Kinabukasan
Nagsimula na ulit ang araw ng lahat ng normal at naaayon sa panahon. Mainit na, di katulad kahapon na naambon. Busy nanaman ang lahat.
" Goodmorning Ms. Ae Ra! "
" Goodmorning! "
Binabati si Ae Ra ng bawat makakasalubong nyang mga staffs sa office. Yung iba nag aalinlangan pa bumati sakanya kaya sya na mismo nauuna. Baka isipin nanaman napaka taray nanaman nya.
May nakita naman sya sa loob ng office nya. Si Min Mi. Himala mas maaga sakanya ngayon to. Si Sung Young sanay na siyang late talaga yun.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
" Goodmorning! " bati sakanya ni Min Mi.
" Tss. Goodmorning. Ang aga mo ata ngayon? " sambit ni Ae Ra at inayos na ang gagamiting camera at iba't ibang lens.
" Di na kita nahintay, may mineet pa kasi ako na bagong staff. Oo nga pala, ano meron kagabi? " sabi ni Min Mi at umupo na sa couch. Tinitignan nya ang mga pictures na kuha kahapon.
" Bakit? Wala naman meron kagabi, pumunta lang kami sa apartment nila Xiu Min. " sabi ni Ae Ra at patuloy pa din sa pag aayos.
Tinignan naman sya ni Min Mi, with matching taas kilay pa.
" At kelangan pa kami pabain at paglakarin ng malayo -___- Ayos yang trip nyo ni Se Hun. "
" Malay ko dun kay Se Hun, alam mo naman yun pag tinopak na. Katulad kagabi, aish! " sabi ni Ae Ra at umupo na sa tapat ni Min Mi.
Tinignan naman sya ngayon ni Min Mi na may halong pang aasar na.
" I-kwento mo na kasi kung ano nangyari kagabi ha? Napansin ko kasi di ka kinakausap kagabi. Medyo himala yun. "
" Oy, ano? di ako isasali dyan ha? "
Napatingin naman ang dalawa sa pumasok sa office. Hapong hapo nanaman tong babae na to.
" Wow, lakas talaga ng instinct mo eh noh? Umupo ka na nga lang. "
" Sorry, late nanaman ako. Tinanghali ng gising si Tao -___- " at umupo na sya sa tabi ni Ae Ra. Nagtingin din ng mga bagong develop na pictures.
" Kelan mo pa naging service si Tao? Talaga to. "
" Ay nako, bakit sakin nanaman ang topic? Dali, ano nangyari kagabi?! "
At nagsimula na magkwento si Ae Ra.
Play the Song: Only Friends by As One
Flashback
" Bago ko mag kwento, pede favor? "
" Sure, ano yun. "
Nagulat si Ae Ra ng bigla sya yakapin ng binata.
" Payakap naman. Kahit 5mins lang. Please. " nagkacrack ang boses ni D.O. Umiiyak nanaman.
Hindi alam ni Ae Ra ang sasabihin at gagawin.
Niyakap nalang nya si D.O at hinagod ang likod.
Ano ba tong lalaki na to, bakla ba to o ano?