Torn between two lovers~

12 0 0
                                    

.JPG Inc.

Nakarating ang dalawa sa building ng may ngiti sa mga labi.*ehem

" Sige, see you later. " paalam ni D.O sa dalaga at nag hiwalay na sila.

Habang papasok ng elevator si Ae Ra..

" Wait, pasabay :) " 

Si Se Hun, na mukhang hapong hapo.

Hindi naman maintindihan ni Ae Ra kung bakit parang nakaramdam sya ng ilang sa binata. Aba malay naten, di ba?

" Oh.. bakit pawis na pawis ka? Saan ka galing? " tanong ng dalaga at pumasok na sila sa elevator.

" May dinaan lang ako dyan sa-- kanino galing yan?napatigil si Se Hun sa sinasabi nya ng may mapansin sya sa leeg ng dalaga. Isang kwintas. Isang kwintas na pamilyar sakanya.

" Ah eto ba? Ano..  "

" Kay D.O? "

" Ha? H-hindi.. "

" Ah, kala ko kay D.O eh.. May history kasi yung kwintas na yun. "

Parang naging interesado naman si Ae Ra sa sinabi ni Se Hun. Oo nga pala, bakit sya nagsinungaling?

Ano naman kung kay D.O galing to? Ano naman kay Se Hun?

" Oh? Ano history nun? "

" Binigay yun sakanya nung Mama nya, mga 10 years old siguro kami nun. Naalala ko kasi, Isuot mo to sa babaeng gusto mo hintayin sa harap ng altar, anak. yun ang sabi nung mama nya sakanya. Akala ko kay D.O yan galing, buti nalang hindi. Sige, Ae Ra see you later :) " at lumabas na si Se Hun ng elevator. 

Si Ae Ra naman, parang hindi makagalaw ang mga paa sa narinig nya.

Bakit sya nakaramdam ng mabilis na pagtibok ng puso nya? Mali yon. Maling mali.

Dahil dapat kay Se Hun nya yun maramdaman.

Wala yung dalawa. Si Lu Han at Sung Young. Si Su Ho naman, kinausap ni Ae Ra. Hay kawawang Su Ho. Di man lang sinipot. Tsk. Bad Sung Young! Si Xiumin, Yixing at Kris naman, tiba tiba sa shots. Sobrang enjoy ata sila ngayong araw. Si Chan Yeol todo asar na asar na, paano ba naman kasi maya't maya ang pag paparetouch ni Baek Hyun kay Min Mi. Halatang dikit ng dikit eh. Si Kai at Tao naman panay ang hanap kay Sung Young dahil ang di nila type ang pinapasuot sakanila. Ang aarte talaga. Si Chen naman ang hilig i-check sa monitor ang itsura nya, well. Gwapo eh. Samantalang, si D.O at Se Hun naman ay mukhang dumidilim ang aura sa isa't isa, wag kayo mag alala di nahalata ni Ae Ra yun.

After 4hours, natapos din ang photoshoot nila. Ganun pa din dating gawi. Pose dito. Shot dyan. 

Nagpapahinga si Ae Ra sa office nya ng may kumatok sa glass door nya.

Si D.O.

" Hi, sama ka sakin! " at hinila nya si Ae Ra ng walang pakundangan. Nabigla nalang ang dalaga sa ginawa ni D.O. Ayun, walang laban eh. Taray lang ng scene nila natakbo sa palabas ng building. Buti nalang nasa cr nung mga oras na yun si Se Hun. Bye for now ang peg.

Sumakay sila ng sasakyan at agad itong pinaandar ni D.O.

" Yah! Ano yung ginawa mo? Muntik na ko madapa. Hinayupak ka talaga D.O! " sambit ni Ae Ra habang hinihilot ang binti nya. Masakit kaya yon, biglaan eh.

" EK tayo. Haha! " 

O.O

" Woa?! Seryoso ka ba ha? "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

.Jpg Models Inc.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon