IV The Young Mortal

31 0 0
                                    

Siya si Claude, ang isang bata na kasingtanda lang halos nina Kenji at Genji na ulila na rin sa magulang. Ngunit di tulad ng kambal, naging ulila na si Claude noong tatlong taong gulang pa lang siya.

May dalawa siyang nakababatang kapatid. Panganay si Claude at babae naman ang sumunod sa kanya. Lalaki ang bunso.

Anak si Claude ng isang Skywalker, isang grupo ng mga rebelde ngunit hindi kaanib sa mga grupong naghahangad ng mga kapangyarihan ni Haring Jethro katulad ng Pioneer. Siya ay inilayo rin ng kanyang ina dahil ayaw naman ng kanyang ina na masama siya sa kanyang ama na isang lider ng masamang grupo.

Masasama ang mga Skywalkers at naging alipin sila noon ng kauna-unahang grupo ng Reminescence. Bago itinakas ng ina ang magkakapatid ay mariin na nagbilin ito:

“Claude, kung sino man ang makakausap mo ay huwag mong sasabihin na isa kang anak ng Skywalker! Huwag na huwag mong sasabihin lahat ang tungkol sa iyo at baka mapatay ka ng mga tao! Kaaway ka na nila kaya iwasan mo iyon!”

At ngayo’y malaki na siya, hanggang ngayon ay wala pa ring sinuman ang nakakaalam na isa siyang anak ng Skywalker.

Dumaan pa ang pitong taon at lumaki na ang kambal sa Damsville. Labing-apat na taong gulang na ang kambal samantalang sina Aaron at Shiela naman ay nasa labingwalong taong gulang. Dahil sa tulong nina Shiela at Aaron sa kambal ay lumaki na silang mas disiplinado at mas matatag.

May sapat nang pag-iisip sina Kenji at Genji. Alam na nila ang tama at mali. Pa tanda na ang kanilang pag-iisip, ika nga. Nagtatrabaho na sila pero hanggang ngayon ay naghahanap pa rin sila ng makakain sa pang-araw-araw. Hindi na nila kinakausap ang mga residente dito. Alam na nila iyon.

Sina Genji at Aaron ang bahala sa pagkuha ng makakain sa labas. Kukuha rin sila ng iba pang mga panggatong at sobrang kahoy upang mapalaki na nila ang kanilang munting bahay. Dati maliliit pa sila at kasya pa sa bahay pero ngayon ay hindi na.

“Huy,” si Genji, kumakaway at kasama si Aaron. “Kami na ni kuya Aaron ang bahala sa paghahanap ng ating makakain!”

“O sige,” sabi ni Shiela. “At kami naman ni Kenji ang magbabantay dito.”

“Sige,” sagot ni Aaron.

Aalis na ang dalawa nang magsalita si Kenji. “Mag-iingat kayo.”

“Salamat!”

Nakaalis na ang dalawa at naiwan naman silang dalawa ni Shiela.

“Kenji,  matagal na palang nananatili kayo dito sa amin bahay ano?” tanong ni Shiela.

“Oo, bakit naman?” tanong ni Kenji.

“Wala naman.”

“Parang… gusto mo na kaming paalisin dito ha, Shiela!”

“H-Hindi, nahihiya lang kasi kami ni Aaron sa inyo.”

“Ayos lang iyon. Nagturingan na nga tayong magkakapatid hindi ba? Tayong apat!”

Ngumiti si Shiela. “Salamat.”

“Halika na! Ayusin na natin ang bahay natin.”

“Siyanga nga pala Kenji, ilang taon ka na ngayon? Kayo ni Genji?”

“14.”

“14?”

“Oo, bakit?”

“Ibig sabihin pala, kami ni Aaron ang panganay dito! Ha?”

Nag-ayos ang dalawa sa maliit nilang bahay. Pagkalipas ng sampung minuto ay nagpahinga muna sila nang may marinig silang sigaw:

“Walanghiya ka! Magnanakaw, kailan ka pa ba MANANAHIMIK!”

The Explorers (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon