That Night~

24 0 0
                                    

Pagkapasok na pasok ng mga lalaki kasabay ang mga babae ay pinagtinginan na sila. Nasa bar sila ngayon.

Agad pinagkaguluhan ang mga lalaki, di na nakakagulat iyon kela Ae Ra. Kumbaga, sanay na sanay na. Kinausap nila ang mga mukhang tilapiang babae at unti unti naman sila nasungkit ng mga hinayupak na mukhang pusit na mga boyfish nila. Ano daw? HAHAHA!

Humanap na ng pwesto sila Xiu Min. Sila Chan Yeol naman pumunta sa counter. Sila Sung Young lumabas muna, mag yoyosi kasi si Kai.

Xiu Min, Se Hun, D.O, Lay at Ae Ra ang magkakasama. 

Chan Yeol, Min Mi, Chen at Kris naman ang nasa counter.

Nagpasama naman si Kai kela Sung Young, Lu Han, Su Ho, at Tao sa labas.

~~

" D.O, ano nangyari sainyo ni Gael? bakit biglaan naman ata? " tanong ni Ae Ra kay D.O na halatang badtrip pa din. Nakaupo na sila ngayon, sa bandang dulo sila pumwesto para iwas gulo at hiyawan na din, -____-

" Tss. May iba. " sagot lang ni D.O at sinubsob ang mukha sa lamesa. Medyo nakaharap sya kay Ae Ra pero nakapikit ito. 

Nag alala naman si Ae Ra. Sanay sya na suplado at bilang ang salita nitong lalaki sa tabi nya pero yung ganitong side ni D.O ngayon nya lang nakita. Hindi nya alam paano susuyuin ang binata.

" Ah.. okay. Gusto mo sapakin ko yu-- " di natapos ni Ae Ra ang sasabihin nya ng biglang hinigit ni D.O ang kamay nya at ginamit eto pangtakip sa mukha nya. 

" Hayaan mo na, di naman sya kawalan. Marami pa dyang iba. " sagot lang sakanya ng binata.

Play the Song: Again & Again by Yozoh

Sinubsob nya din ang mukha nya sa lamesa pero sa ibang direksyon sya nakaharap. Sa direksyon na hindi kaharap si D.O. 

" Ano nangyari dyan? " sabi ni Se Hun na katabi nya.

" Break na sila ni Gael. Haaayyy.. kawawang D.O. " buntong hininga ni Ae Ra. 

Sinilip ni Se Hun si D.O, agad naman hinila ni Ae Ra ang kamay nya, hindi dahil ayaw nyang makita ni Se Hun na hawak hawak ni D.O ang kamay nya ngunit nahihiya sya na makita iyon dahil di naman ganun si D.O. Baka kung ano pa ang isipin pero lalo hinigpitan ni D.O ang pagkakahawak sakanyang kamay, huli na para di pa makita ni Se Hun.

" Umiiyak? " sabi ni Se Hun na mukhang di naman binigyan ng malisya ang nakita.

" Uh.. hindi naman. " tugon ni Ae Ra pero may naramdaman sya sa kamay nya. Luha. Luha na dumaloy sa malabot na pisngi ni D.O. Kinabahan sya. Umiiyak ba talaga si D.O?

Humarap sya sa binata. Nakita nya ang labi ng binata na nakangiti. Ngiting pilit pinipigilan ang pagluha. Namumula na ito. Hindi nya alam kung ano ang gagawin kaya hinayaan na lang nito ang kamay nya. Hindi sya natutuwa sa nakikita nya. Kahit sabihin na na napaka suplado at walang pakealam ang binata sa mundo, may pakiramdam din ito. Nasasaktan. Gusto nya yakapin si D.O pero hindi yun ang tamang lugar at oras para magawa iyon. Mamaya nalang siguro, gusto nya makausap ang binata at matulungan kahit papaano ng silang dalawa lang.

" Lay, peram panyo. " umupo ng maayos si Ae Ra at tinawag si Lay na katabi ni Se Hun. 

" Aanhin mo? Oh eto.. "  tugon lang ni Lay at kinuha ang panyo sa jacket.

" Basa na kamay ko. Pasmado eh. " sagot na lang nya.

Sinilip naman ni Lay ang kamay ni Ae Ra na nasa mukha pa din ni D.O.

.Jpg Models Inc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon