Make this moment turn our hearts around~

15 0 0
                                    

Shet! Shet! Shet! sabi nya sa isipan nya.

7am ng umaga sya nagising. Himala at masyadong maaga para sakanya yon. Paano naman kasi di nya alam kung kanino ba sya sasama? Kay Su Ho o kay Lu Han.

" OO. Masaya ko na niyaya ako ni Su Ho pero bakit ganun? Bakit parang mas masaya ako nung si Lu Han ang nagyaya. Tengene naman. Matutulog na lang ulit ako. Arg! Arg!  " sambit nya habang nakahiga sa magulo nyang kama. Hays!

" Yah! Kung ako sayo kay Lu Han ka na sumama. " sabi ni Min Mi na ngayon ay  nagsusuklay at nakaayos na. Napatingin nalang si Sung Young sakanya.

" Sus, kay Su Ho dapat. Niyaya ka nya sa personal eh. " napalingon naman sya kay Ae Ra na umiinom ng kape habang paupo sa kama nya.

" Kay Lu Han nga eh, Tol, kay Lu Han. Alam mo kung bakit? " sabi sakin ni Min Mi.

" Bakit/Bakit? " sabay na sabi nila Ae Ra at Sung Young.

" Kasi, nandyan na sya sa labas. At ikaw ay amoy laway pa. -____- " tamad na sabi ni Min Mi na nakadungaw sa bintana.

What the F. Nandyan na sya sa labas? Putek! Bakit naman ang aga di ba? Uhh hindee talaga. >////<

Uhm?

Sorry Su Ho. (_ _'')

Sumilip si Sung Young sa bintana. Nakita nya na nakatalikod at nakasandal sa gilid ng sasakyan si Lu Han. Nakasuot ito ng pulang t-shirt at nakashorts na puti hanggang tuhod, nakavans na gray at may cap na nakabaliktad. Okay bakit parang napangiti ang dalaga >.> Nakatalikod pa lang yan ha?! Paano pag humarap pa edi abot tenga na? Hays! >///<

" Tol, pasabi nalang paglabas mo naliligo na ko ha? " sabi nya kay Min Mi na palabas na ng kwarto nya at sya naman ay papasok na ng cr.

After 10mins. Yes! 10mins lang sya naligo >.> Todo madali po si ate? Kasi naman Lu Han ba naman naghihintay sayo sa baba di ba? kahit yata wisik nalang para lang mapadali eh. HAHAHAHA!

Paglabas nya, nakaupo pa din si Ae Ra sa kama. 

" Sung Young, umamin ka nga. Type mo ba yun si Lu Han? " tanong nya sa dalaga. Napatingin naman ito sakanya.

" .................. " sya. Hindi nya alam ang sasabihin nya.

" Hay, ewan. Basta sinasabi ko sayo.. wag ka nanaman padalos dalos. Tandaan mo, sweet si Lu Han sa lahat. " at lumabas na sya ng kwarto. Anong problema non? -____-

Nagsimula na syang maghanap ng damit. Bakit ang hirap mamili ngayon ng damit?! Aish!

Natapos din sa paghanap at pagpili. Grabe lang ah.

Nakashort ako na puti at 3/4 na checkered. Magdadoll shoes lang sya. Mas simple, mas okay!

Sinilip ulit ng dalaga si Lu Han sa bintana. Wala na ito. Baka nasa loob na ng sasakyan.

Nagmadali na syang bumaba at naabutan nya na magkausap si Ae Ra at Lu Han sa sala.

" Goodmorning. :) bati ng binata kay Sung Young.

" Goodmorning din. :) " bati naman sakanya ng dalaga.

Napahawak si Lu Han sa batok.

" Uh.. ano? Uh.. napaaga ako eh. Okay lang ba? " sambit nya sa dalaga na medyo nahihiya pa.

" Ah, hindi okay lang. Kanina pa naman ako gising. Oo, ah? tara na? " yaya ni Sung Young sakanya. Bakit ba sya nagmamadali? Medyo natetense kasi sya dito kay Ae Ra eh. Naniningkit yung mata nya habang tinitignan nya si Lu Han.

.Jpg Models Inc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon