III The Nightmare

38 0 0
                                    

Pagkatapos tumakas ng dalawang bata ay nakaramdam na sila ng matinding pagod at pagka-uhaw at gusto na nilang magpahinga. Marami na silang dinaanan: gubat, disyerto, ilog at iba pa. Pagod na pagod at parehong gutom. Nang makarating ang dalawang bata sa isa pang maliit na gubat ay doon muna sila nagpahinga.

“K-Kuya Kenji, uhaw na uhaw na ako...”

Hindi sumagot si Kenji, maputla.

“Kuya...”

Hindi pa rin sumasagot si Kenji. Para siyang tinatamad magsalita dahil na rin sa matinding pagod at uhaw.

“KUYAAA!!”

“Oo alam ko! Kahit ako, nauuhaw na rin.”

“Aww...”

“Ano? Anong gagawin natin ngayon? Pareho lang tayo ng sitwasyon Genji. Huwag kang duwag!”

“Anong ‘duwag’ ang pinagsasasabi mo?”

“Ang ibig kong sabihin, magtiis na lang tayo sa gutom, pagod, at uhaw na ‘yan ok?”

“Hindi ko na kaya!”

“Bahala ka, basta ako, kaya ko pang magtiis!”

“At saka kuya...” takot na tanong ni Genji. “Saan na tayo matutulog? Saan na rin tayo magtatago? Baka makita na tayo ng mga masasamang taong tulad nila at baka kung ano nang gawin nila sa atin.”

“H-Hindi ko alam!”

“WAAAHHHH!” malakas na hagulgol ni Genji.

“Tara na kuya, maghanap na tayo ng matutulugan. Parating na ang nyebe.”

Naglakbay uli ang dalawa kahit pareho pa ring pagod, gutom, at uhaw. Tatlong oras silang naglakad ng walang tigil. Maya-maya’y dumating na nga ang nyebe. Napakalakas ng bagyo ng nyebe at naabutan ang kambal. Nakaramdam na sila ng matinding lamig.

“Kuya ang lamigggg!!” sabi ni Genji.

Mabilis na nagyakapan ang dalawa upang may maramdamang init. Mahigpit, na magkayakap.

“Kuya, ganito rin kaya ang nangyari kay inay noong nahihirapan rin siya?” nanginginig na tanong ni Genji.

“M-Marahil... Kuya-a... Ahhh...”

“T-Teka kuya...” mahinang wika ni Genji. “M-May nakikita akong bayan sa b-banda roon!!”

“S-Saan?” natutuwang tanong ni Kenji. “Sa sobra ko nang ginaw, lumalabo na rin ang paningin ko d-dahil sa nanghihina na ang buong katawan ko!”

            Malakas na ang tawa ni Genji.

“Hahaha, kuya isa ngang bayan! Makakatulog na tayo. Tara na, bilisan natin. Hinang-hina na ako!”

Nagmadaling pinuntahan ng kambal ang bayang nakita ni Genji. “Isang ngang bayan! Yehey, may mga tao siguro diyan na tutulong sa atin!”

Pero sa sobra nilang gutom, pagod, at uhaw ay bigla nang bumigay ang katawan ng kambal ng hindi inaasahan. Bumagsak silang pareho sa yelo at dahil sa dulas ay gumulong pa sila paibaba patungo sa bayan.

Tamang-tama at doon nga mismo sa bayan na iyon bumagsak ang pagod nilang mga katawan. May mga taong nakakita sa kanila, ngunit walang pumansin at nag walang bahala.

Ang tawag sa bayang binagsakan nila ay Damsville. Dito, walang pag-uugali ang mga nakatira. Sa madaling salita, mga walang disiplina. Hindi naman lahat, pero mas marami sa kanila ang mga walang pakialam.

Walang sumagip sa dalawang bata na parehong nawalan ng malay dahil sa sobrang panghihina. Wala silang pakialam at tinitingnan lang nila ang dalawa kung mapansin man. Kahit nababalutan na ng mga makakapal na yelo ang kambal ay hinahayaan lang nila na parang walang nakikita. Sa kultura nila, kapag hindi mo kakilala ay huwag mong pansinin. Hayaan mo lang silang magtiis kung wala rin silang mapapala. Walang kapa-kapatid at wala ring kamag-anak!

The Explorers (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon