Alam ko lahat.

6 0 0
                                    


Akala mo ba hindi ko alam? Akala mo ba bulag ako? Akala mo tanga ako para hindi malaman na may relasyon kayo ng kapatid ko?

Hindi ako manhid at mas lalong hindi ako tanga!

Alam kong niloloko niyo ako. Alam kong nagsisisi ka kung bakit ako ang pinakasalan mo. Nagsisisi ka na sana kapatid ko nalang ang nauna mong nakilala kesa sakin. Alam kong tuwing magpapaalam kang aalis ng bahay ay nag kikita kayo ng patago. Nagkikita kayo sa lugar na hindi ko alam. Na hindi ko kayo makikita.

Sa tatlong taon na kasal tayo kahit kailan, hindi ko naramdaman na naging asawa kita. Pero kahit niloloko mo ako hindi ko magagawang gawin sayo yun. Kasi sumumpa ako. Sumumpa ako sa Dyos na kahit anong mangyari mamahalin kita. Ilang beses kitang gustong saktan at tapatin sa sikretong itinatago mo pero hindi ko magawa. Napanghihinaan ako ng loob.

Masakit para sakin na makita kang nag papanggap na okay lang ang lahat. Na masaya ka sakin. Na mahal mo ako. Naka ngiti ka sa harap ko pero sa loob ng utak at puso mo, ibang tao.

Kapatid ko.

Si Joseph. Akala mo ba hindi ko alam na hindi ko anak yan? Akala mo ba hindi ko nabasa ang text messages niyo ng kapatid ko na sinabi mong sakin mo ipapa salo ang disgrasyang ginawa niyo kasi ako ang asawa mo? Na ayaw niyang panagutan ka. Na takot kayong malaman ko.

Pero nanganak ka, ipinanganak mo ang batang hindi sa akin. Wala kang narinig.

Tinanggap ko ng buong puso ang isang batang alam kong bunga ng pagtataksil ng sarili kong asawa at ng kapatid ko. Tumayo akong ama ng bata. Minahal ko. Kahit tuwing titignan ko siya, mukha ng kapatid ko ang nakikita ko.

Walang kasalanan ang bata sa pagtataksil ninyong dalawa. Kaya kong tanggapin siya at itratong tunay kong anak. Pero sana balang araw, makunsensya ka. Makunsensya kayo. Kasi alam ko ang lahat.

Hindi ako tanga para hindi ko malaman.

Pero tanga ako kasi kahit alam ko, tinatanggap ko. Tanga ako kasi itinatago ko sa sarili ko. Tanga ako para mag panggap na tanga.

Bakit? Kasi mahal kita. Pinakasalan kita. At nangako ako na kamatayan lang ang magpapahiwalay sating dalawa.

Mac
2005
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila

FSF FavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon