang hinimatay ang kawawang engkantada dahil sa sobrang depresyon.

"Kawawa naman ang engkantadang si Isidra... Ilang taon nang nabubuhay sa kanyang depresyon..."

Hindi na nakayanan niIsidra ang matindi niyang depresyon. May pagkakataon pa kaya na makita paniyang muli ang kanyang mga anak?   

The Explorers (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon