What The--~

14 0 0
                                    

Kasalukuyang nasa sasakyan ang buong tropa. Si Se Hun tahimik lang sa pag dadrive. Himala di nya kinakausap ngayon si Ae Ra. Madalas kasi makita o maabutan na mag kausap yung dalawa. Si Ae Ra naman busy sa kausap nya sa cp. Yung iba naman nasa likod. Si Baek Hyun, Min Mi, Chen At Chan Yeol. Si Baek Hyun at Min Mi nanunuod ng kung ano ano sa cp, si Chen naman natutulog.. nakapatong ang cap nya sa mukha. Si Chan Yeol pinaglalaruan yung stuff toy na kamukha nya. Daga.

Samantalang sa pinaka likod naman ay sila Lay, Kris, Sung Young, Suho, Kai at Lu Han. Si Lay nakaupo sa legs ni Kris. Tapos yung apat in and out na. Bakit ba kasi nag siksikan sila sa likod di ba? Si Sung Young nakatulog na sa balikat ni Su Ho. Yung dalawa naman, si Kai At Lu Han nag kekwentuhan lang. Di talaga nauubusan ng topic tong dalawa na to.

~~

" Hello.. " sabi ni Ae Ra.

Sinagot naman agad ni D.O ang tawag.

" Hello? "

" Hello, D.O nandyan na kayo? " 

" Bakit number ni Se Hun gamit mo? "

" Uhh.. wala kasi ako load eh. Ayun nakitawag lang ako. " napatingin naman sya kay Se Hun na diretso lang ang tingin.

" Nandito na kami. Pa-loadan nalang kita? " 

" Ha? 'wag na. Lowbat na din kasi yung phone ko. Ano? Kumusta na? Make kwento na. " 

" Dito talaga? Punta ka nalang dito. " 

" Ha? Wait.. " tinignan ni Ae Ra ang orasan sa sasakyan. 8:30pm. 

Iniisip nya muna ang mga gagawin nya bukas. Medyo busy sya tom. pero sige bibigyan nya ng time yung kaibigan nya.

" Se Hun, dito nalang ako. " 

Napatingin bigla ang binata sa sinabi ng dalaga. Saan nanaman pupunta tong babae na to? Gabi na.

" Saan ka pupunta? "

" Sa apartment nila Xiu Min. "

" Ganun? Sumakay ka ulit, sasama ko. "

" 'Wag na mag tataxi nalang ako. "

Nagtaka naman ang dalaga ng binuksan ulit ng binata ang pintuan, at pinapasakay ulit sya.

" Yah! baba muna kayo. Maglakad nalang kayo. "

" Ha?! "

" Sige na, baba na. Masaya maglakad. " sabi ni Se Hun sa ibang tropa.

Isa isa naman sila bumaba. Yung iba umangal, yung iba naman no comment. 

Sumakay ulit si Ae Ra.

" Huy, anong trip mo? " sabi nya sa binata.

" Wala lang, di ako makapag drive ng maayos eh. Mabigat. " paliwanag ni Se Hun at pinaandar na ang sasakyan. Napatingin sya sa side mirror ng sasakyan. 

" Adik ka. Kawawa naman mga yun. "

" Malaki na sila. Tsaka delikado mag taxi pag ganitong oras. Babae ka pa naman. "

Hinampas naman ni Ae Ra si Se Hun sa braso nito.

" Hoy, babae naman talaga ko ah. "

" Haha! Sabi ko nga di ba. Babae ka pala? HAHA! " 

" Hinayupak ka, haha! "

.Jpg Models Inc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon